Chapter 25

4 1 0
                                    

Brea Honey Elezares


Nagpapahinga muna kami ngayon dahil maya-maya uumpisahan na namin ang tree planting. Mga 8 am na kami nakarating dito sa Mountain. Kagaya ni Aluchi hindi ko rin alam kung anong pangalan ng bundok na ito. Basta ang alam ko lang nasa tapat siya ng langit, HAHAHAHA!! Pagkarating namin inayos na namin yung tent nami--ay este sila Rusty pala at Kurt yung nag-ayos ng tent kasi hindi namin alam. Hindi kasi uso sa amin yung tent. Hindi naman mataas yung bundok at saka maraming punong kahoy. Ewan ko ba kung may space pa ba para sa mga punong itatanim namin. Over population na yata sila eh. HAHAHAHAHA!!!! Medyo nakakatakot rin siya kasi puro talahib ang nakikita ko. Sabi naman nung sir namin safe naman daw kasi wala naman daw mga wild animals. Yung part ng tent namin nasa medyong baba ng bundok at wala masyadong damo kaya naman malinis tignan.

"Okay class we will now start planting trees. Please keep in touch and always have a companion when you leave the camp." paliwanag ni Sir. Nagsimula na nga kaming umakyat sa bundok at buti na lang at hindi masyadong mainit kung hindi sunog ang balat namin. Kasama ko sila Athena, Aluchi, sila Rusty at iba pang mga estudyante at syempre isang teacher. Sabi ni sir ang mga lalaki ang magbubungkal at ang mga babae naman ang magtatanim. Pinaghiwa-hiwalay kami para daw mas madali yung pagtatanim. May naiwan sa baba, meron naman sa bandang gitna, meron ding pumunta sa pinakaitaas at sa kasamaang palad kami yung nakaassign doon kaya naman masakit na yung paa namin kakalakad. Well, hindi naman siya malayo kasi hindi naman mataas tong bundok eh. More on gubat siya.

"Ano ba naman yan. Masakit na yung paa ko. Malayo pa ba?" reklamo nung maarteng estudyante. Tourism student yata to eh. Maganda naman siya kaso kapag nakamake-up lang. Natatakpan kasi ng makapal na foundation yung mga pores niyang bukas na bukas.

"Malapit na tayo kaya pwede ba tigil-tigil mo yang kaartehan mo." sagot ni Athena. Hindi ko ba nasabi na ayaw na ayaw ni Athena yung mga reklamador.

"Kung dito na lang kaya tayo magtanim." suggest naman nung isa. Sumang-ayon naman yung teacher na kasama naming kasi malapit na rin naman sa taas. Ewan ko kung anong pangalan niya hindi naman namin siya teacher eh. Nagsimula ng magbungkal yung mga boys at nagtanim na rin kami. Bigla akong napatitig kay Rusty na pawis na pawis na. *Take note titig at hindi tingin.* Bakit parang feeling ko ang hot ni Rusty kapag pinapapawisan siya. Hay naku!!!Ano ba tong naiisip ko. Erase!!Erase!!Wala kayong nabasa ha. Mabait lang siya kasi sila yung nagste-up ng tent namin. Tama!! Mabait lang si Rusty at hindi siya hot. Gwapo lang si--ay este mabait lang pala siya.

"Listen everyone. We will now go back to the camp to have our Lunch. We will resume our planting at 1 pm." announce ni Ma'am 'hindi ko alam ang name'. Agad naman kaming umalis dahil nagugutom na rin kami.

"Brea. Here drink some water." alok sa akin ni Rusty ng tubig. Kinuha ko naman yung bottle at saka ininom. Ayyiiee!!Kinikilig yung pwet ko. Wala akong sinabing kinikilig ako ha. Nadulas lang ako.

"Sa-salamat."nauutal na sagot ko. Ano ba yan nauutal pa ako. Baka mapansin niya na kinikilig ako. Ahy hindi pala ako kinikilig. Nadulas lang ulit ako.

"Are you okay? Why are you stammering?" tanong niya sa akin habang nakatitig. Ano ba yan Rusty wag mo akong titigan ng ganyan. Nahuhulog na yung panty ko.

"I'm okay." sagot ko. Buti na lang at hindi na ako nautal tumango naman siya.

"Hay naku. Nag-aaway na naman sila." sagot ni Rusty. Ha??Sinong nag-aawa--

"Aluchi come here baby. I will wipe your sweat." rinig kung sabi ni Kurt habang hinahabol si Aluchi. Bakit ko pa ba tinatanong eh sila lang naman ang mahilig mag-away. Oo nga pala, sila Gian at Athena din pala. Pero sila Athena wala ng bunga-bunganga sapak agad. HAHAHAHA!!! Speaking of Athena and Gian, hindi ko yata napapansin yung dalawang yun. Simula kasi ng magsapakan sila hindi na sila nagpapansinan. Mabuti na rin siguro yun para walang away. HAHAHAHA!!!

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon