Chapter 23

4 2 0
                                    

Gian Cedric Chamberlain


Papunta na ako sa meeting place namin ni Maurice. Well, kung tatanungin niyo ako kung bakit kami magkikita ay dahil inentertain ko na siya but not for real. Wala lang akong mapagtripan at matagal- tagal na rin na wala akong napapaiyak na babae. Alam ko naman na matagal na siyang may gusto sa akin. Since first year college pa kami kaya naman walang kahirap-hirap na napasagot ko siya. Wala pa nga yatang isang minuto sinagot na niya ako. Hindi ko pa nga tapos na sabihin na manliligaw ako sinagot na niya agad ako ng oo. Naisipan kung dumaan sa subdivision nila Athena dahil mas malapit kung doon ako dadaan. Kung tatanungin niyo kung bakit alam ko ang bahay ni Athena ay dahil sinundan ko siya minsan. Hindi ako stalker ah, curious lang ako kung saan siya nakatira. Sa gwapong kung to magiging stalker. No way!!. Paliko na ako sa kanto nila Athena ng biglang may sumulpot na nakabisikleta kaya naman hininto ko ang kotse ko at tinignan kung sinong tatanga-tangang nilalang yun. Pagkakita ko si Athena pala. Sabi na nga ba eh. Tatanga-tanga na naman tong babaeng to. Agad-agad namang dumating si Laurence. Magkasama na naman sila. Ano bang meron sa kanila? Tskkk!!

"The next time be careful. You almost scratch my car." sagot ko sabay andar ng kotse.

"Ang kapal ng mukha mo!!" rinig kung sigaw ni Athena. Bigla ko na lang tinigil yung kotse sa sumunod na kanto at sinuntok ang manibela.

"Damn it!!" mura ko habang nakakuyom ang kamao ko. Ano na naman bang nangyayari sa akin.

Pagdating ko sa park, nakita ko agad si Maurice na nakaupo sa may swing kaya agad-agad ko siyang tinawagan. Nakakadalawang ring pa nga lang sinagot na niya agad yung phone niya. Hindi naman halata na excited siya.

"Hello." masayang sagot niya.

"Go home." sagot ko sa kanya. Wala na akong ganang makipagflirt sa kanya at baka masapak ko pa siya dahil sa inis ko.

"Why?" tanong niya.

"Just go home." sagot ko.

"Wha-----"

*toot..toot..toot*

Pagkatapos kung patayin ang phone ko agad kung pinaharurot ang kotse ko. Paliko na ako ng biglang may tumawid na bata lalaki kaya tinapakan ko agad yung preno. Agad naman akong bumaba sa kotse para tignan yung bata.

"Are you okay?" tanong ko sa kaya habang tinitignan kung may sugat ba siya.

"Ayos lang po ako." sagot niya.

"Are you sure? Do you have any wounds? Let's go to the hospital." sagot ko sa kanya. Nagpapanic na naman ba ako. Okay Gian. Relax. Inhale..Exhale..Inhale..

"Ayos lang po talaga ako. Hindi niyo naman ako nabundol eh." sagot niya. Tinignan ko naman yung kotse ko at nakita na limang hakbang yung layo mula sa bata. Napapraning na naman ba ako.

"Okay. The next time be careful okay." sagot ko sa bata. Tumango naman siya at tumakbo na sa kabilang kalsada. Biglang ko na namang naalala yung nangyari three years ago. From then, I promise to myself that I will never be that man again. Dumiretso na lang ako sa bar ni Steve para marelax naman kahit papaano.


Rusty Diaz


Nandito kami ngayon sa may conference room. Hindi ko nga alam kung bakit pinatawag lahat ng estudyante dito. Pero ayos na rin yun dahil wala kaming klase.

"Good morning students. We are all gathered here to discuss about our incoming project. And that is the tree planting project." umpisa ni Ms. Amelia ang Director namin. Tree planting project? Ano na naman bang nakain ng mga to at kung ano-ano na naman ang naisipang ipagawa sa amin.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon