Gian Cedric Chamberlain
Magmula ng mangyari ang insidente sa aming dalawa ni Athena hindi na kami nag-aaway. Hindi dahil magkabati na kami kundi dahil naiilang kami sa isa't isa. Hindi nga niya magawang tumingin sa mga mata ko e. Nandito ako sa tapat ng bahay nila at hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi matagal ko na siyang hindi naaasar at dahil dun isang linggo na ring boring ang buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko ng mang-inis ng iba at si Athena lang ang gusto kung asarin. Siguro kasi ayaw ko sa iba kasi mabilis silang maasar at iiyak na lang bigla-bigla. Samantalang kapag si Athena, wala akong makita ni katiting na inis. Kadarating ko lang sa tapat ng bahay niya nang lumabas siya. Agad niyang tinitigan ang kotse ko at makikita mo na parang nagtataka siya. Buti na lang at tinted yung kotse ko kaya hindi niya ako makikita. Agad ko namang pinaandar paalis ang kotse ko at baka panghinalaan niya pa ako.
"Oh bakit ngayon ka lang. Eh diba kanina ka pa umalis sa school?" tanong ni Kurt. Nandito na rin pala sila.
"I visit Eula." palusot ko sabay pasok sa kwarto ko. Hindi ko pa napipikit ang mata ko ng biglang pumasok si Rusty.
"Do you know how to knock?" inis na tanog ko.
"Woah..Chill dude. It's me." sagot niya habang nakataas ang dalawang kamay.
"Any problem?" tanong ko.
"What's your problem?" balik niyang tanong sa akin. Tinanong ko siya kung may problema tapos ibabalik niyan sa akin yung tanong. Uso na ba ngayon na tanong ang isagot sa tanong.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
"Come on dude. I know you're lying. You did not visit Eula." sagot niya. Tinignan ko siya na may halong pagtataka.
"I can read in your eyes that you're asking why I know. Right?" tanong niya. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Well simply because your grandpa and Eula are in London." sagot niya. Oo nga pala
sinabi ko pala sa kanya na nagbakasyon sila Granda kila Mommy sa London. Aish!!Mag-iisip na nga lang ako ng palusot sablay pa."Fine. You're right." inis na sagot ko.
"Eh saan ka pumunta?" tanong niya. Aish!! I hate interrogation. Damn it!!!
"It's none of your fucking business." inis sa sagot ko.
"Okay. Chill dude. By the way, pupunta kami sa bar mamaya. Wanna come?" sagot niya.
"No." tipid na sagot ko sabay pikit ng mata. Hindi na siya sumagot kaya baka nakalabas na siya ng kwarto ko.
Athena Azumi Alameda
Kanina pa ako nakarating sa bahay ni Catherine at kanina pa rin ako nakatayo sa harap ng gate nila. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang door bell. It's now or never. Bahala na kung anong mangyari. Maya- maya may lumabas na isang kasambahay at pinagbuksan ako ng gate.
"Sino pong hanap nila?" tanong niya sa akin.
"Nandyan po ba si Catherine?" tanong ko. Tinitigan naman niya ako na para bang may nagawa akong karumaldumal na krimen. Siguro nagtataka siya kung bakit Catherine lang ang tawag ko sa amo niya. Siguro rin iniisip niya na wala akong modo dahil hindi ako marunong gumalang sa nakatatanda sa akin. Hindi naman ako bastos sa mga taong deserve na hindi mabastos.
"Ah. Si MA'AM Catherine po ba ang hanap niyo?" tanong niya. At talagang ipinagdiinan niya pa yung salitang MA'AM. Tsk!!!
"Opo. Si CATHERINE nga po." sagot ko. Talagang binigyan ko ng emphasize yung CATHERINE para lalo siyang maasar.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Fiksi RemajaI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.