Kabanata 6

566 26 0
                                    

Kabanata 6: His Condition

KANINA PA MAHIGPIT ang hawak ni Aurora sa isang puting folder, habang naka-sakay siya sa elevator, papunta sa kinaroroonan ng opisina ni Ace.

Nakapag-desisyon na siya. Gagawin niya ang lahat para lang muli niyang mapa-ibig sa kaniya si Ace.

Lumabas na siya ng elevator nang makarating na siya sa floor kung saan ang kinaroroonan ng opisina ni Ace.

Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya alam kung para saan, basta bigla na lamang kumabog ng mabilis ang kaniyang puso.

Bago muna siya, naka-punta sa opisina ni Ace. Dumaan muna siya sa sekretarya nito na naka-upo, sa mesa nito. "Yes, ma'am. What can I do for you?" Magalang naman nitong tanong sa kaniya.

"Ahm, I'm just need to talk in your boss." Direktahang sabi niya rito.

Ngumiti ito saka tumango-tango. "Ah, okay, ma'am. Wait here, I call him first." Sabi nito sabay kuha ng telepono na nasa mesa nito.

Napa-hinga siya ng malalim. Sana naman, pumayag si Ace na maka-usap siya. Higit niya ang kaniyang hininga habang pinapakinggan ang sekretarya ni Ace, habang kumakausap ito sa kabilang linya.

"Ahm, yes sir. She's..." Tumigil ito sa pag-sa-salita at tumingin sa kaniya na parang nag-ta-tanong.

"Aurora. Aurora Samontes." Naging sagot naman niya dito.

Tumango-tango naman ito saka bumaling na ulit ito sa ka-usap na nasa kabilang linya. "She's, Aurora Samontes, Sir...Ah, okay, Sir. Yes sir, copy...goodbye, sir." Ibinaba na nito ang telepono at naka-ngiti ulit itong bumaling sa kaniya.

"Pwede na po kayong pumasok sa opisina ni sir, Ace. Hinihintay na po kayo niya roon."

"Salamat, Miss.."

"Auga po. Auga Medina." Ngiti-ngiti nitong banggit sa sariling pangalan.

Tumango-tango naman siya. Maganda pala ang pangalan nito. Tulad, ng inosente nitong magandang mukha. "Salamat ulit, Auga."

Nag-simula na siyang mag-lakad tungo sa opisina ni Ace. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto.

Ngunit, parang gusto na niyang tumakbo dahil sa kaniyang nakita. May iba na naman itong kasamang babae.

Hindi ito ang babae na kasama nito noong isang araw kundi iba na naman. Ngayon, pakiramdam niya para siyang pinag-lalaruan ni Ace.

Pinapakita ba talaga nito sa kaniya na hindi na siya nito mahal? Well, parang gusto na niya ritong sabihin na tanggap na niya. Kung kaya't, huwag na nito siyang saktan ng harap-harapan.

Pero, deserve niya ito. Deserve niya ang masaktan, dahil noon..siya rin ang unang nanakit kay Ace.

Ngunit bakit? Bakit, si Ace? Bakit, sobra-sobrang sakit na ang nararamdaman niya?

Napatingin sa kaniya si Ace at ang kasamang maganda nitong babae.

Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano mag-halikan ang dalawa. Naputol lang iyon nang maramdaman ng dalawa ang presensya niya.

Tumayo ang babae at parang bale wala itong tumayo, saka nag-lakad papunta sa direksyon niya. Nilagpasan siya nito at lumabas ng opisina ni Ace.

Naiwan siya at ang lalaki sa opisina nito. Hanggang ngayon, naka-mulagat parin siya at naka-nganga. Gulat na gulat sa kaniyang nasaksihan.

Talaga nga bang masama na ang nakilala niyang mabait noon na si Raxcer?

Tumayo ito sa swivel na kinauupuan at nakita niya kung paano napa-litan ng galit at inis ang emosyon sa mga mata nito nang tumingin sa kaniya.

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon