Athena Azumi Alameda
Pagkadating namin sa hospital nadatnan namin si Flora na nakikipagkulitan sa mommy at daddy niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanila. Kung hindi pa ako hinawakan ni Laurence hindi ko pa malalaman na nakatingin na pala sa akin ang mommy at daddy ni Laurence.
"Are you okay?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Ate Athena halika dito." tawag sa akin ni Flora. Agad naman ako lumapit sa kama niya.
"Bakit ngayon mo lang ulit ako dinalaw?" tanong niya sa akin.
"Marami kasing ginagawa sa school eh." sagot ko sa kanya.
"Hay naku iha. Kung alam mo lang walang araw na hindi ka niya hinanap." singit ng mommy niya.
"Ganun po ba. Hehe." nahihiyang sagot ko.
"Laurence okay lang ba kung ikaw muna magbantay kay Flora? Uuwi lang kami ng mommy mo para kumuha ng damit." aniya ng daddy niya.
"Sige po Dad." sagot naman ni Laurence. Pagkaalis ng mommy at daddy ni Laurence agad akong kinulit ni Flora at tinanong ng kung ano-ano.
"Athena. Bibili muna ako ng makakain. Ikaw muna ang bahala kay Flora ha." paalam ni Laurence. Tumango naman ako bilang sagot.
"Flora wag masyadong maraming tanong kay Ate Athena mo ha." paalala ni Laurence kay Flora.
"Opo kuya." sagot niya habang nakangiti. Pagkaalis ni Laurence akala ko hindi na siya magtatanong pero hindi pala.
"Ate, may kapatid ka rin ba?" tanong niya sa akin. Diba kakaoo niya lang kay Laurence kanina. Hay!! Ang kulit talaga niya kahit kailan.
"Oo. Kasing bibo at kasing ganda mo rin." sagot ko sa kanya sabay ngiti ng pilit.
"Eh nasaan na po siya??" tanong niya.
"Nasa malayong lugar siya." sagot ko sa kanya. Agad namang kumunot ang noo niya na tila nagtataka.
"Gaano kalayo?" tanong niya.
"Malayong-malayo." sagot ko.
"Mas malayo kaysa America?" tanong ulit niya. Ang kulit-kulit talaga niya.
"Mas malayo." sagot ko.
"Maganda po ba doon?" tanong niya ulit. Akala ko tapos na siya sa pagtatanong niya hindi pa pala.
"Oo naman at saka masaya din." sagot ko sabay hawak sa kamay niya.
"Gusto ko ring pumunta doon." masayang sagot niya. Kahit ako gusto ko na ring pumunta sa kanya dahil miss na miss ko na siya.
"Hindi pa pwede ngayon." sagot ko sa kanya.
"Bakit po??" tanong niya.
"Kasi maraming malulungkot. Malulungkot ang mommy at daddy mo at pati na rin ang kuya Laurence mo. Gusto mo bang malungkot sila?" tanong ko sa kanya.
"Hindi po. Eh ano pong gagawin ko para sumaya sila?" tanong niya sa akin.
"Magpagaling ka para sumaya sila. Kapag magaling ka na makakapaglaro na tayo sa labas." sagot ko sa kanya.
"Kinukulit mo na naman ba ang Ate Athena mo?" tanong ni Laurence na kakadating lang habang may dala-dalang paper bag ng Jollibee.
"Hehe.." tawa na lang niya. Tumawa naman kami ni Laurence habang inilalabas ang laman ng paper bag.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Novela JuvenilI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.