Chapter 31

10 2 0
                                    

Athena Azumi Alameda

"Krrrriinnnggg!!!Kriiinnnggggg!!"

Kinapa-kapa ko ang alarm clock ko para patayin dahil naaalibadbaran ako sa tunog nito. Pagkakuha ko tinapon ko agad dahil tinatamad akong pindutin yung off. Tinatamad pa akong bumangon dahil alas tres na ako nakatulog dahil ginawa ko pa yung project namin sa English. Naalala ko kasi kagabi na Friday ngayon at ngayon din pala ang pasahan ng project namin sa English at sa kasamaang palad hindi pa ako nakakapag-umpisa kahit na isa kaya naman ginawa ko lang kagabi. Sumakit nga yung kamay ko kakasulat eh. Paano kasi ang arte ni Mrs. Legazpi gusto niya handwriting kasi kapag inencode daw baka magcopy lang kami kay Google. Eh parehas lang din naman eh. Kinopya ko lang din sa internet tapos sinulat ko lang. Ipipikit ko pa sana ulit yung mata ko ng biglang tumunog ang phone ko. Wala sana akong balak sagutin kung sino man ang istorbong tumawag pero hindi tumitigil sa kakaring yung phone ko. Dahil sa inis ko kinuha at itatapon ko na sana ng maalala ko na wala pala akong pambili ng bagong phone kaya sinagot ko na lang.

"Bakit ba? Kitang natutulog pa yung tao eh." inis na sagot ko. Malilintikan talaga sa akin to eh.

"Hoy babae alam mo ba kung anong oras na?" tanong ni Brea. Mukha ba akong orasan??

"Alas sais pa lang ng umaga. Hindi pa nga gising yung mga manok eh. At saka bakit mo ba tinanong sa akin wala ba kayong orasan sa bahay niyo?" sagot ko sa kanya. Tinignan ko ang paligid ko at madilim pa naman kaya kahit hindi ko na tignan ang oras alam ko na alas-sais pa lang. Aba may lahi yata tong manok eh. Sabagay putak naman siya ng putak. HAHAHAHAHAHA!!!

"Hoy anong ala sais ka dyan. Alas otso na kaya ng umaga at malapit ng mag-umpisa yung klase natin. Ipapaalala ko lang sayo kung nakakalimutan mo ngayon ang pasahan ng pro---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at dali-dali kung kinuha ang uniform ko at nagpalit. Kinuha ko ang bag ko at dali-daling bumaba sa hagdan. Inipit ko lang ang buhok ko at saka dali-dali akong lumabas ng gate. Jusmiyo!! Tirik na tirik na pala yung araw. Nakalimutan ko na makapal pala yung kurtina ng kwarto ko. At saka pinaglaruan ko pala kagabi yung alarm clock ko kaya siguro naiadjust ko yung oras. Hay naku ang tanga-tanga mo talaga Athena. Wala akong choice kung hindi tumakbo. Kung lalakarin ko kasi aabutin ako ng 20 minutes. Sinimulan ko ng tumakbo na parang bang hinahabol ako ng asong ulol. Di bale may fifteen minutes policy naman kaya hindi ako considered absent. Pagkadating ko sa gate ng school habol-habol ko ang hininga ko kaya tumigil muna ako. Mukhang hihikain na naman yata ako ah. Tagaktak na rin ang pawis ko pero hindi ko na pinagkaabalahang punasan pa. Tinignan ko ang oras at nagulat ako ng makitang 8:10 na pala. Meron na lang akong 5 minutes para umakyat. Tinakbo ko ang hagdanan sa pinakabilis na paraan. Pagkadating ko sa harapan ng room namin hinihingal kong binuksan ang pintuan at tamang-tama naman na kakaumpisa palang ni Mrs. Legazpi na magcheck ng attendance.

"Miss Alameda." tawag niya sa pangalan ko.

"Pe-present *hinga* Ma'am." sagot ko sabay lapit sa harap at ibinigay ang project ko.

"What happen to you? You look tired." tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil hinihingal ako at isa pa hindi ako nakapagtoothbrush. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at inilabas ang inhaler ko dahil medyo nahihirapan na akong huminga.

"Are you okay?" tanong ng katabi ko. Hindi ko inaasahang itatanong niya yun kaya tumahimik ako bigla. Hindi ko na lang siya pinansin pero nagulat ako ng bigla niya akong buhatin. Take note buhat na parang bagong kasal.  Dahil dito nagsitinginan ang mga classmate namin pati na rin si Mrs. Legazpi.

"Ano ba Gian. Ibaba mo nga ako." pagpupumiglas ko.

"Just shut up." sagot niya sa akin habang sa daanan  nakatingin.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon