Chapter 9

15 4 0
                                    

Rusty Diaz

Dahil wala pa naman si Mrs. Legazpi, naisipan naming gawin ang madalas na gawin ng mga estudyante. At iyon ay ang magkwentuhan. At dahil si Brea ang katabi ko siya ang kausap ko. Naririndi na nga ako kasi puro na lang Meynard ang bukang bibig niya. Nakakainis!!!! Ewan ko lang kung masabi pa niya ang pangalan ni Meynard kapag sinabi ko yung nalaman mo nung Saturday.

"Alam mo ba ang sweet talaga ni Cutie Pie ko." kwento na naman ni Brea.

"Bakit naman. Cotton Candy ba siya?" pilosopong sagot ko. Naiinis kasi ako. Ako yung kausap niya tapos panay Cutie Pie ang bukang bibig niya.

"Hindi. Kasi---" putol ko sa sasabihin niya. Mabwisit nga tong babaeng to.

"Kasi lollipop siya o cake?" pambabara ko. Mahilig pala siya sa sweet. Baka may diabetes na siya.

"Makinig ka nga." inis na sagot niya. HAHAHAHA!! Ang cute niya kapag naiinis siya. "Kasi sinubuan niya ako habang kumakain k ami." dagdag niya habang kinikilig siya. Bakit baldado ba siya at kailangan pa siyang subuan. Tsk.!!

"Iyon lang?? Bakit hindi mo ba kayang kumain mag-isa? Akala ko na naman kung ano na." sagot ko. Ang babaw ng kaligayahan niya. Sinubuan ka lang sweet na agad. Buti sana kung pinakain ka ng asukal.

"Tse.!! Inggit ka lang kasi." sagot niya sabay irap. Bakit naman ako maiingit. May kamay ako kaya kaya kung kumain mag-isa. Maya-maya dumating si Athena na nakasaklay. Hinatid pa nga siya ni Laurence eh. Anyare?? Tinignan ko naman si Gian na busy sa kakatulog. Nasa ibang bansa na yata siya.

"Anong nangyari?" tanong no Brea kay Athena habang inaalalayan ito papunta sa upuan niya. Agad namang bumangon si Gian.

"Natapilok kasi ako nung Saturday. Lumabas kasi kami ni Laurence eh." sagot ni Athena. Kaya pala mainit ang ulo ni Gian sabi ni Steve nung Saturday.

"Asus. Arte lang yan." parinig ni Gian. Hindi pero siya pinansin ni Athena. ASUS? Di ba brand yan ng Laptop. HAHAHAHAHAHAHA!!!! Okay ang corny ko.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong k okay Athena. Thirty minutes na kasi siyang late. Buti na lang at wala pa si Ma'am.

"Hello. Ang hirap kayang maglakad ng nakasaklay." sagot ni Athena. Sino bang nagsabing maglakad siya. Pwede naman sumakay. O kaya naman gumapang na lang siya. HAHAHAHAHA!!!

"Athena naman. Lakad pa rin kahit pilay na." sagot ni Brea. Oo nga pala naglalakad lang pala papasok si Athena.

"Sanay na ako. Hindi naman mahirap maglakad eh. Ang mahirap umakyat." sagot ni Athena. Tama nga naman. Kahit nga hindi ako pilay nahihirapan pa rin akong umakyat sa hagdan. ( Sign of Aging kasi yan.) Wag ka nga dyan paepal author. ( So ganun. Paepal ako? Baka gusto mong patayin kita sa story na ito?) Joke lang Ms. Author na maganda.

"May Laurence ka naman eh." bulong ni Gian. Binulong pa niya talaga eh rinig naman.

Natapos ang isang oras at wala pa ring dumadating na Mrs. Legazpi. Kaya pala walang klase kasi may faculty meeting yung mga Teachers hanggang 12 kaya naman wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan at mag-ingay. Mukha na ngang dump site yung classroom namin dahil sa sobrang dumi.Dahil nga wala kaming klase hanggang 12, napagdesisyunan namin na mag-early lunch na. As usual magkakasama kami sa table. Close na rin naman kami sa isa't –isa syempre maliban sa dalawa. Walang segundo na hindi sila nag-aaway. Hindi ba sila nagsasawa sa pag-aaway nila. Pero baka malay mo madevelop silang dalawa.

"OMG!!!" biglang sigaw ni Brea. Ano na naman bang isinisigaw ng babaeng ito.

"Why?" tanong ni Aluchi. Nalala ko tuloy yung Get Lost. HAHAHAHAHAHA!!!!!

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon