Chapter 14

13 4 0
                                    

Rusty Diaz

Pagkatapos kung ihatid si Brea sa kanila, dumiretso na agad ako sa condo ni Gian dahil pagod ako. Humiga ako sa kama ko para matulog na. Ang sarap palang matulog lalo na kung tahimik. Walang makulit na Kurt, walang utos ng utos na Gian at walang Steve na tahimik dati pero ngayon madaldal na. Ang sarap talaga ng buhay kapag wala yung mga tatlong ugok na iyon. Kakukuha ko pa lang ng tulog ko ng biglang may ingay akong narinig sa may living room. Ano ba naman yan hindi pa ako nakakatulog ng matagal dumating na agad sila. Kabadtrip naman oh!!Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtulog nang biglang may sumampa sa akin. Kailan ba ako makakatulog ng maayos. Hindi na nga ako makatulog ng maayos tuwing gabi kasi laging may dalawang bapor ( si Kurt at Steve yan. Grabe kasi kung humilik) tapos ngayon iistorbuhin pa nila ako. Lumalaki na nga yung eye bags ko dahil sa puyat. Paano na lang kung pumangit ako, oh di marami ang maghihinayang. 

"What's up Rust! Masakit bang sumampal si Brea?" tanong ni Steve habang nakadagan sa akin. Ginawa pa akong unan ng gago.

"Fuck!! Umalis ka nga, kitang natutulog yung tao eh.Istorbo." sagot ko sabay tadyak sa kanya. Kabadtrip. 

"Chill lang pre. Para ka namang si Kurt." sagot niya. Ano pinagsasabi niya? Para akong si Kurt? Yakkk!!! Mas gwapo pa ako doon.

"Umalis ka na nga. Si Kurt ang istorbuhin mo at wag ako." sagot ko sabay dapa.

"Baka lalo pa siyang mabadtrip kaya ikaw na lang ang iistorbuhin ko." sagot niya sabay higa sa kama ko. Oh di masaya para hindi na kita kailangang patayin dahil siya na ang papatay sayo. 

"Pwede ba doon ka matulog sa room mo." sagot ko habang inutulak siya gamit ang paa ko. Baka mamaya bigla tong makatulog tapos ako naman ang hindi makatulog dahil sa lakas ng hilik ng gago.

"Makaalis na nga. Mukhang badtrip kayong dalawa ni Kurt." sagot niya. Kanina hindi pa ako badtrip tapos nung bigla kang dumating nabadtrip na ako. Ang sarap mong ilibing ng buhay. Isasama ko na din sila Kurt at Gian para wala ng istorbo sa pagtulog ko. 

"Hoy nananahimik ako dito tapos bigla kang darating. Sinong hindi mababadtrip ha?" sagot ko sa kanya sabay bato ng unan ko sa kanya. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil ililibing ko ng buhay tong lalaking to.

"Makaalis na nga. Matulog kang maiigi at baka hindi ka na makatulog mamayang gabi. Parating na sa Eula Bracula. HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" sagot niya habang umaalis. Ano??? O____O Darating si Eula Bracula? Hindi!!!!!!!Hindi pwede!!! Magiging zombie na talaga ako nito. Darating pala si Eula Dracula inistorbo pa ako ni Steve. Wala man lang konsiderasyon. Palibhasa kasi ang sarap ng tulog kagabi. Hindi man lang inisip yung naiistorbo niya. Sinubukan ko ulit kunin ang tulog ko na kinuha ni Steve. Sa awa naman ng Diyos nakatulog ulit ako. Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ng biglang may sumampa sa akin. Ano na naman bang trip mo Steve. Kung hindi ka makatulog pwedeng magpatulog ka naman kasi darating na si Eula Bracula.

"HELLO KUYA!!! GISING NA!!!!" sigaw ni Steve. Aba anong trip ng lalaking to. Nagboses batang babae pa. Ginaya pa talaga ang boses ni Eula Bracula.

"Pwede ba Ste-----"O__O ( wide open eyes)

"Hello kuya. I miss you!!!" masayang sagot ni Eula Bracula habang nakangiti pang abot hanggang batok. Miss mo ako?? Miss mo lang akong pagtripan eh. Liza ikaw ba yan?? Hindi kayo nakakamali sa narinig niyo ay este nabasa niyo pala. Nandito na nga si Eula Bracula. Ibig sabihin, fasting time na namin at Kuya Germs na kami as in 'Walang Tulugan'. Ano ba yan nabanggit ko tuloy yung pangalan ni Kuya Germs. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Wala man lang bang patawad diyan. Hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos nandito na siya. Kinakarma na yata ako dahil sa ginawa ko kanina. Ang bilis naman wala pang isang araw eh. Alam mo karma, excited ka masyado.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon