Chapter 26

5 1 0
                                    

Gian Cedric Chamberlain


Arrrrghhhh!!!Nakakainis!! Hindi ako makatulog!!Bakit ba ayaw maalis sa isip ko yung nangyari. Ang tanga ko naman kasi eh. Bakit kasi hindi ko siya kaagad itinulak para hindi na kami nagkatitigan. Kanina pa ako hindi mapakali sa higaan ko at kahit anong gawin kung pagtulog hindi ko magawang antukin. Gabing-gabi na at lahat ay himbing na himbing na sa pagtulog samantalang ako ay mulat na mulat pa rin ang mata. Arrrggghhh!!!Nakakainis!!Bakit ba hindi ako makatulog. Tumaob na ako, nagkulbot na ako ng kumot, tumagilid na ako, tumihaya na ako, at lahat-lahat hindi pa rin ako makatulog. Halos lahat na yata ng posisyon nagawa ko na pero wala pa rin talaga. Pagod na pagod ako at gustong-gusto ko na talagang matulog. Oh espirito ng pagtulog sapian mo ako parang awa mo na. Lumipas ang kalahating oras mulat na mulat pa rin yung mata ko. Hindi na ako nakatiis kaya lumabas na lang ako. Magpapahangin na lang ako at baka sakaling dalawin ako ng antok. Naupo lang ako sa upuan at pinagmasdan ang kalangitan. Baka sakaling may dumaan na shooting star at hihilingin ko na sana makatulog na ako. Maya-maya nakarining ako ng sigaw sa loob ng gubat. Sobrang tahimik ng paligid kaya imposibleng walang makarinig sa sigaw na yun. Ano kaya yun? Baka naman may multo talaga dito. Maya-maya nagising yung mga estudyante pati na rin yung mga teacher at nagsilabasan sa loob ng tent nila.

"Anong nangyari? Sinong sumigaw?" natatarantang tanong ni Ms. Amelia sa akin.

"I don't know. I just heard the shout inside the forest." sagot ko.

"Okay. All students come here." utos ni Ma'am kaya naman nagsilapitan yung mga estudyante.

"I told you guys there are ghost here." natatakot na sabi nung isang estudyante. Ang OA naman ng isang to. Porket may sumigaw multo na agad. Hindi naman naririnig yung mga multo except sa mga taong may Third ear. Third ear???Diba Third eye yun?? Third eye ang tawag kapag nakikita yung mga multo. Third ear naman kapag naririnig yung mga multo. Bakit eye ba ang nakakarinig? Diba ear. Kaya Third ear. HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

"Oh my God baka totoo yung mga wrong turn. Let's go home na." react naman nung isa. Masyado namang matatakutin ang mga ito. Tinatakot lang nila yung mga sarili nila.

"I don't want to die. I love my Mommy very much." react naman nung isa. Asus nagdrama pa.

"Stop it students. Don't scare yourself. Just remain calm." utos ni Sir Gonzales. Agad namang tumahimik ang mga estudyante.

"Now, check your classmates if they are all." utos ni Ms. Amelia. Tinignan ko naman yung tatlong ugok. Nandito naman sila.

"OH MY GOD!! WALA SI ATHENA!!!" sabay na sigaw ni Brea at Aluchi. Diba magkasama sila sa isang tent.

"WHAT??" sigaw ni Ms. Amelia.

"Sorry ma'am. Hindi kasi namin napansin na umalis pala siya kasi natutulog po kami." paliwanag ni Brea. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong tumakbo papasok sa may forest.

"GIAN!! WHERE ARE YOU GOING!!" sigaw ni Rusty. Hindi ko siya pinansin at tuloy- tuloy lang akong tumakbo.

"Okay!!All girls stay here. All boys find Athena." rinig kung utos ni Ms. Amelia.

"ATHENA!!!WHERE ARE YOU!!!" sigaw ko pero walang sumagot. Fuck!! Hindi ako nakadala ng flashlight. Kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung phone ko pero wala rin. Fuck!! Wala na nga akong dalang flashlight pati ba naman yung cellphone ko. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo pero wala pa rin akong makitang Athena. Ang tanga talaga ng babaeng yun kahit kailan. Ano bang naisipan niya at pumunta siya dito. Pinag-aalala ako ng babaeng to. Wait!! Did I said I'm worried about her? Haaaaayyy!! What's happening to me?

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon