Athena Azumi Alameda
"Krrriiinngg!!Krrriiinngg!!!
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko nakayanan dahil parang binibitak ang ulo ko. Ano bang nangyari sa akin? Hindi naman siguro ako nahulog sa hagdan. Sinubukan kung alalahanin kung anong nangyari kahapon. Pagkadating ko kasi sa bahay naabutan ko sila Tita Ysabel at si Attorney Santiago. Pagkatapos pumunta ako sa bahay ni Catherine tapos pumunta ako sa bar. Ang huli kong naaalala ay may humila sa akin palabas ng bar pagkatapos hindi ko na alam kung anong sumunod. Wait!! Did he kidnapped me?? Omo!! Inilibot ko kaagad ang paningin ko pero nasa kwarto ko pa naman ako so ibig sabihin hindi ako nakidnap. Agad akong tumayo sa higaan ko para maligo. Papasok na sana ako sa banyo ng bigla akong napatingin sa suot ko.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko. Sino ba naman ang hindi sisigaw kung nakita mo na iba na yung suot mo. Dali-dali kung tinignan ang kama ko kung may bahid ba ito ng dugo. Pero sa awa ng Diyos wala naman. So ibig sabihin hindi ako narape. Pero nagtataka pa rin ako kung sino ang nagbihis sa akin. Hindi ko na nga lang pinansin at baka ako lang din ang nagbihis sa sarili ko at hindi ko lang naalala. Kahit masamang-masama ang pakiramdam ko pinilit ko paring pumasok dahil may quiz kami sa English. Hindi na rin ako nakapag-almusal dahil late na rin ako nagising. Pagdating ko sa room kadarating lang din ni Mrs.Legazpi. Hindi ako makapagconcentrate sa quiz namin dahil sumasakit ang ulo ko.
"Athena. Ayos ka lang ba?" tanong ni Brea sa akin. Napansin niya siguro na tahimik lang ako sa upuan ko. Pagkatapos kasi naming magquiz umalis na rin si Mrs. Legazpi.
"Hangover lang siguro to." sagot ko.
"Ano??Uminom ka? Hindi ka man lang nagyaya." sagot niya sa akin.
"Oo. Biglaan lang." sagot ko.
"Buti nakauwi ka pa." sagot niya.
"Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi eh." sagot ko sa kanya.
"Ha??" tanging sagot niya.
"Oh siya mauna na ako. Pakisabi na lang sa next teacher natin na masama ang pakiramdam ko." sagot ko sa kanya. Pumasok lang naman talaga ako dahil sa quiz namin sa English. Pagkalabas ko ng pintuan nakasalubong ko si Gian kaya agad kung iniwas ang tingin ko at dumiretso lang sa paglalakad. Umiiwas na nga yung tao eh. Tadhana nang-aasar ka ba. Kung nang-aasar ka. Congrats!! Kasi asar na asar ako.
Brea Honey Elezares
Pauwi na sana ako dahil kakatapos lang ng huling klase namin. Pupunta sana ako sa club namin kaso tinatamad ako. For sure naman wala pa kaming gagawin dahil first day pa naman at sigurado ako na magpapakilala lang kami. Wala rin naman akong kasama dahil hindi na pumasok si Aluchi nung hapon. Si Athena naman kanina pa umuwi dahil masama daw ang pakiramdam niya. Kung ano ba naman kasi ang pumasok sa kukute niya at naisipan niyang uminom. Papasok na ako sa kotse ko ng biglang may tumawag sa akin. Pagkalingon ko si Rusty pala. Napapansin ko na nitong mga nakaraan araw panay ang dikit sakin ng lalaking to. Nagtataka na tuloy ako sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mang-hinala sa mga pinaggagawa niya. Pero syempre mahirap ng mag-assume at baka sa huli masaktan lang ako.
"Oh Rusty may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya sa akin.
"Well, except sa uuwi sa bahay wala naman na akong gagawin. Bakit?" sagot ko sa kanya.
"Pwede mo ba akong samahan sa mall. May kikitain kasi ako eh." sagot niya. Kikitain? Hindi naman siguro yung girlfriend niya ang imemeet niya. Kasi kung girlfriend niya man yung kikitain niya hindi niya sana ako isasama. Tama!! Teka ano bang pakialam ko kung may girlfriend siya.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.