Chapter 18

11 4 0
                                    

Rusty Diaz

Hindi pa rin ako makaget-over kaninang umaga. Nakakatawa talaga yung mga pagmumukha nila Kurt at Steve. Syempre hindi ako kasama kasi kahit ganon ang itsura ko kaninang umaga gwapo pa rin ako. Yan kasi yung sinasabi nilang Inborn. HAHAHAHAHAHAHA!!!! Sa susunod na pumunta sa Eula Dracula sa condo ni Gian uuwi ako sa bahay namin para safe. Hindi mo kasi alam kung anong nasa isip nung Eula Dracula na iyon. Baka mamaya pakainin pa kami ng lason. HAHAHAHAHA!!!! Buti na lang at nakaisip ako ng paraan para makatakas kay Eula Dracula. Pero may problema pa rin ako. Bakit kasi sobrang gwapo ko. Kasalanan to ng mga magulang ko kung bakit napakalaki ng problema ko ngayon. Kung hindi sana nila ako ginawa di sana wala akong napakalaking problema. (Wow Rusty ah. Napakalaki ng problema mo. Daig pa ang problema ng bansa natin.) Syempre naman. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Kahit anong gawin kung pagpapapangit eh lumilitaw pa rin talaga yung kagwapuhan mo. (Madali lang naman solusyunan yang problema mo eh. Alam kung paano? Simple lang, gumising ka lang kasi binabangungot ka lang.) Eh ikaw Ms. Author, kahit anong gawin mo walang solusyon sa problema mo. (Bakit ano bang pinoproblema ko?) Ang dami kaya. Gusto isa-isahin ko? Wag na lang baka kasi nasa Next Chapter na tayo hindi ko pa rin natatapos. (Aba!!sumasagot ka na ngayon ha!! Sige nga magsabi ka nga ng isang problema ko.) Ang pinaka pinoproblema mo sa lahat ay yang height mo dahil kahit anong gawin mo hindi ka na lalaki. Hanggang 5'0 ka na lang. HAHAHAHAHAHA!!!! Tapos pinoproblema mo rin kung paano ka magugustuhan ng crush mo at isa rin na walang solusyon dahil ang gusto ng crush mo yung matangkad at hindi pandak kaya sa madaling salita, mahirap ng magsalita. (Kailangan ba talagang sabihin yung height ko. Wala namang personalan.) Hindi kita penipersonal, nagsasabi lang ako ng totoo. Honest kaya to. (Wow nahiya naman ako sa pagiging honest mo samantalang kanina ka pa nagsisinungaling diyan. At saka hindi 5'0 ang height ko. 4'9 lang ako tapos nagiging 5'3 kapag nagsusuot ako ng heels. HAHAHAHAHAHAHA!!!!) Ceasefire muna tayo Ms. Author ha! Masyado ka ng naexpose eh. At saka nandito na ako kila Brea kaya baka pwede namang pakigandahan yung kalalabasan.

"Good morning Manong Guard. Si Brea po nandyan?" tanong ko sa nakatungangang Guard. Ano ba naman tong kinuhang Guard nila Brea, maluluoban na nga sila ng magnanakaw wala pa ring kamuwang-muwang.

"Nasa loob po Sir, pumasok na lang po kayo." sagot niya. Kita niyo ang engot talaga ng Guard na to. Hindi pa nga ako kilala pinapasok na ako. Porket ba gwapo kailan ng pagkatiwalaan? Unfair naman sa mga kagaya nila Kurt, Steve, at Gian.

"Salamat po." sagot ko sabay pasok ng bahay nila. Ganyan talaga ang mga gwapo, mahilig magpasalamat. Kung titignan mo mula sa labas yung bahay nila ay simple lang pero pagkapasok mo mas maganda pa sa bahay namin. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko yung isa nilang Maid.

"Manang si Brea po?" tanong ko sa Maid na tingin ko ay nasa singkwenta pataas ang edad. Puti na halos ang kanyang mga buhok pero maliksi parin ito kumilos.

"Nasa kwarto niya po. Kahapon pa nga po nakakulong dun eh. Hindi pa rin siya kumakain hanggang ngayon." sagot ni Manang. Nagfafasting na agad siya? Eh matagal pa naman ang mahal na araw.

"Ganun po ba. May susi po ba kayo ng kwarto niya?" tanong ko.

"Meron po. Ito po yung susi ng kwarto ni Ma'am Brea. Kaso baka po magalit si Ma'am Brea" sagot ni Manang habang iniaabot sa akin yung susi. Kita niyo pati susi binigay na rin. HAHAHAHAHAHA!!!!Ang gwapo ko talaga..Tsk!

"Salamat po. Ako po ang bahala. Pakisunod naman po ng pagkain." sagot ko habang umaakyat sa hagdan kaso tumigil ako dahil may nakalimutan akong itanong.

"Manang saan po pala yung kwarto ni Brea?" tanong ko. Ang ganda ng akyat ko sa hagdan tapos hindi ko pala alam kung saan yung kwarto ni Brea. HAHAHAHAHAHA!!!

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon