Gian Cedric Chamberlain
Pagdating namin sa cafeteria para kumain, si Aluchi lang ang nadatnan naming kumakain sa may table namin. Alam ko naman na umalis si Brea kanina kasama si Meynard kaso bakit wala si Athena. Hindi ko siya hinahanap dahil namimiss ko siya kundi dahil wala akong maasar. Inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria at nakita ko siyang kumakain kasama sila Laurence. Ano bang relasyon meron tong dalawang tulad kanina sinundo siya nito sa classroom . Hindi ako nagseselos nuh, nauna ako kay Athena kaya dapat hindi siya nangingialam. Marami namang babae dyan na pwede niyang pagtripan eh. Ayon umatake na naman ang pagiging SLOE ko.
"Ano ba Gian. Bitiwan mo nga ako." angal ni Athena dahil kinakaladkad ko siya papunta sa table namin. Nandoon na rin sila Kurt at nakatingin sa amin ang lahat ng estudyanteng kumakain. Mga tsismosa talaga
"Pre bitiwan mo siya. Nasasaktan siya." singit ni Laurence.
"Mind your own business." sagot ko.
"It's okay Laurence." sagot ni Athena. "Ano ba bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas pa rin ni Athena. Nakarating na kami sa table namin at pinaupo siya sa upuan katabi ko.
"I thought you said that it is your table so stay here." malamig na sagot ko.
"You don't care where I am going to sit. It's my life so mind your own." sagot niya sabay tayo. Pinatid ko siya gamit yung isa kung paa kaya nadapa siya. Good for you!! Did you caught the frogs? HAHAHAHA..
"Are you okay?" tanong ni Laurence. Orange mother (Tang ina) nakarating agad. Ang bilis naman.
"I'm fine. May bato palang nakakalat hindi ko nakita." sagot niya habang tumatawa. Did my foot look like a stone? Grrr.
"Manong pakilinis naman po itong cafeteria. Nagkalat po kasi ang mga bato." dagdag pa niya. Stupid Brat.
Laurence Grey
Nandito lang kami ni Athena sa may garden. Dahil sa nangyari kanina sa may cafeteria hindi na kami kumain ulit at tumambay na lang dito.
"Ano mo ba si Gian at ganoon na lang ang gwardiya niya sayo?" tanong ko. Hindi ako nagseselos nuh. Alam ko naman na lamang ako sa kanya. Curious lang naman kasi baka mamaya mag karibal ulit kami. Tama kayo ng rinig, gusto ko si Athena. Gustong-gusto.
"Sabihin na nating P.E ko siya." sagot niya.
"As in Personal Alalay? or Personal Addiction" tanong ko. Syempre okay na yung sigurado.
"Ano ka ba P.E. hindi P.A." sagot niya habang tumatawa.
"Ahy sorry naman. Eh ano mo nga siya?" tanong ko ulit. P.E?? Physical Education ba?
"P.E. as in Personal Enemy." sagot niya.
"Ahy. Enemy ko din yun matagal na." sagot ko.
"Bakit?" tanong niya. Kasi mas gwapo ako keysa sa kanya kaya insecure siya sa akin. HAHAHAHAHAHA!!! Alam niyo kasi ang lahi namin ay mga magaganda't gwapo. Lahi din namin ang sinungaling HAHAHAHAHA. Joke lang gwapo talaga ako. PROMISE.
"Kaibigan at kababata ko kasi si Gian. Tapos may nangyari noong fourth year highschool kami. Nahuli niya kaming naghahalikan nung girlfriend niya. Pero hindi naman ako ang nag-initiate ng kiss. Pinatawad din naman ni Gian si Natalie kasi mahal na mahal niya ito. Tapos simula noon hindi na niya ako pinansin." kwento ko.
"Sila pa rin ba nung babae?" tanong niya. Bakit mukhang interested ata siya.
"Naghiwalay din sila kasi pumunta ng ibang bansa si Natalie para mag-aral. Sobrang devastated si Gian noong iniwan siya ni Natalie. Kaya simula noon hindi nag-seryoso si Gian sa mga babae." paliwanag ko. Yung mukha naman ni Athena seryosong-seryoso. Para ngang nakikinig siya sa kwento ni Lola Basyang. HAHAHAHA!!
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
TienerfictieI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.