Kabanata 25

380 10 0
                                    

Kabanata 25: His Heart Says

MABILIS ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse si Raxcer. Papunta siya sa opisina ni Aurora. Dadaanan niya ang babae para yayaing kumain sa labas.

Kokomprontahin rin niya ito kung ano ba talaga ang totoo. Kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi ng kaniyang Ama sa kaniya kanina.

Pagkarating niya sa Samontes building hindi na siya nag aksaya pa ng oras. Dumiretso agad siya sa opisina ni Aurora.

"Yes, sir? Do you have an appointment with Miss Aurora Samontes?" Salubong sa kaniya ng isang sekretarya. Sekretarya ni Aurora.

Nabaling ang tingin niya rito. "Ahm, yes. I am Raxcer 'Ace' Vorex, his boyfriend. Nandito ba siya?"

"Kayo po ba ang nag-padala ng pagkain sa kaniya kanina? At saka kanina pa po umalis si Miss Aurora."

Kumunot ang kaniyang noo. "Nag padala?"

Tumango-tango ang sekretarya. "Yes po, hindi po ba kayo ang nag padala ng isang bucket ng fried chicken at ng chocolate?"

Umiling-iling siya. Mukhang may mali sa nangyayari. Wala siyang pinadala kay Aurora na ganoon. At saka kung sakali 'mang may nag padala. Sino ang taong 'yun?

"May I enter her office? May titingnan lang ako.."

"Sure sir," agad na sagot ng sekretarya sa kaniya.

Naglakad ito at nag patiuna. Sumunod naman siya sa likuran nito. Agad na binuksan nito ang opisina. Hindi na siya nag dalawa pang isip at pumasok siya sa loob.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Natuon ang kaniyang pansin sa mesa ni Aurora. Wala nga doon ang babaeng mahal niya.

Lumapit siya roon at tiningnan ang nakapatong roong bucket ng fried chicken at isang plastic ng chocolate. Mukhang wala namang kahina-hinala.

Kinain lahat iyon ni Aurora. Aalis na sana siya sa mesa nang may mapansin siyang isang kapirasong papel. May nakasulat roon. Dinampo't niya iyon at tiningnan ng mabuti. Kumunot ang kaniyang noo nang mabasa ang maikling sulat.

"See you at lunch time?" Basa niya sa sulat.

Bumaling siya sa sekretarya. "Ahm, miss salamat. Paki sabi nalang kay Aurora na tawagan niya kapag ndito na siya. May kailangan lang akong puntahan."

"Ah, sige po sir."

Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon at pumunta siya sa cafè na sinasabi sa sulat.

Nang makarating siya roon iginala niya ang kaniyang paningin. Hinanap niya sa loob si Aurora ngunit wala siyang makita kahit 'ni bulto nito.

Kiuha niya ang kaniyang cell phone sa bulsa at ini-dial ang numero ng babae.

"The number you have dialed is now out of attended or out of coverage area, please try again later. The number you have dialed is now out of -- toot toot toot."

Inis niyang ibinaba ang kaniyang cell phone.

Saan pumunta si Aurora? At sino ang nagpadala ng pagkaing iyon sa babaeng mahal niya?

Dapat na ba siyang kabahan? Totoo nga ba talaga ang sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama?

Mabilis siyang pumunta sa kaniyang kotse at inis niya itong sinipa. "Saan ka pumunta, Aurora. Saan ka pumunta, my wife?"

Akma na sana siyang sasakay sa kaniyang kotse nang may biglang humambalos sa kaniyang batok. Isang matigas na bagay.

Nakaramdam siya ng pagkahilo bago siya mawalan ng malay.

Shit! Mukhang may mali talaga.

...

"WE NEED to prepare. Hindi natin alam kung anong oras susukob ang kalaban. Kailangang maging handa tayong lahat." Nag aalalang wika ni Moris sa dalawang lalaking kaharap niya ngayon.

Sa wakas bati na rin ang dalawang magkaibigan dati. Masaya siya para sa mga ito.

Humalukipkip sa isang tabi si Don Haris. "Handa na ako, kung lulusob man sila."

"We don't know what their planning for us. Baka mamaya may alas na pala silang hawak laban sa 'tin."

"Moris, don't mind too much. Trust me about this." Naiinis na sabi ng Don.

Doon na sumabat si Don Dasel. "Tama si Moris, amigo. We need to be prepared. Para sa labang ito. Baka mamaya may mga inosenteng tao ang madamay. Hindi patas kung lumaban ang mga Victores, alam mo na iyon sa simula palang."

Napa wagayway ng kamay ang Don saka tumayo. "Okay, okay. Anong plano natin?"

Si Moris ang unang nag salita. "Kilala niyo naman na siguro ang mga Victores, hindi sila patas kung lumaban. Sana sa mga oras na ito, wala pa silang hawak na alas laban sa 'tin. Kung mangyayari iyon, siguradong ikababagsak natin 'yun. Now we need to--"

Ring... ring... ring...

Tumayo si Don Dasel at sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

"Oh, hello-hello. Don Dasel Samontes. Hahaha. Gusto mo bang mag laro kasama ang kaibigan mong si Don Haris? Well, I want you to know na hawak namin sa leeg ang anak mong si Aurora Samontes. At ang soon to be son in law mo na si Raxcer 'Ace' Vorex. Hahaha. Gusto niyo bang mag-laro? Well, the game begin.."

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon