Kabanata 14: Haven Estrilla
TAWANG-TAWA si Aurora habang nakikipag-kwentuhan kay Haven Estrilla.
Nakilala niya ang lalaki sa ibang bansa, noong nagpakalayo siya sa buhay ni Ace.
Ito lang ang naging ka-close niya doon. Mabuti naman at half filipino ang lalaking ito kung kaya't hindi naman siya nahirapan na makipag sabayan ng pag-e-english rito.
"Really? Marami ang napa-believe mo sa presentation mo?" Nakangiti niyang tanong rito habang nag-susubo ng pagkain sa kaniyang bibig.
Dinala siya nito sa mamahaling restaurant. Hindi niya aakalaing dito siya dadalhin sa Spanish restaurant ni Haven. Ngiting-ngiti naman ito habang nag-ku-kwento sa kaniya.
"Oo, alam mo namang magaling ako sa larangan ng socceer. Hindi mo ba alam na ako ang naging captain nila?"
Ngumiwi siya. Iyon nga lang sa sobrang bait nito. Mukhang nagiging hambog na ito sa mga bagay.
Ngumisi siya ng pilit sa sinabi nito. "Mabuti naman kung ganoon."
Wala na siyang masasabi pa. Walang wala na talaga. "You know, simula pa noong bata pa ako mahilig na talaga ako sa larong socceer kung kaya't hindi talaga ako sumuko. Kaya iyon, natupad ko naman ang pangarap ko."
Hindi na niya alam kung papakinggan pa ba niya ang pagmamayabang ni Haven, o, hindi na. "Mabuti naman, at hindi mo naisipang sumuko, Haven. Tingnan mo ngayon, successful ka na sa buhay," pilit ang ngiting ibinigay niya rito.
Sumubo muna ito at ninguya ang pagkain bago nag-salita ulit. "It's good to hear that from you, my princess. Oo nga pala, kumusta naman ang naging ilang buwan mo dito sa Pilipinas? Okay ka lang ba?"
Tumango-tango naman siya bilang tugon rito. "Okay naman ako, Haven. Naging maayos naman ang mga araw ko dito sa Pilipinas."
Napatigil siya sa pag-subo nang may mamataan siya sa parking area sa labas ng restaurant. Kumunot ang kaniyang noo sa nakita.
Ibinalik niya ang kaniyang atensyon kay Haven. Kailangan niya ng tulong at kooperasyon ng lalaki. Hindi niya dapat sayangin ang pagkakataong ito, kailangan na niyang gumawa ng hakbang. Kung hindi, hindi siya titigilan ng ama ni Raxcer.
Mukhang napansin naman ni Haven ang pagkabalisa niya kung kaya't hindi ito nag-dalawang isip na tanungin siya kung ano ang nangyayari sa kaniya.
"Aurora, there's something wrong? You look, uncomfortable?"
"Ahm, Haven. Did you do me a favor?"
Mas kumunot ang noo nito habang nakatitig parin sa kaniya. Alam niyang matagal nang may gusto sa kaniya si Haven, pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa lalaki.
Pasalamat naman siya't naiintindihan siya nitk at hindi nito ginagamit ang pagkakaibigan nilang dalawa para mahalin niya rin ito pabalik.
Pero, kahit na ganoon ang mangyari. Hinding-hindi niya magugustuhan si Haven. Iisa lang ang itinitibok ng kaniyang puso– iyon ay si Raxcer. Si Raxcer 'Ace' Vorex lang. Wala nang iba pa.
Inilapag nito ang hawak na kutsara at tinidor. Humalukipkip ito, bago ito tumanong muli sa kaniya. "Of course, my princess. Alam mo namang gagawin ko ang lahat basta para sa'yo. Ano ang nais mong gawin ko, Aurora?"
Lunok laway siyang ibinalik ang tingin sa may parking lot area. Wala na doon ang dalawang taong nakita niya.
Napahinga siya ng malalim pero bigla ulit siyang kinabahan nang makita ang mga ito na papasok na ng restaurant kung saan sila kumakain ni Haven.

BINABASA MO ANG
Bad Man
Acción#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...