Athena Azumi Alameda
Pagkadating ko sa school wala akong masyadong nakikitang estudyante sa labas. Siguro ay nasa library sila o kaya naman ay nasa loob ng classroom at nagrereview. Speaking of review hindi pa nga pala ako nakakapagreview. Kahit saan ako tumingin lahat ng estudyante ay may hawak-hawak na libro. Feeling ko tuloy nasa loob ako ng library. Pagkadating ko sa room namin nagulat ako sa nadatnan ko. Imbes na nagrereview sila para sa exam namin nakatutok silang lahat sa laptop ni Farrah at nanunuod ng Goblin habang tumitili. Seriously, mas mahalaga pa ba yung Goblin kaysa sa exam namin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Aluchi pero nagulat ako ng makita siyang nasa pinakaharap ng laptop at mukhang kinikilig pa. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok sila Gian. Dahil dito ay agad-agad nilang pinatay ang laptop at nagsibalikan sa mga upuan nila. Umupo na ako sa upuan ko at nagbasa ng libro. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Brea na halatang kulang sa tulog. Nagreview yata tong mabuti kaya mukha siyang puyat. Kahit tapos na silang manuod ay panay parin ang kwentuhan nila tungkol sa Goblin. Seryoso!! Napanuod na nga nilang pareho ikukuwento pa nila sa isa't-isa. Eh di sana hindi na lang nanuod yung isa tapos pinakwento na lang niya. Ganyan tayo eh!! Sabay na ngang nanunuod ikukwento pa ulit. Ano yun story retelling. Hahaha!!Lol..
"Ang gwapo talaga ni Grim Reaper. Kung siya ang Reaper na susundo sa akin. Sasama ako ng kusa." aniya ni Trixie. Tsk!! Kahit anong libro ang basahin niya at kahit magsearch pa siya kay Google walang reaper na ganong kagwapo. Mukha kaya silang monsters.
"Sana maging reaper din ako sa pangalawang buhay ko. Gusto ko ring magkaroon ng ganong sombrero. Yung kapag suot ko hindi ako makikita." dagdag naman nung isa. Kung gusto niyang maging reaper sa second life niya gumawa siya ng mabigat na kasalanan habang buhay pa siya. Kaso ang problema baka dumiretso na siya sa impyerno.
"Okay class close all your notes and bring out your examination notebook." instruct agad ni Mrs. Legazpi pagkadating niya. Agad kung binasa saglit yung libro ko bago nilabas ang examination notebook ko. Nakakainis kasi ang iingay nila hindi tuloy ako nakapagreview. Bahala na nga lang si Grim Reaper. Haha.. Teka parang mali Batman dapat yun.. Bahala na si Batman.. Hahaha..
Pagkabasa ko ng test question wala akong alam kahit na isa. Wala akong nabasang ganito sa libro ko ah.
"Ma'am excuse me. Wala po ito sa libro." reklamo ni Charleigh. Buti na lang at sinabi niya. Akala ko pa naman ako lang yung walang alam pati rin pala sila.
"Oo nga ma'am. Wala naman kayong diniscuss na ganito." reklamo ni Gail. Nagprotesta na rin ang iba namin classmate dahil mukhang wala rin silang maisagot.
"Of course you cannot find the answers in the book. Because the answers are in the handouts that I gave last Monday. I told Farrah to announce it in class that the examination will be taken to the handouts. So I guess it's not my fault." sagot ni Ma'am. Agad naman kaming tumingin kay Farrah para malaman kung totoo ba yung sinabi ni Ma'am.
"He-he-he. Sorry guys nakalimutan ko rin kasi. He-he." sagot niya. Nakalimutan niya? Ano yun pinainom din siya ni Grim Reaper ng Tea kaya nawala lahat ng alaala niya.
Wala kaming ibang nagawa kung hindi sagutan ang mga tanong kahit hindi namin alam ang sagot. Malay mo naman makachamba. Pagkatapos kung sagutan lahat ng tanong pinass ko na kay Ma'am ang notebook ko. Nagbasa na rin ako sa Filipino dahil iyon ang second exam ko.
Wala namang problema sa Filipino dahil gumawa lang kami ng komposisyon. Sa Chemistry naman mga chemical formula, atomic number, at atomic mass. Buti na lang kamo at pwedeng tignan yung Periodic Table of Elements kung hindi baka itlog ang makukuha ko. Ewan ko ba kung bakit kailan pang pag-aralan ang mga chemical formula. Kagaya na lang ng asin. May nalalaman pa silang Sodium Chloride eh pwede namang asin lang. Ano yun, kapag bibili ka ng asin kailan ang sabihin mo 'pabili nga po ng Sodium Chloride'. Baka mamaya pagkamalan ka pang baliw. Hahaha.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.