Chapter 21

3 2 0
                                    

Brea Honey Elezares


Nakaupo lang ako sa may garden namin at pinagmamasdan ang mga bulaklak. Nakakaboring pala dito sa bahay, walang makausap kahit na isa man lang. Ayaw kung pumasok ngayon dahil ayaw kung makita nila akong haggard na haggard at malaki ang eyebags kaya sinabi ko na lang kay Aluchi na may sakit ako.

"Ma'am may bisita po kayo." sabi sa akin ni Manang.

"Pakitawag na lang po dito." sagot ko sa kanya. Sino naman kayang Poncio Pilato ang taong ito. Wala naman akong inaasahan na bisita eh.

"Uso na ba ngayon ang lumabas kapag may sakit?" tanong ni Rusty habang may dalang fruits at flowers. So siya pala. Ano na naman bang nakain nito at nandito na naman siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong naaalala na may usapan kami na pupunta siya dito.

"Dinadalaw ka. Oh ito fruits and flowers." sagot niya habang inaabot sa akin yung isang basket ng fruits at isang bouquet and flowers. Nakakakilig naman. Nanliligaw ba ito. Assuming ka na naman Brea. Kapag binigyan ka ng flowers nanliligaw agad. At saka lumalandi ka agad eh kakabreak niyo lang ni Meynard.

"Para saan to?" tanong ko sa kanya.

"For fast recovery. Sinabi kasi ni Aluchi may sakit ka." sagot niya. Si Aluchi talaga napakadaldal. Ang sarap putulan ng dila.

"Eh bakit may flowers." tanong ko. Alam niyo na, nagbabakasakaling manliligaw siya. HAHAHA!!

"Wala lang sabi kasi nila madaling gumaling ang isang may sakit kapag may flowers." sagot niya. Ouch ha!! Ayan kasi nag-assume ka kaagad yan tuloy napala mo. (Gawa-gawa ko lang yung flowers thingy baka maniwala kayo at bigyan niyo ng bulaklak na pangpatay and friend niyong may sakit.HAHAHA!!!)

"Talaga? Ngayon ko lang nalaman yun ha." sagot ko. Hindi ko kasi alam na tumutulong din sa paggaling ang mga bulaklak.

"Ayun yung sabi nila. Pero wala naman scientific explanation." sagot niya. Ayun naman pala eh. Akala ko naman totoo na. HAHAHA!!!Baka naman nagpapalusot lang siya at hindi niya masabi na nanliligaw siya. HAHAHAH!!! Spell Asuuming. B.R.E.A.

"Salamat ha. Sige makakaalis ka na." taboy ko sa kanya.

"Kadarating ko lang pinapaalis mo na agad ako." sagot niya sabay upo sa tabi ko. Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala siya pinaupo. HAHAHA!!! Ang bastos kung magbisita nuh. HAHAHA!!! At ito namang si tanga hindi na naupo.

"By the way pumunta sa School yung Mommy ni Athena kasi nagsapakan sila ni Gian." dagdag niya. Ha?? Tama ba yung rinig ko? Pumunta si Tita Catherine sa School? Bago yun ha. Dati-rati naman hindi yung pumupunta.

"What?? I mean why??" tanong ko. Bakit naman sila nag-away. Hulaan ko may ginawa na naman si Gian kaya nagalit si Athena. Kilala ko si Athena kahit palaaway siya hindi naman siya yung nag-uumpisa ng gulo.

"Tinopak kasi si Gian. Itapon niya kasi yun Sketch Pad ni Athena sa may fountain kaya nagalit si Athena." sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng itapon yung Sketch Pad pa niya. Natural magagalit talaga yung kasi mahalaga sa kanya yun. Iyon kasi yung huling natanggap niya galing sa kuya niya. Mas mabuti pang si Athena na lang yung itinapon niya kaysa doon sa Skectch Pad ni Athena.

"Magagalit talaga siya kasi napakahalaga ng bagay na iyon para sa kanya." sagot ko. Isang araw lang ako nawala ang dami ko ng namissed. Hindi ko tuloy napanuod yung sagutan nila Athena at nung Mommy niya. "Di bale papasok na naman ako bukas." dagdag ko.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon