Brea Honey Elezares
Maaga akong pumasok ngayon dahil naisipan kong maging matinong estudyante kahit na isang beses lang. Char!! Joke lang. Pumasok ako ng maaga dahil may iniiwasan ako. Alam niyo na siguro kung sinong tinutukoy ko. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin eh. Kung pwede lang magpalit ng mukha ginawa ko na. Kung nagugutom lang ang lupa magvovolunteer na akong maging pagkain niya. Hahahaha!! Ewan ko nga kung bakit ako umiiwas, wala naman akong ginawang masama. Hindi naman masamang makipaghalikan sa loob ng kotse. Wala pa naman akong nababalitaan na nakulong dahil sa halik. Aish!! Ano bang nangyayari sa akin at bigla akong nahiya. Habang naglalakad nag-iisip na din ako ng magiging alibi ko kung sakaling kausapin niya ako. Dahil nga maaga pa kaya naman pumunta muna ako sa library para magpalipas ng oras. Halos namemorize ko na lahat ng librong dito sa library ng biglang tumunog ang bell. Pagkadating ko sa room namin nadatnan ko sila Athena na masayang nagkukuwentuhan.
"Hoy babae !! Bakit ngayon ka lang pumasok?" bungad sa akin ni Athena. Hay!! Talagang sa akin niya pa tinanong ha.
"Kanina pa kaya ako dito. Sabay nga kaming pumasok ni Manong guard eh." sagot ko sa kanya. Mas maaga pa nga akong pumasok kaysa sa mga teacher eh.
"Good morning class." bati sa amin ng bagong dating na si Mrs. Legazpi kaya naman hindi na nakasagot si Athena. Gaya ng dati walang nakuhang bati si Mrs. Legapi. Umupo na ako sa upuan ko ng hindi tinitignan ang katabi ko.
"Any absent?" tanong niya. Gaya ng nauuna, wala ring sumagot sa tanong niya kaya ang resulta isa-isa na lang niyang kaming tinignan. Pagkatapos ay nagdiscuss na rin siya. Daldal siya ng daldal samantalang wala namang nakikinig sa kanya. Hindi ba siya nagsasawa aa kakadaldal. Hello! Araw-araw ganito ang eksena ng klase namin. Kung meron mang nakikinig ay siguro mabibilang lang ng daliri. Yung iba ngang estudyante ay naglalaro lang ng Clash of Clans. Mas priority pa yata nila ang maglaro ng COC kaysa mag-aral. Eh di sana Major in COC na lang ang kinuha nila. Natapos ang klase namin na walang man pang kahit na isang
pamasok sa utak ko. Sa loob din ng isang oras nakatingin lang ako sa harap at hindi pinagkaabalahang tinignan ang katabi ko.Pagkatapos ng klase namin pumunta na kami sa cafeteria. At dahil wala akong ganang kumain umalis na lang ako sa table namin at pumunta na lang sa banyo para magpalipas ng oras. Oh diba ang ganda ng tambayan ko. Pagkalabas ko sa banyo may humarang na tatlong familiar na babae. Hindi ko lang masabi kung saan ko sila nakita pero sure ako na nakita ko na sila. Tama!! Sila yung kausap ni Rusty sa may parking lot dati. Yung anak ng kaibigan ng mommy niya. If I not mistaken Jackie yung pangalan niya. Actually hindi ko siya nakilala dahil namukhaan ko siya kundi dahil sa suot niya. Nung nakita ko kasi siya dati nakav-neck siya, ngayon naman nakav-neck ulit siya na halos makita na yung kalahati ng hinaharap niya. Hindi niya ba alam na sakto sa korte ng baba niya yung suot niya. Siguro baliktad na triangle yung favorite niyang shape. Yung nasa baba yung tusok imbes na nasa taas. At saka si Phineas yung favorite cartoon character niya. HAHAHAHAHAHA!!!
"Excuse me! Do you need anything?" tanong ko agad. Hindi ko naman kasi alam kung bakit sila nandito. Agad naman akong nakatanggap ng malamig na tingin mula sa kanya. Yung dalawa naman niyang kasama ay masama din ang tingin sa akin.
"Stop flirting with my boyfriend?" sagot niya. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niyang boyfriend niya pero malakas ang hinala ko na si Rusty ang tinutukoy niya.
"By any chance, are you referring to Rusty?" alanganing tanong ko. May part sa akin na ayaw kung malaman kung totoo nga ang hinala ko pero gusto ko rin malaman ang totoo.
"Definitely yes. Don't tell me may iba ka pang nilalandi." mataray na sagot niya. Wow ha!! Ako pa talaga yung malandi sa aming dalawa.
"It's none of your business!!" sagot ko sabay talikod sa kanila.
Paalis na sana ako ng bigla niyang hilain ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.