Chapter 24

6 2 0
                                    

Athena Azumi Alameda


*Krrrriiiiiinnnggggg....Krrriiiiinnnngggg.....Krrrrriiiinnngggg*

"ANO BA!!!KITANG NATUTULOG PA YUNG TAO!!!" sagot ko sa cellphone. Hindi ko pa nga tinignan kung sino yung tumatawag.

"HOY BABAE!!KAGIGISING MO LANG NUH!!" sigaw ni Brea. Siya lang naman ang mahilig akong sigawan.

"Bakit ba? Maaga pa oh. Mamaya pa yung klase ko" sagot ko sa kanya. 5 am pa nga lang nambubulabog na e 8 o'clock pa naman yung klase ko. Inunahan na naman ba niyang gumising si haring araw?

"Hindi ka na naman nakainom ng Memo plus Gold nuh. Hoy para sabihin ko sayo nandito na kaming lahat sa School at ikaw na lang ang hinihintay." Sagot niya. Ha?? Sino bang nagsabing hintayin nila a-----Oh my God.O.O O.O

"Ngayon ba yung Tree Planting natin?" tanong ko sa kanya. Ngayon nga pala talaga yun. At saka 5 am yung departure namin. Patay!!! Bakit ba kasi hindi tumunog yung Alarm Clock ko. Hay naku!!! Tinapon ko pala kahapon kaya nasira.

"Tinanong mo pa. Bilisan mo na nga at kanina pa nagagalit si Ms. Amelia." Sagot niya. Ano ba yan. Wag na lang kaya akong sumama. Damn it!!! Hindi pala pwede baka hindi mapirmahan yung Clearance ko. Bahala na nga lang hindi na lang ako maliligo.

"Pakisabi nandyan na ako within 15 minutes." sagot ko sa kanya. Agad-agad akong bumangon at nagbihis. Hindi na ako nagtoothbrush at naghilamos. Wala naman akong morning breath at saka nagshower naman ako bago ako matulog. Habang pababa ako ng hagdan tinali ko yung buhok ko at nag-alis ng Morning Star. Tumakbo na ako papuntang school. Kung lalakarin ko kasi, mga 20 minutes bago ako makarating sa School.

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late." bati ko kay Ms. Amelia.

"What took you so long?" tanong niya sa akin habang nakacross-arms with matching taas ng isang kilay.

"Sorry Ma'am. Nakalimutan ko po kasi." sagot ko habang nakayuko.

"Okay. Sumakay ka na at ikaw na lang ang hinihintay." sagot niya sabay talikod sa akin. Agad naman akong sumakay sa bus at hinanap si Brea. Hindi pa nga ako nakakaupo umandar na agad yung bus. Hindi naman sila mukhang excited nuh.

"Athena here." sigaw ni Brea kaya lumapit na ako sa kanya.

"Sabi ko naman sayo palagi kang uminom ng Memo plus Gold para wala kang nakakalimutan." sermon niya sa akin pagkaupo ko. Makakalimutin talaga ako kaya lagi akong umiinom ng Memo plus Gold kaya lang nakalimutan ko kagabi dahil sa sobrang antok ko.

"Ano na naman bang ginawa mo at nalate ka ng gising?" tanong niya sa akin habang kumakain ng Pillows.

"Hinintay ko kasing mag-update yung Legend of the Blue Sea. Diba 12 midnight yun nag-uupdate? Final Episode na kasi kaya ayun alas dos na ako natulog." paliwanag ko sa kanya. Grabe ang ganda ng ending. Sana maging happy ending din yung love life ko

"So anong nangyari. Nagkita ba uli sila o hindi na naalala ni Heo Joon Jae si Sim Cheong?" tanong niya sa akin.

"Ano ka sinuswerte? Nagpuyat ako para lang mapanuod yun tapos ikukuwento ko sayo? Panuorin mo kaya." sagot ko sa kanya. Ako yung nagpuyat para lang mapanuod yung ending tapos ikukuwento ko lang sa kanya. Hindi niya ba alam kung gaano karaming kape ang naubos ko para ang hindi makatulog. Hindi niya ba alam kung gaano karaming kurot ang inabot ng balat ko para lang manatiling gising. Tapos napagalitan pa ako ni Ma'am. Ako yung naghirap tapos makikinabang siya sa puyat at sakit na naranasan ko. Parang ako yung nagpakahirap na nagluto tapos siya lang yung kakain. Ang galing!!!

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon