Chapter 8

17 4 0
                                    


Athena Azumi Alameda

Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Sino ba ang nag-imbento ng alarm clock? Ipapatumba ko talaga. Malapit na nga akong halikan ni Lee Min Ho eh. Inch na lang ang pagitan naantala pa dahil sa lintik na alarm clock na yan. Dahil sa inis ko itinapon ko ito kaya naman nawasak. Konti na lang talaga maaabot ko na ang pangarap ko kung hindi lang dahil sa lintik na alarm clock na yan. Dahil nga badtrip ako,natulog ulit ako at baka sakaling matuloy yung panaginip ko. Kung hindi dahil sa lakad namin ni Laurence hindi ako mag-aalarm ng alas- singko.Nakuha ko na ang tulog ko ng bigla akong nagising dahil sa ingay ng doorbell ko. Sino na naman ba ang nag-imbento ng doorbell. Ipapatumba ko rin. Sino ba yang nambubulabog ng ang aga-aga. Mapatay nga. Lumabas ako para buksan ang gate. Pagkabukas ko nagtaka ako kung bakit nandito ng ganitong kaaga si Laurence. Baka manghihingi ng kape.

"Laurence?" takang tanong ko. Hindi pa pala ako naghihilamos at nagtotoothbrush. Wala naman siguro akong morning breath at saka morning star.

"Ilang taon ka na?" tanong niya. Bakit niya kaya tinatanong kung ilang taon na ako.

"19 years old. Bakit mo naman tinatanong?" tanong ko.

"Eh bakit yang memorya mo parang pang 80 years old na." sagot niya. Nang-iinsulto ba siya? Baka gusto niyang lumipad.

"Ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko. Inaantok pa kasi talaga ako.

"Wala ka bang natatandaan na lakad mo?" tanong niya. Pumunta lang ba siya dito para tanungin kung may lakad ako. Lintik naman oh, bakit hindi na lang niya ako tinext.

"Wala naman. Wala naman akong pinupuntahan tuwing Saturday eh." sagot ko. Tuwing Saturday kasi magdamag lang akong nakahiga. Pero bakit feeling ko may schedule ako ngayon. May photo shoot kaya ako? Hindi ko talaga maalala. Feeling artista talaga ang peg. HAHAHAHA!!!! Wala namang klase ngayon kasi walang pa-----

"Ouch!" react ko. Bigla kasi akong binatukan ni Laurence. Ano bang problema nitong lalaking to. Bakit ba kasi nandito siya. Wala naman kaming usapan na magkikita kami eh. Wala din naman kaming usapan na may lakad namin. Wait...Oh my God..O__________________O..Meron nga pala talaga kaming usapan. Patay ka Athena ka. Tumingin ako kay Laurence sabay peace sign.

"Naalala mo na?" tanong ni Laurence. Bakit ba hindi ko naalala, eh niremind pa niya ako kagabi. Hay naku Athena kailangan mo na talagang uminom ng Memo Plus Gold.

"Sorry. Kasi ano..Ano kasi nawala sa isi-----" sagot ko. Ano ba yan hindi man lang ako pinatapos.

"Anong pang ginagawa mo. Maligo ka na at magtoothbrush dahil ang baho mo na." sagot niya habang tinutulak ako papasok sa loob ng bahay ko. Ang kapal ng mukha niya ah. Kahit hindi ako maligo ng isang taon hindi ako mabaho. Hindi niya ba alam na Victoria Secret ang pawis ko.

"Pakihintay mo na lang ako diyan. Maliligo lang ako." sagot ko. Mukhang 5 minutes lang yata akong maliligo nito ah. Usually kasi 30 minutes akong maligo. Dumiretso agad ako sa banyo ko at agad na naligo. Wala pang 5 minutes ay tapos na ako. Feeling ko tuloy hindi ako nakapaghilod ng mabuti. Kaso ang problema hindi ko alam kung anong isusuot ko. Eh kung wag na lang kaya akong magdamit .HAHAHAHAHA.

" Ano kaya ang isusuot ko. Itong blue o yellow dress." tanong ko sa sarili ko. Ang hirap naman kasing pumili ng damit lalo na kung halos lahat ng damit mo paborito mo.

"Yang sky blue na lang." biglang may nagsalita sa likuran ko. Nagulat ako ng makita ko si Laurence na nakasandal sa may pintuan ko. Hindi ko ba nailock?

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon