Athena Azumi Alameda
Nandito kami ngayon nina Rusty, Kurt, Steve, Aluchi, Laurence, at Gian. Alam niyo na siguro kung anong ginagawa naming dito. In fairness namiss kung pumunta dito. Alam ko na immature yung ginawa ko kanina, hindi lang talaga ako nakapagpigil ng makita ko ang sinapit ng Sketch Pad ko. Napakahalaga sa akin nun dahil iyon yung huling binigay ng kuya ko sa akin tapos itatapon niya lang ng basta-basta. Dapat pala dinala ko na lang nung pumunta kami sa Cr eh. Eh di nabasa rin doon pag nagkataon. Sabi ko nga dapat nilagay ko na lang sa loob ng bag ko.
"Now tell me, bakit kayo nag-away?" tanong ni Ms. Amelia, ang Director ng School. Nasa singkwenta pataas na ang age niya at Old maid siya. Pang National Museum na nga yung age niya pero kung umasta siya akala mo teenager pa.
"Hindi ba talaga kayo magsasalita?" dagdag niya ng walang umimik sa amin kahit na isa.
"Athena, ano ba talaga ang nangyari?" baling niya sa akin. Aba at ako pa talaga ang tinanong ng matandang hukluban na to.
"Bakit ako ang tinatanong niyo?" mataray na tanong ko.
"Mr. Chamberlain, what happened?" tanong niya naman kay Gian.
"Why me? I'm not the one who kick first." sagot niya. Eh sino bang nagtapon ng Sketch Pad ko.
"Ok, Mr. Diaz. Tell me what happened." baling niya kay Rusty. Siguro alam niya na wala talaga siyang makukuhang sagot sa amin ni Gian kaya si Rusty na lang ang tinanong niya.
"Ah, tinapon po kasi ni Gian yung Sketch Pad ni Athena sa may fountain kaya nagalit si Athena." diretsong sagot ni Rusty. Buti naman at sinabi niya yung totoo dahil kung hindi isusunod ko siya kay Gian
"Is it true Mr. Chamberlain and Ms. Alameda?" tanong niya sa amin pero walang sumagot kahit na isa sa amin. Itanong mo sa pagong.
"By the way, pinatawag ko na ang magulang mo Athena, kay Gian naman ako na ang bahalang magpaliwanag sa magulang niya." paliwanag ni Ms. Amelia.
"Asa naman kayo na darating yun." walang ganang sagot ko sabay cross arms. Sigurado ako na di darating yun kasi busy siya sa mga lalaki niya. Take note 'MGA' lalaki niya.
"Excuse me Ma'am, Mrs. Catherine is here." singit ng secretary ni Ms. Amelia. Ano namang masamang hangin ang nagdala sa kanya dito. End of the world na yata o kaya naman sinapian lang siya ng masamang espirito.
"Let her in." utos ni Ma'am. Agad naman siya pinapasok.
"Good morning Ma'am." bati ni Catherine. Hindi ko siya tinatawag na Mommy kasi hindi sa kanya bagay. Hindi ko siya ginagalang kasi hindi niya naman deserve.
"Himala naisingit mo ako sa schedule mo." sagot ko sabay smirk. Busy kasi yan masyado. Daig pa nga niya ang Presidente ng Pilipinas sa kabusyhan. Wala naman talaga siya maraming ginagawa, sadyang nagbibusy-busyhan lang.
"What happened to you face? Who did that? Are you hurt?" sunod-sunod na tanong niya. Wow ang galing. Best actress. And the award for Best in Kaplastikan goes to Ms. Catherine. *clap..clap..clap*
"Pwede ba tumigil ka, hindi sayo bagay mag-alala." sagot ko sa kanya sabay irap. Napansin ko na ang tahimik nila Laurence at nanunuod lang sa amin.
"What happened Ma'am?" tanong niya kay Ma'am. Hindi ba obvious na nakipag-away ako. Buti na lang hindi ko namana yung katangahan niya.
"Nakipag-away ang anak niyo sa isang lalaki." sagot ni Ma'am. Agad namang kumunot ang noo ni Catherine. Hindi na siya nasanay eh ganito naman na ako dati pa.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Fiksi RemajaI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.