Gian Cedric Chamberlain
Paninindigan ko na ngayon na magkaaway kami ni Athena. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya pinatulan kahapon.Tinapon ko na tuloy yung sapatos ko. Mahal pa man din yun. Pauwi na ako ng makita kung naglalakad siya kasama yung kapatid niyang aso. In fairness magkamukha sila. Sinundan ko sila hanggang makarating sila sa may park. Maganda ang park at maraming puno ang nakapaligid dito, may mga swing at seesaw din dito. Kung para sa marami maganda ang park na ito, para naman sa akin ito ang pinakakinamumuhian kung lugar sa buong mundo. Sa tuwing dumadaan ako dito naaalala ko ang pinakamalupit kung sekreto. Walang nakakaalam nito maliban sa konsensya ko. Pinabilis ko ang kotse ko at pinagilid ng konti.
"Hoy walang hiya ka, hindi sayo tong daan!!!" sigaw ni Athena. Muntik ko na pala siyang mahagip. Bakit muntik lang dapat nahagip ko na siya para masaya.
"Haha. Buti nga sayo." sagot ko habang nakatingin sa side mirror. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa sobrang galit. Mas maganda na ngayon yung aso niya kaysa sa kanya. HAHAHAHA!!
Pagkauwi ko sa condo ko, naabutan ko yung tatlo na nanunuod ng basketball. Ganyan yang mga yan feeling at home. Kapag wala kasi ang parents ko sa Pilipinas dito ako nagsstay kasama sila.
"Pre, magluto ka na. Gutom na kami." bungad sa akin ni Kurt. Wow ha hindi man lang ako binati. Kita niyo feeling at home sila. Ginagawa pa akong maid nila. Hiyang hiya naman kasi yung may-ari ng condo.
"Tinatamad ako. Magpadeliver na lang kayo." sagot ko habang papasok sa kwarto ko .
Brea Honey Elezares
Medyo na late akong pumasok ngayon dahil nag-ayos pa ako ng sarili. Alam niyo na darating si Cutie Pie ko. Pagdating ko kararating din lang ni Mrs. Legazpi. Pinagpatuloy lang naming yung debate at nagdismiss na. Bakit ang tagal naman yata ni Mrs. Dela Rama. At dahil wala pa si Ma'am syempre kanya-kanyang lipat ng upuan kaya naman wala akong katabi. Maya-maya kinalabit ako ni Athena.
"Blooming ka yata ngayon?" tanong ni Athena. Is that a compliment? Hello lagi naman akong blooming nuh, ang ganda ko kaya. At saka ngayon niya lang napansin?
"Syempre, pupunta si Cutie Pie dito eh." sagot ko sabay ngiti abot hanggang tainga.^________^
"Asus. Cutie Pie. Tsk.." react niya. Anong problema nitong babaeng to? Kumain na naman ba ito ng ampalaya?? Ampalaya Queen talaga.
"Guys sabi ni Ma'am hindi daw siya papasok ngayon dahil nasa hospital ang anak niya." announce ni Mandee. Yung totoo,may group chat ba silang dalawa ni ma'am?
"Yes!!!Hooooo!!!!" hiyawan namin. Alam niyo na, kapag wala ang pusa nagwawala ang mga daga. Ahy este hindi pala mga daga, nagwawala na kasi yung mga Dinosaur. Feeling ko tuloy may shooting ng Jurassic Universe. Jurassic Universe?? HAHAHAHA..Bakit hindi niyo alam yang movie na yan? Ako kaya ang director dyan. HAHAHAHA. Diba yung una ay Jurassic Park, tapos sumunod yung Jurassic World, ngayon naman ay Jurassic Universe. Gusto niyong manuod Showing ngayon yun dito sa classroom. HAHAHAHA!!!!
"Pero may seatwork tayo. We will continue answering the question about sa binasa ni Aira kahapon." dagdag ni Mandee kaya naman lahat kami ay nagreact.
"Pwedeng pakiulit yung kwento? Hindi ko kasi naintindihan eh." sagot ni Kurt. Hindi daw naintindihan o hindi siya nakinig kaya hindi niya naintindihan yung kwento.
"No!! Don't repeat it." matigas na sagot ni Athena.
"Repeat it." sagot naman ni Gian. Away na naman to. Babasahin na sana ni Mandee yung kwento ng biglang sumigaw si Athena. Nabasag yata yung eardrum ko dun ah.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Novela JuvenilI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.