Chapter 27

4 2 0
                                    

Athena Azumi Alameda

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang tree planting program namin. Magmula ng nangyari ang insidente sa aming dalawa ni Gian hindi ko na magawang tumingin sa mga mata niya. Ewan ko ba kung bakit. At sa tuwing nakikita ko siya ay iyon ang naaalala ko at hindi ang mga pambubully na ginawa niya sa akin. Wala ring araw na hindi ako inasar nila Brea tungkol sa nangyari. At isa pa sa nakakainis. Alam niyo ba na naging hot topic kami ni Gian dahil sa nangyari. Malamang alam na ng lahat ng estudyante ang nangyari dahil sa lintik na picture namin na sinend ng nagngangalang Certified Chikadora sa group chat ng buong school. Oo, Certified Chikadora yung user name niya kaya hindi ko alam kung sino siya. Chineck ko na din yung fb niya kaso nakaprivate kaya wala akong makitang picture niya maliban sa profile picture at cover photo niya na wala rin namang kwenta kasi mukha ni Shin Won Ho. Sabagay bagay naman sa kanya yung username niya kasi napakachismosa niya.

"Hoy Athena. Ang lalim yata ng iniisip mo. Daig mo pa ang Presidente sa dami ng iniisip." sita sa akin ni Brea habang naglalakad kami papunta sa room namin. Hindi namin kasama si Aluchi ngayon dahil mamaya pa daw siya papasok dahil may check-up daw yung mga Bessssssssssssssssssss niya. Alam niyo na siguro kung ano yung tinutukoy ko.

"Ha, wala kaya akong iniisip." pagdadahilan ko. Alam ko naman na aasarin na naman niya ako kay Gian.

"Asus. Palusot ka pa. For sure si Gian na naman yung iniisip mo." intriga niya sa akin. Sabi sa inyo eh. May 'Athena Gian Syndrome' pa rin siya.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo na nga at baka malate pa tayo." sita ka sa kanya.

Pagkadating namin sa room kakarating lang din ng teacher namin. Agad naman nagsitahimik ang mga kaklase ko.

"Good mornig class" bati ni Mrs. Legazpi pero wala man lang siyang nakuhang sagot mula sa amin.

"Any absent?" tanong niya. Kagaya kanina wala rin siyang nakuhang sagot kaya naman nagdiscuss na ulit siya. Kanina pa siya daldal ng daldal at kanina pa rin walang pumapansin sa kanya. Mayamaya biglang may nag-aanounce sa speaker.

"All students please proceed to the gymnassium for the campaign rally. Attendance is a must."

"Repeat announcement. All students please proceed to the gymnassium for the campaign rally. Attendance is a must." ulit ng announcer. Agad naman kaming lumabas para magpunta sa gym. Mamayang hapon na pala yung election para sa susunod na SSC. For sure, puro mga kasinungalingan lang ang sasabihin ng mga candidate.

"Athena sinong iboboto mo?" tanong ni Brea.

"Kung sinong maisipang isulat ng kamay ko." walang ganang sagot ko. Kahit sino naman ang manalo okay lang sa akin. Pare-parehas lang naman silang walang alam gawin kung hindi gumawa ng mga patakarang walang kwenta at mag-organize ng mga boring na programs at activities.

"Wow ha!May sariling isip din pala yung kamay mo." sagot niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkadating namin sa gym puno na ang likurang upuan samantalang bakante pa rin yung nasa bandang unahan. May problema ba sa pag-upo sa harapan at takot na takot silang umupo doon. Akala naman nila may recitation at kung sinong nasa harapan siya ang mauuna.

"Tara Athena doon tayo sa tabi nila Rusty." yaya sa akin ni Brea. Nananadya ba talaga tong babaeng to. Alam naman niyang iniiwasan ko si Gian tapos yayayain niya pa akong tumabi sa kanila .

"Ikaw na lang. Dito ako mauupo sa harap." sagot ko sa kanya sabay lakad papuntang harapan.

"Good morning students. Today is the campaign rally of both parties. The Star partylist and the Party partylist." announce ni Ms. Amelia. Matapos kung marinig ang pangalan ng bawat partido natawa ako lalo na yung Party partylist.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon