Brea Honey Elezares
Maaga akong nagising ngayon hindi dahil may pasok kami kundi dahil Saturday ngayon at pupunta kami sa mall. Nagyaya kasi sila Rusty na mag mall. Hindi ko alam kung anong nakain o naisipan nila at nagyaya sila. Siguro para makapagrelax din kahit papano. Hindi naman kasi pwedeng aral lang ng aral. Baka mamaya mabaliw na kami sa sobrang pag-aaral. Alas 7 pa lang ay nandito na ako sa MOA. 7:30 kasi ang usapan namin. Hindi ako excited nuh. Sadyang tumutupad lang talaga ako sa usapan. Although nature na ng mga Pilipino ang pumunta ng late. Pero hindi ako ganun. Kahit Pilipino ako hindi ko sinusunod ang Filipino Time. Para kasi sa akin mahalaga ang bawat Segundo.Nagtataka lang ako kung bakit feeling ko may mangyayaring hindi maganda. Wala naman sana. Makalipas ang 30 minutes dumating na rin sila except kay Athena. Makakasabay dumating yung apat na lalaki. Sumunod naman si Aluchi na all black ang outfit. Yung totoo lamay ba ang pupuntahan ng babaeng to? Mag-aalas otso na pero wala pa rin si Athena. Naiinis na nga sila eh. Alam ko na kung bakit late na naman yung babaeng yun. Bukod sa tulog mantika siya at parang suso kung kumilos mas mabagal pa siya sa pagong kung maglakad. Maayos na rin naman ang paa niya kaya hindi na siya nagsasaklay pa. Maya-maya dumating na rin si Athena. In fairness ang sexy niya sa suot niyang crop shirt at high waisted na pantalon.
"Oh ayan. Marami na tuloy tao. Si Athena kasi ang tagal." reklamo ni Steve. Tama naman siya eh. Kanina nung pagdating ko dito mabibilang pa ng daliri ang mga tao dito. Oh di ba ganyan ako excited mas nauna pa ako sa mga sales lady dito.HAHAHAHAHAHA!!!! Nagtataka nga yung guard kung bakit ako maaga. Ang sinabi ko ako ang taga bukas ng store namin. Naniwala naman ang tanga.HAHAHAHAHAHA!!!!!
"Maaga man o hindi ganun pa rin. Marami pa ring tao. Hello nasa mall tayo. Anong akala mo sa MOA private mall? Kung gusto mong solo tong buong MOA, pumunta ka dito ng alas dose ng umaga." inis na sagot ni Athena. HAHAHAHA!!! Ano ka ngayon Steve?
"Kaya nga naman." sang-ayon ko. Hindi ako sumang-ayon dahil pinagtatanggol ko si Athena. Sadyang totoo lang yung sinabi niya. Sa katunayan nga ay kanina ko pa minumura si Athena sa isip ko. Hello isang oras akong naghintay sa kanya. Sinong hindi maiinis.
"Halina nga kayo at nang maumpisahan na natin ang pamamasyal." singit ni Kurt.
"Kaya nga. Pumunta lang ba kayo dito sa mall para lang magdaldalan?" sagot naman ni Steve.
"Oo na. Let's go guys." yaya ko sa kanila.
Pumunta muna kami sa may Boutique para bumili ng damit. Syempre kanya-kanyang bili. Yung mga boys magkakasama sa boys section. Kami namang tatlo ay nasa girls section. Hindi ko kasama sila Athena dahil magkakaiba kami ng taste. Si Athena kasi mas gusto niya yung may damit na hindi masyadong maraming design. Kung baga simple lang at plainlang yung color. Ako naman mas gusto ko yung mga colorful. Mga floral design o kaya naman yung mga dress na makinang. Si Aluchi naman napaka-arte sa pagpili ng damit. Yung tipong ichecheck niya pa bawat tahi at stitch. Kung may nakita siya kahit isang mali sa tahi hindi niya bibilhin. Palibhasa kasi Fashion Designer sa Paris ang mommy niya. Kapag siya ang kasama mo aabot kayo ng siyam siyam sa sobrang tagal niya. Yung tipong kasing taas ng Mt. Everest yung mga damit na pinagpilian niya. Minsan nga ayaw ko siyang samahan bumili kasi nakakahiya siya. Ipapalabas niya kasi lahat ng damit tapos dalawa o sampu lang ang bibilhin niya. Kaya naman hindi mo na maipinta yung mukha ng mga sales lady.
"Miss, may iba ba kayong stock nito?" rinig kung tanong ni Aluchi sa sales lady. Ayan na nag-uumpisa na siya. Good luck in advance na lang sa sales lady.
"Sorry po Ma'am wala na pong stock eh. Last na po kasi yan at next month pa po ang next na delivery." sagot ng sales lady.
"Okay. Pwedeng palabas na lang ng stock niyo sa mga dress na nakadisplay dito?" tanong niya. Ayan na bumubuelo na siya.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.