Kabanata 26

389 14 0
                                    

Kabanata 26: Haris Confrontation

"SINABI KO na nga ba't hindi patas lumaban ang mga Victores. Inaasahan ko nang mangyayari ito," naiinis na wika ni Moris habang kaharap ang dalawang kanina pa malalim ang iniisip.

Matapos tumawag ang isa sa Victores, ganoon na ang dalawang mag amigo. Walang reaksyon at nananatiling tahimik. Mukhang malalim ang iniisip.

Ikaw ba naman na, nasa panganib ang anak mo, hindi ka rin mag aalala?

"Anong gagawin natin ngayon?" Nag aalalang tanong ni Don Haris sa dalawang kasama.

Umiling iling si Don Dasel. Napapatayo at napapaupo ito. Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin, pareho silang walang maisip na paraan.

Paano na lamang ang kanilang mga anak na nasa kamay na ng mga kalaban? Paano nila ito maililigtas?

Maya-maya may natanggap silang tawag sa telepono. Nagkatinginan muna silang tatlo bago ang isa'y nakapag desisyon na sagutin iyon.

Humakbang si Moris at dinampot ang telepono. "Hello.."

"Hello, kanina niyo pa hinihintay ang tawag ko 'di ba? Kumusta? Kinakabahan ba kayo? Don't worry wala naman akong gagawing masama sa mga anak niyo kung susunod kayo sa mga ipapagawa ko."

Napangisi si Moris. Hindi nito alam kung ano ang pinagsasabi. Oo, may alas na itong hawak laban sa kanila.

Naunahan sila laban sa alas, pero hindi naman sila nito naunahan sa pagiging matalino. "Osige, ano bang mga ipapagawa mo sa amin. Kapalit ang mga anak namin?"

Narinig niyang humahalakhak ito sa kabilang linya. "Simple lang naman. Una dalhin niyo ang mga dokumento ng inyong mga properties at mga kayamanan. Pangalawa, ibigay ninyo sa amin ang kapangyarihan para makilala sa buong mundo. Pangatlo, pumunta kayo sa lugar na sasabihin ko sa text na walang kasamang iba kayo lang walang mga pulis. Kung lumabag kayo sa isa sa mga 'yan, patay ang anak niyong dalawa ni Haris. Bye! Hahaha!"

Napalingon si Moris sa dalawang kanina pa nakikinig sa usapan ng kanilang kalaban.

"Tulad ng inaasahan nating lahat. Hinihingi niya ang mga dokumento ng inyong properties at mga kayamanan. Maging ang kapangyarihan ng inyong pamilya at pinapapunta niya sa lugar na ite-text niya na walang kasama. Tayo lang,"

Umiling iling si Don Haris saka napangisi ng nakaka asar. "Wala rin naman palang sinasanto ang mga Victores na iyan. They only want is popularity and power. Napaka-cheap nila, mga insecure."

"You sounds fetch amigo..hindi natin ugali ang mag salita ng mga ganyan," natatawa ring sabi ni Don Dasel.

Si Moris rin ay napapangiti narin na may tunog.

Napabaling ang kanilang tinging tatlo sa isang mayanda na't panot na lalaking nag salitang police officer. "Sir, papunta na ngayon doon ang mga tauhan ko. Handa na silang mag back up, para sa inyo anu mang oras."

"Thanks SPO3 Magales," pasalamat ni Moris sa kaibigan.

"Walang anuman, good luck sa inyong laban. Salamat din at madadakip na namin ang mga Victores na iyan, matagal na silang nasa watch list namin," naka ngiti ring sabi nito.

Tumango si Moris at bumaling sa dalawa. "Ano pang hinihintay natin? Tara na! Matagal na akong hindi nakipaglaban, mahaba-habang panahon narin. Makaoag-exercise narin ako nito."

"Ikaw lang ba? Kami rin 'no. Mapapalakas ulit ang katawan ko nito," nakangisinh usal rin ni Don Dasel.

Napahalakhak si Don Haris. "Yeah, it's time to revealed our skills in martial arts."

"So? What we our waiting for?"

...

"TARANTADO kayo! Anong kailangan niyo sa 'kin?! Bitawan niyo ako!"

Nagpupumiglas siya sa dalawang malaking lalaki na nakahawak sa kaniya. Kinakaladkad siya ng mga ito papasok sa isang abandonadong silid. Kanina pumasok sila sa isang mansyon, pagkatapos 'nun dito na sila papunta sa isang abandonadong silid.

"Bitawan niyo siya," napatingin si Raxcer sa lalaking nasa kaniyang harapan na nagsalita.

Napipilan siya nang makilala niya ito. What the hell?! Sinasabi na nga ba niya! Noong una palang masama na ang pakiramdam niya rito. Kalaban nga niya talaga!

"Tarantado ka! Anong pinaplano mo? Ikaw ba ang kumuha kay Aurora? Ha? Ikaw ba?! Nasaan siya?! Saan mo siya dinala?! Ilabas mo siya!" Galit na galit niyang sigaw rito.

Akma na sana niyang susuntukin ito nang bigla siyang pigilan ng mga tauhan nito.

Ngumisi ito sa kaniya. "Hahaha! Bakit mo siya hinahanap sa akin? Hindi ko siya kinidnap, Ace. Kusa siyang sumama sa 'kin dahil mahal niya ako. Eh, ikaw mahal ka ba niya? Hindi dahil simula pa noon hindi ka na niya minahal. Hahaha!"

"Tarantado ka! Mahal ako ni Aurora, mahal niya ako simula pa noon. Kaya't wala kang karapatang sabihin iyan sa akin! Wala!"

Napatigil si Raxcer sa pagsugod nang bigla siyang suntukin sa kaniyang tiyan ng mga tauhan nito. "Pagkatapos niyo siyang bugbugin, dalhin niyo siya sa nakahandang silid para sa kaniya."

"Masusunod po, boss."

Napaluhod siya at nakita niya itong umalis na.

"Mahal ako ni Aurora. Hindi ako pwedeng magkamali. Mahal niya ako."

...

#VS1BM

Ate Sari,<3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon