Athena Azumi Alameda
Nakakaenjoy palang manuod ng practice nila Laurence. Sayang bitin. May klase kasi ako kaya nagpaalam na ako kay Laurence. Paakyat na ako ng hagdan ng maalala kung naiwan ko pala yung cellphone ko sa may soccer field. Di bale nandoon naman si Laurence. Umakyat na lang ako dahil tinatamad akong bumalik sa soccer field at saka malapit ng magtime. P.E. namin ngayon kaya sa gym dapat kami kaso nasa second floor yung locker namin at kailangan ko pang kunin yun P.E. uniform ko. Nasa kalagitnaan na ako ng makita ko si Gian na nakatayo sa pinakataas ng hagdan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-akyat. Satanas talaga. Hindi man lang ako tulungan. Kitang nahihirapan na ako. Pagdating ko sa taas nagulat ako ng bigla niyang agawin ang saklay ko at ihulog sa may baba.
"Why would you do that?" inis na tanong ko. Sinong hindi maiinis kung naghirap kang umakyat tapos ihuhulog niya lang yung saklay mo sa baba. Kitang ang sakit na nga ng paa ko eh. Hindi man lang naawa.
"I know that you're just pretending to be lame so you can pick up the sling." sagot niya habang nakapamulsa.
"Ano bang akala mo sa akin? Sinungaling?" tanong ko sa kanya. Anong akala niya sa akin nagpapanggap lang na pilay? Sino namang tanga ang magpapanggap na pilay. Hello ang hirap kayang magsaklay. Masakit sa kili-kili. Bakit ba parang walang katao-tao dito sa building. Bell na ba? Diba umalis ako sa soccer field ng 12:45. Eh bakit wala ng mga estudyante sa labas. Tinignan ko ang relo ko at..O__________O..1:10 na pala. Ang tagal ko palang naglakad.Kita niya ang hirap kapag pilay ka. Tapos sasabihin niya na nagpapanggap lang akong pilay. Pilayin ko kaya siya para maranasan niya ang hirap.
"Then prove that you're not a liar." sagot niya. Pumihit ako patalikod at nagsimulang bumaba sa hagdan ang taas pa man din. Biruin niyo 20 steps yung hagdan. Bakit ko ba siya sinusunod. Nakakainis ka talagang Satanas ka. Nakahawak ang isa kung kamay sa hawakan ng hagdan habang bumababa. Shit!! Ang sakit. Feeling ko pinuputol yung paa ako.
"Oh come on. There are no people here so you can walk normally." sagot niya. Bwisit talaga tong Satanas na ito. Kung kaya kung maglakad ng normal. Kanina ko pa ginawa. Hindi ako tanga para paghirapan ang sarili ko. Pero sa totoo lang masakit na masyado yung paa ko. Napaupo ako dahil hindi ko na talaga kaya. Pawis na pawis na rin ako dahil sa pagod.
"You need help?" tanong niya. Help your face. Hindi ko na talaga kayang igalaw yung right foot ko. Sinubukang kung tumayo at naglakad ulit ngunit napaupo ulit . Shit ang sakit talaga. Hintayin mo lang na gumaling ako.Lintik lang ang walang ganti.
"Athena!!" biglang may sumigaw sa pangalan ko. Si Laurence pala. Salamat at dumating ka. You're my savior.
"What are you doing?" tanong niya. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Wag mo ngang sungitan si Laurence. Tinutulungan ka na nga eh. Eh nakakainis kasi yung tanong niya eh. Sige ka baka hindi ka niya tulungan.
"Nahulog kasi yung saklay ko eh." palusot ko. Alangan naman na sabihin ko na hinulog ng Satanas eh di nag-away pa sila.
"Bakit hindi mo man lang siya tinulungan?" tanong ni Laurence sa nakatayong Satanas. Sige awayin mo yang bwisit na yan.
"I offer her a help. But she didn't want." sagot niya. Sino naman ang matinong tatanggap ng tulong galing sa isang Satanas. Eh di mas lalo kang napahamak.
"Okay ka lang?" tanong niya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa tanong niya o hindi. Pasalamat siya at tinutulungan niya ako. Dahil kung hindi kanina ko pa siya nabara.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.