Chapter 17

10 3 0
                                    

Athena Azumi Alameda

Hindi lang pala ang magluto ang mahirap gawin. Mahirap rin pala ang mag bike. Buti na lang at hindi pa nagagalit tong trainor ko. HAHAHAHAHA!!! Ang hirap ko daw kasing turuan. Mas madali pa daw turuan yung aso kaysa sa akin. Oh diba ang harsh niya. Sa aso pa talaga ako pinag kumpara. Buti pa ang kumain napakadali. HAHAHAHAHA!!!! Mahirap rin pala ang kumain lalo na kung mainit yung pagkain. HAHAHAHAHAHA!!!

"Oh sige ipadyak mo." utos ni Laurence habang nakaupo ako sa bike. Kanina pa ako padyak ng padyak kaya kanina pa rin ako natutumba. Wala na ba talagang madaling gawin sa panahon na ito? Pati nga paghinga mahirap gawin lalo na kapag katabi mo yung crush mo. HAHAHAHAHA!!!!

"Matutumba ako." sagot ko. Bakit kasi walang dalawang gulong na maliit sa likod para hindi ako mahirapang magbalanse. Hello Athena, ano ka 5 years old??

"Hahawakan ko naman yung likod ng bike." sagot ni Laurence. Eh kung hawakan na lang niya lagi yung likuran ng bike para hindi na ako mapagod kakabalance nito bike.

"Sige na nga." sang-ayon ko sabay padyak ng isang beses. No choice ako eh. Kung gusto kung matutong magbike kalian kung subukan.

"Padyak ba. Kita mo hindi ka pa nakakaalis sa kinalalagyan mo." sagot ni Laurence. Kala naman nito ang daling magpadyak. Ang hirap kaya, masakit sa binti.

"AHHHHHHH!!!!!" sigaw ko ng matumba ako. Binitawan kasi pala ni Laurence yung bike. Kita mo tong lalaking to. Sabi niya hahawakan niya tapos bigla niyang bibitawan. Ganyan naman silang mga lalaki eh. Hindi kayang tumupad sa usapan. Who goat!!!

"Are you okay?" tanong niya. Itumba ko kaya siya tapos tatanungin ko kung okay lang siya.

"Natumba ako tapos tatanungin mo kung okay lang ako?" tanong ko. "Wag kang mag- alala okay ako. Hindi kasi ako natumba eh." sarcastic na sagot ko. Sinong matinong tao ang sasagot na okay siya kung natumba siya.

"Are being sarcastic?" tanong niya. Obvious ba?

"Yes!!!" sagot ko. Buti naman at medyo mabilis ang process ng utak niya ngayon.

"Diba yan din yung sinabi mo nung una tayong nagkita?" tanong niya. Siguro yung sa soccer field yung tinutukoy niya.

"Hindi ah. Natamaan mo ako ng bola tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako? Iyan yung sinabi ko at hindi yung natumba ako tapos tatanungin mo kung okay lang ako." paliwang ko. Hindi ko naman kasi sinabi na natumba ako tapos tatanungin mo kung okay lang ak? Ang sinabi ko sa kanya ay natamaan mo ako ng bola tapos tatanungin mo kung okay lang ako?

"Eh di wow. Ikaw na ang magaling." sagot niya. Alam ko naman yan kaya pwede ba wag mo ng ulit-ulitin pa. HAHAHAHAHA!!! Naabot ba kayo ng hangin dyan?? HAHAHAHAHA!!!

"Tara pahinga nga muna tayo." yaya ko sa kanya. Pagod na pagod na kasi ako dahil kanina pa kami nagbibike dito. Kami na nga lang yata yung tao dito sa park eh.

"May sugat ka." puna ni Laurence sa tuhod ko. Tinignan ko ang tuhod ko at dumudugo nga ito. Nasugat pala ako kanina nung natumba ako. Ganyan na ba ako kamanhid at kahit sugat eh hindi ko na maramdaman.

"Wala yan. Hindi naman masakit. At saka malayo yan sa bituka." sagot ko. Manhid na nga talaga yata ako dahil hindi ko nararamdaman yung hapdi ng sugat ko. At saka malayo naman sa bituka kaya safe pa naman. Yung bituka kasi nasa tiyan kaya malayo sa tuhod. HAHAHAHAHAHAHA!!!! Naalala ko tuloy noong bata pa ako, lagi nilang sinasabi na kapag may sugat ka daw lalabas daw yung kanin. Nagtataka naman ako kung bakit kanin lang yung lalabas. Bakit walang ulam? Bakit hindi kasama yung Fried Chicken, Bacon, Itlog, at saka yung Hotdog. Siguro wala ako ulam nun. HAHAHAHAHAHA!!!!

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon