Chapter 22

3 1 0
                                    

Kurt Dalton


Nandito ako ngayon sa bahay nila Aluchi para sunduin siya sa date namin. Agad naman akong pinapasok ng guard. Pagkatapos naming pinalabas sa klase umuwi na siya. Plano ko talaga na asarin siya para palabasin kami ni Ma'am at hindi naman ako nabigo. Natatawa pa nga ako sa itsura ni Aluchi. First time niya sigurong mapalabas sa klase kaya big deal masyado sa kanya yung nangyari. Well, sa akin hindi na iyon bago dahil walang araw na hindi ako napapalabas sa klase.

"Manang nandiyan po ba si Aluchi?" tanong ko sa kasambahay nila na sa tantiya ko ay nasa singkwenta anyos pataas ang edad.

"Opo. Maupo po muna ako at tatawagin ko po muna si Ma'am." sagot niya at dinala ako sa may sala nila. Nang ilibot ko ang paningin ko sa bahay nila bigla na lang akong kinilabutan sa mga nakikita ko. Feeling ko hihimatayin ako. Para akong natatae na hindi matae dahil pawis na pawis na ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa mainit kundi dahil sa sobrang takot. Feeling ko tuloy ang bakla ko. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag napapaligiran ka ng mga ahas, scorpion, at tarantula. Sa tantiya ko, siguro nasa mga 20 ang mga ahas, nasa 10 ang mga scorpion at 5 naman ang mga tarantula. At halos lahat ay poisonous. Merong cobra, rattlesnake at iba pa. Hindi ko nga alam pangalan nung iba kaso sa itsura palang parang poisonous na. Well, nakalagay naman sila sa may glass na paglagyan kaso nakakatakot pa rin. Para kasing kahit anong oras ay mababasag yung salamin. Bahay ba ito? Parang zoo naman. May lahi bang ahas tong si Aluchi? Ano ba naman tong napasok ko. Baka nanay niya pala si Valentina. Naku patay ka talagang Kurt ka.

"Anong ginagawa mo here?" tanong ni Aluchi habang naglalakad sa hagdan. Bigla akong napalunok ng makita ko na may dala-dala siyang tarantula sa kamay niya habang hinihimas pa na parang pusa lang. Sa dinami dami ba naman ng pwedeng himasin yang tarantula pa. Ano bang trip ng babaeng to. Ano bang gagawin ko. Eh kung umalis na lang kaya ako. Ano ka ba naman Kurt paano yung deal ninyo nila Gian. Hay naku!!Kainis naman oh. Bahala na nga lang.

"I'm he-here t-to pick you fo-for our din-ner date." nauutal na sagot ko habang titig na titig sa tarantula na hawak niya. Baka mamaya kasi bigla nalang tumalon sa akin eh. Teka tumatalon ba ang tarantula? Ewan. Ano ba yan. Natitimang na ako dahil sa sobrang takot.

"Are you not nakikinig? Diba I said ayoko." sagot niya sabay talikod. Hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya.

"I SAID AYOKO!!DO YOU THINK MANINIWALA AKO SA IYO!!NO WAY!!KAYA PWEDE BA GO HOME AND DON'T DISTURB ME KAHIT KAILAN." galit na sigaw niya. Kung kanina natatakot ako, ngayon naman takot na takot na ako. Hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil iwinawasiwas niya yung kamay niyang may tarantula sa mukha ko habang sumisigaw. Hindi ako tumitingin sa mukha niya dahil titig na titig ako sa tarantula baka kasi biglang mapunta sa mukha ko.

"PWEDE BA ILAYO MO YANG PUTANG INANG GAGAMBA NA YAN SA MUKHA KO!!!!" sigaw ko sa kanya. Hindi ako galit, ganyan lang talaga ako kapag natatakot. Sabihin niyo ng bakla ako pero natatakot talaga ako.

"If you're not going to alis. Papakawalan ko lahat ng snakes that I have." sagot niya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong napaatras sa sinabi nya.

"Aluchi naman. Wala namang ganyanan." sagot ko sa kanya.

"Manang can you get nga po si Serpentina sa may room ko." utos niya sa kasambahay nilang nasa sala. Agad naman itong umakyat sa hagdan at pumasok sa isa sa mga room. Sino naman si Serpentina. Baka naman kapatid niya. Ang weird ng pangalan parang aha---FUCK!!!!! Ahas nga. Hindi lang ahas, Anaconda pa.

"Sabi ko nga aalis na ako." sagot ko sabay talikod at naglakad ng mabilis. Pagkalabas ko bumuga ako ng hangin. Muntik na ako doon ah.

"Oh sir. Anong nangyari? Bakit pawis na pawis kayo?" tanong ni Manong guard. Bakit hindi mo tanungin yung psychotic mong amo.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon