Athena Azumi Alameda
"OMG!! Ang ganda at ang lawak.Two times ata ang laki nito sa school natin dati." react ni Brea habang naglalakad kami sa hallway.
"Kaya nga mukhang mahihirapan tayong maghanap ng room natin." sang-ayon naman ni Aluchi. Himala hindi siya Taglish. Ano kayang nakain ng babaeng too.
"Athena, why you're so tahimik?" puna ni Aluchi sakin. Okay binabawi ko na po ung sinabi ko kanina.
"Eh kasi naman kanina pa tayo tinititigan ng mga estudyante dito." sagot ko naman.
Nakakainis naman kasi talaga eh,ung feeling na titignan ka nila mula balakubak hanggang ingrown. Tusukin ko kaya mga mata nila? Hahaha wag nalang magkasala pa ako. Kala mo naman ngayon lang nakakita ng mga Dyosa hmp.
"Don't mind them, Hindi na yan bago." sagot ni Brea
Nasaan ba yung Engineering building dito? Leche naman oh!
Habang naglalakad kami napansin ko na parang may dumaang anghel. Bigla kasing tumahimik eh yung parang larong nakapause.
"Bakit ang tahimik nila at nakayuko?" puna ni Brea. Hindi lang pala ako ang nakapansin pati rin pala si Brea. Ano kaya ang meron? Merong bang dadaang hari?? Joseon period lang ang peg. HAHAHAHA!!
"Yeah, and why they are not moving?" sang-ayon naman ni Aluchi. Para nga silang larong nakapause dahil kahit pagblink ng mata eh hindi nila magawa.
Ano to mannequin challenge? HAHAHAHAHA (^o^)
"Baka mga robot naman sila?" dagdag ni Brea. Lakas din ng imagination ng babaeng to eh.
"At baka nakaprogram sila? Wag niyo na nga lang silang pansinin. Look oh! May garden si---Ouch." ang sakit ha! Kingina neto >.< bakit kasi nakakalat ang pader? Badtrip talaga oh! Infairness ang sakit. Pero teka nga lang wala namang pader sa hallway kasi nasa gitna kami sabay kamot sa ulo ko. Pagtingin ko sa taas ..😱 😱😍😍OMG!! OMG!! as in OMG !! Oh May Gwapo.
"What?" tanong ng lalaking nasa harapan ko sabay smirk. Tumingin ako sa mga kasama niya at binigyan ako nang what-are-you-looking-at-look.
"Sorry" sambit ko na lang. Walang kasi akong maiisip na magandang sabihin.
Tinignan ko yung dalawang kasama ko at para silang tanga habang nakatulala sa mukha ng mga nilalang na nasa harapan namin. Paano ba namang hindi eh mala gods ang mukha nila? Mukhang may malalaking muscles at may mga pandesal sa katawan hehe. Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa kaliwang braso ko.
"Is that all?" tanong nito ulit habang nakatitig sa akin, mukhang galit yata siya. Bigla naman akong napaisip kung anong gusto niyang sabihin.
"Ano bang gusto mo? Nag sorry na nga ung tao eh" inis na sagot ko. Bigla na lang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil akala mo kung sino siyang anak ng Presidente kung magsalita siya. Hindi naman siya umimik na parang wala akong sinabi.
"ANO BA?! LET ME GO!!" sigaw ko na sa kanya at baka sakaling pakinggan niya ako pero wala pa rin.
"Bes, baka di siya nakakaintindi ng English?" bulong ni Brea.
Anong hindi? Kabobo naman nito, nakita nang nagsalita pa nga siya ng English eh. Minsan talaga nakakalimutan ng babaeng to dalhin ang utak niya.
At ang isang to naman ang arte pa. Nagsorry na nga yung tao ayaw pang tanggapin. Ang arte niya ha, wag niyang sabihin na gusto niya pang sabihin ko in different languages yung salitang sorry.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.