Wakas

753 18 0
                                    

Katapusan

HINDI magka-ugaga si Raxcer habang hawak-hawak niya ang isang maliit na box.

Nag-aayos siya ng kaniyang napiling lugar kasama ang kaniyang mga kapatid.

"Hindi ko alam na tinutulungan kita rito, Ace." Biglang sabi ng kaniyang Kuya Adon.

Itinago niya ang maliit na box sa kaniyang bulsa saka tinulungan na ang mga ito sa pag-aayos. Nasa itaas ito at sumasabit ng mga balon sa kisame.

Inirapan niya ito habang siya'y naka tingala rito. "Eh, ano bang nakain mo Kuya at tinulungan ko ako?"

"Hindi ko rin alam pero good luck nalang sa'yo!"

"Then I should thank you for helping me," natatawa niyang sabi.

Bigla namang lumitaw sa kaniyang harapan ang kapatid na si Zaro na humahangos. "Kuya Ace..hindi ako makahanap ng tulips na bulaklak sa tindahan at maging rosas na pula."

"What?! Suyudin mo ang buong flower shop! Hindi dapat pumalpak ang plano ko! Damn!" Uminit ang ulo niya nang marinig ang binalita sa kaniya ni Zaro.

Namewang siya at hinilamos ang kaniyang mukha. Hindi dapat pumalpak ang surpresa niya itong kay Aurora. "Joke lang Kuya Ace. Andoon na sa labas, you should thank me for this. Hindi namin gawain ang mga ganito."

"Tama ka Zaro, hindi ko inaasahan na mai-inlove si Kuya Ace. At sa babaeng mahal niya pa rin," hindi makapaniwalang wika rin ni Hell. Saka umakbay ito sa kaniya.

Napatawa siya. "Well, hindi kayo makapaniwala. At sigurado akong maiintindihan niyo rin ang nararamdaman ko ngayon, kapag ma-in love rin kayo."

"That will never happen," mapait na sabi ni Zaro. Napatingin siya rito. Kumunot ang kaniyang noo.

"Palibhasa kasi hindi ka pa nag-mamahal talaga ng wagas. Tingnan mo si Kuya Ace, nahanap na ang ka forever niya. At sure ako ikaw din," asar ni Hell sa kapatid nitong si Zaro.

Umingos ito na tela hindi nagustuhan ang narinig. "Damned that love."

"Well, as I say. You damned love."

Sumama ang tingin nito kay Hell. Umiling-iling na lamang si Raxcer. "Palibhasa kasi may girlfriend ka na. Pero sigurado ako, wala kayong forever."

"Sounds bitter!"

Saka sila tumawa ni Hell. Natigil lang nang sumigaw si Kuya Adon niya sa itaas. "Ano magtatawanan nalang ba kayo diyan o tutulungan niyo ako?"

Nagsi-kilos naman silang tatlo.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-aayos biglang nag-ring ang kaniyang cell phone. "Hello, kuya Ram."

"Hello, Ace. Nasa akin na si Aurora. Handa na ba diyan ang lahat?"

Tumingin siya sa paligid. Ngumiti siya. "Yes, it's all set."

"Okay, we are on the way. Good luck," sabi nito sa kabilang linya.

Bigla siya nakaramdam ng ibayong kaba sa kaniyang dibdib.

...

HINDI ALAM ni Aurora kung saan siya dadalhin ng kuya ni Raxcer na si Ramson Vorex or in short Ram Vorex.

Kinakabahan siya na iwan. "Kuya Ram, where are we going? Saan ba si Raxcer?"

"You will know later, not now. Malapit na rin tayo."

Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar at mukhang wala ring balak na sabihin sa kaniya ni Ram kung saan sila papunta kaya nanahimik na lamang siya.

Mas kinabahan siya nang pumasok sila sa isang kagubatan. Seriously? Mukhang ang layo na ang tinakbuhan ng kotse at hindi pa rin sila nakakarating?

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon