Athena Azumi Alameda
Papunta na ako sa classroom namin ng makasalubong ko sina Brea at Aluchi habang pababa sila ng hagdan.
"Saan punta niyo?" tanong ko sa kanila.
"Sa cafeteria mag-lulunch." sagot ni Brea.
"Bakit ang aga niyo yatang lumabas? Di ba may class pa tayo?" tanong ko. After kasi ng Filipino, Chemistry yung subject namin. Baka naman nag-ditch sila ng class.
Mga pasaway na estudyante. Wow parang ako hindi ah. HAHAHAHA!!
"Wala kasi si Sir eh." sagot ni Aluchi sabay flip ng hair.
Feeling naman niya nasa commercial siya ng shampoo?
"Ah, ganun ba. Sige kain na tayo. Nagugutom na rin kasi ako." sagot ko. Okay na rin na ngayon na kami kumain para naman hindi namin makakasabay sila Gian.
Hay salamat makakakain ako ng maayos.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Brea. Hindi ko inaasahan na itatanong niya yan kay hindi ako agad nakasagot. Ano bang isasagot ko sa kanya. As usual magsisinungaling ulit ako. At alam ko naman na hindi siya maniniwala dahil kilala niya ako.
"Syempre, may dahilan ba para hindi ako maging ayos?" sagot ko sabay smile. Binigyan naman niya ako ng are-you-bullshiting-me-look. Sabi ko na nga ba eh. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Guys samahan niyo naman ako sa library oh." singit ni Aluchi. Library na naman. Ano bang nangyayari sa babaeng to. Nagbabago na ba siya at naisipan niyang mag-aral ng mabuti na.
"Library na naman? Ano bang ginagawa mo dun?" reklamo ni Brea.
Kahapon kasi naglibrary na siya, tapos kanina bago siya pumasok sa room pumunta daw siyang library, tapos ngayon library na naman.
Yung totoo, nasapian ba siya ng kaluluwa ni Einstein?
Oh mabuting ispirito ni Einstein lumayas ka sa katawang lupa ni Aluchi at sumanib ka sa akin. HAHAHAHAHAHAHA!!!!Joke lang!!!
Kahit yung utak mo lang. HAHAHAHAHAHA!!!
"Basta, samahan niyo na lang ako. Saglit lang to promise." sagot niya sabay hila sa amin. At dahil nga hinila na niya kami hindi na kami umalma pa.
"Siguraduhin mo lang na saglit lang talaga yan ah. Gutom na gutom na talaga ako." sagot ko.
"Oo nga." paninigurado niya.
Nandito na nga kami sa library. Kaya naman pala laging nasa library tong si Aluchi kasi nagreresearch siya ng magandang ahas na aalagaan.
Yes, tama kayo ng basa. AHAS as in SNAKE as in SERPENT. Hindi si bessssssssssss ang tinutukoy ko ah. Kundi yung totoong ahas.
Kung hindi niyo kasi naitatanong mahilig mag-alaga si Aluchi ng mga ahas, scorpion at tarantula.
Alam niyo bang meron siyang alagang sampung ahas at lahat ito ay venomous. Meron din siyang alagang scorpion at tarantula.
At alam niyo bang halos lahat ng sulok ng bahay nila ay may ahas, syempre nakalagay sila sa glass cage. Alangan naman na pakalat-kalat lang sila sa bahay nila. Eh di natuklaw sila ng wala sa oras.Kaya nga hindi na namin maulit ni Brea na pumunta sa bahay nila kasi nakakatakot. Ang creepy kaya!! Alam niyo bang pagkatapos dalhin ni Aluchi ang mga naging boyfriend niya sa bahay nila ay nagbebreak sila. Syempre kahit ako din yung lalaki, makikipagbreak talaga ako. Biruin mo magkaroon ka ba naman ng girlfriend na mahilig sa ahas. Baka mamaya kapag mag-asawa na kayo at nag-away kayo eh ipatuklaw ka niya sa ahas.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Genç KurguI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.