Aluchi Clarkson
Nakakainis!!! Gusto kung pumatay ng tao ngayon sa totoo lang. Alam niyo kung bakit?? Ganito kasi yun.. Kagabi kasi kinulit na ako ni Kurt na manuod ng sine at dahil showing ngayon yung gusto kung panuorin pumayag na rin ako. Ibinaba niya muna ako sa mall dahil may importante daw muna siyang kailangang puntahan. Dahil nga mabait naman ako kagabi pumayag naman ako. Hinintay ko siya sa harap ng Movie House at syempre bumili na rin ako ng dalawang ticket pati na rin ng popcorn at drinks namin. Kaso malapit ng magsarado yung buong mall hindi pa rin dumarating yung kaluluwa niya. Nag-alala ako at baka may nangyari ng masama sa kanya kaya naman tinawagan ko si Steve at baka alam niya kung nasaan siya. Yung pag-aalala ko naging inis nung malaman ko na nasa bar pala sila. Tapos ngayon kung makatawa siya parang walang nangyari kagabi.
"Hey!! Aluchi Honey!!" masayang bati sa akin ni Kurt pagkapasok ko. Agad kung hinampas yung bag ko sa mukha niya. May gana pa talaga siyang makipag-usap sa akin pagkatapos ng ginawa niya kagabi. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya.
"Hey!!What was that for?" takang tanong niya. Aba nagmamaang-maangan pa siya ha. Dahil sa inis ko hinampas ko ulit siya sa mukha niya.
"Hey!! What's your problem?" tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot at sinubsob ang mukha ko sa upuan. Ayaw ko siya makita at baka mapatay ko pa siya ng wala sa oras.
"Anong problema nun?" rinig kung tanong ni Kurt kay Rusty.
"Wag mo akong tanungin masakit pa ang ulo ko." sagot nito sabay lipat ng upuan.
Aba!! Hindi niya talaga alam kung anong kagaguhan ang ginawa niya sa akin kahapon? Ano siya nagkaroon ng episodic amnesia at nakalimutan niya yung nangyari kagabi.
"Kasalanan ko ba kung marami kang ininom kagabi?" sigaw ni Kurt.
Hindi naman ako malayo sa kanila kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.
"Sino ba kasing nagdadrama at ayaw paawat kagabi?" tanong ni Kurt.
"Sino ba kasing nagsabing puntahan niyo ako?" tanong ulit ni Rusty.
"Bakit hindi mo tanungin si Steve. Tinext niya ako na mamamatay ka na kaya dali-dali akong pumunta. Dahil sa sobrang excited kung makita kang mamatay iniwan ko sa mall yung kadate ko. Hindi ko na tuloy matandaan kung sino yung kadate ko kagabi dahil sa sobrang kalasingan." sagot niya.
Anong sabi niya?? Hindi niya matandaan kung sino yung kadate niya kagabi?? Ano to gaguhan?? Hindi man lang niya ako tinext para naman hindi ako nagmukhang tanga na kakahintay sa wala.
"Oo nga pala Kurt tinawagan ako ni Aluchi kagabi at tinatanong kung nasaan ka." singit naman ni Steve.
"Si Aluchi??" nagtatakang tanong niya. Dahil sa inis ko binato ko siya ng libro at baka sakaling maalala niya.
"Awww!!Ano ba talagang problema mo?" inis na tanong niya.
"Hindi ano kundi sino. Bakit hindi mo subukang humarap sa mirror para malaman mo kung sino ang problema ko." sigaw ko sa kanya sabay subsob ulit ng mukha ko sa upuan.
"Oo tumawag sa akin si Aluchi mga bandang alas-nuwebe ng gabi. Nagtataka nga ako ng bigla niya akong babaan pagkasabi ko na nasa Bar ka." sagot ni Steve.
"Bakit naman niya ako hahanapin ng ganong oras. Hindi naman kami magkas----SHIT!!!"
"Don't tell me siya yung kadate mo kagabi?" tanong ni Steve.
Ayun naalala niya rin. Kailangan pa pala ng mahaba-habang paliwanag para maalala niya. Geezz!! Ilan ba ang IQ ng lalaking to.
"Aluchi Darling!!" lambing niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagkunwari na walang narinig.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.