Chapter 2

24 6 0
                                    

Brea Honey Elezares

Inagahan namin ng kaunti ang pagpasok upang maiwasan kami sa trouble pero ayaw talagang paiwas eh. Maaga na nga kami mas maaga pa pala sila. Nag-eeffort na nga akong gumising ng maaga pero yun pala wala ring silbi.

Pagdating namin sa school, ito nanaman sila na nakayuko na kala mo may Santo. Syempre, tulad din kahapon dire-diretso lang kami at himala nang hindi kami pinansin at para lang kaming hangin sa kanila. Pero dahil malandi ako tinignan ko si Rusty at muntik na ako himatayin ng kindatan niya ako. Shocks!! Nasaan na naman ung panty ko? Bench pa man din yun..

Rusty pala ang pangalan niya ang cute parang kalawang. Hahahaha.

"Buti na lang at nakarating kayo dito ng walang galos at higit sa lahat buhay pa kayo." sambit agad ni Maurice pagdating namin. Akala ko nga rin hindi na kami sisikatan ng araw kahapon eh.

"Yeah, we're very lucky after what happened yesterday." sagot naman ni Aluchi.

Buti na lang at mukhang good mood sila ngayon hehe.

Lord, sana walang away na mangyari ngayon.

"Hindi ka ba nakakapagsalita ng tagalog?" tanong ni Maurice.

"Anong tingin mo sakin hindi proud na isa akong Pinoy? Hoy! Kahit lumaki ako sa States mas matatas akong managalog kaysa sayo nuh." sagot ni Aluchi. Ganyan talaga yan defensive pagdating sa ganyang usapan.

Infairness magaling na nga siyang managalog ngayon. Hindi ko nga alam ibig sabihin nung word na matatas eh. Ano nga bang ibig sabihin nun?

Filipina ang ina niya at Amerikano naman ang ama niya. Sa ibang banda siya lumaki pero nung magcollege siya bumalik na siya dito. Alam niyo ba na pinaghirapan niya talagang mag-aral ng Tagalog pero minsan kapag inaatake siya ng kaartehan niya nag-Eenglish siya o kaya naman ay Taglish.

"Relax Aluchi, nagtatanong lang naman ako" gulat na sagot ni Maurice.

Ung itsura niya ganito oh 😮😮.

"Eh bakit sinasagot lang naman kita eh." depensa si Aluchi sabay upo.

"Pagpasensyahan mo na. Meron kasi sa kanya eh." paumanhin ko kay Maurice.

Sa tuwing nagtataray si Aluchi ako yung nahihiya kaya lagi kung palusot ay may dalaw siya. HAHAHAHA!! Yung feeling na araw- araw meron siya kasi araw- araw ang sungit-sungit niya. Pinaglihi siya ata sa sama ng loob eh.

"Athena kamusta naman? Bilib talaga ako sa katapangan mo. Alam mo ba na ikaw pa lang ang kumalaban kay Gian sa loob ng campus?" sagot ni Maurice habang nakatitig kay Athena.

"Bakit, dapat ko ba siyang katakutan?" tanong ni Athena sabay buklat ng libro niya.

"Well, sila lang naman ang may-ari nang school kung saan tayo nag-aaral ngayon." sagot ni Maurice.

Oh edi siya na mayaman. Bakit sya lang ba? Kami rin naman ah.

"And so? Kahit kanya pa ang hangin na nilalanghap natin dito wala akong pakialam basta pare-pareho tayong estudyante dito." sagot niya habang binubuklat ang libro niya. Hindi niya siguro napansin na nandito na sa tabi namin sila Gian.

So Gian pala name niya, akala ko slow e. Hahaha!! now I know.

"Ahm, Athena I think you need to stop." pigil ko sa kanya bago pa siya tuluyang makasambit ng hindi kaaya-ayang salita tungkol kay Gian dahil sigurado ako na war na naman to.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon