Rusty Diaz
Alas diyes na ng gabi pero marami pa rin ang tao sa Bar ni Steve. Mas marami yata ang pumapasok kaysa sa lumalabas. Karamihan ay mga kabataan na kasing tanda lang namin. May mga nakita rin akong mga schoolmates namin. Sabagay Sabado bukas kaya walang iintindihin ang mga estudyante bukas kaya kahit anong oras sila umuwi dahil hindi nila kailangang magising ng maaga.
"Nasaan na ba si Gian. Kanina pa umalis yung gagong yun ah." puna ni Kurt.
"Hayaan niyo na mainit lang siguro yung ulo niya." sagot ko sa kanya. Halata naman na wala siya sa mood kasi tinaboy niya yung whore kanina. Sayang nga eh hindi ako makaporma kasi kasama ko si Brea. Speaking of Brea hindi niya pa pala ako kinakausap simula pa kanina. Siguro nahiya siya sa ginawa niya kaya umiiwas siya. Hindi ko alam na possessive pala siya. At saka ang cute niya kapag nagseselos siya.
"Brea ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hindi na kasi ako makatiis kaya kinausap ko na siya.
"O-okay lang ako." nauutal na sagot niya. Napangiti na lang ako kasi ang cute niya kapag nagsstammering siya.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Nahahalata ko kasi na sa tuwing titingin ako sa kanya iiwas siya ng tingin. Kung hindi naman nahuhuli ko siyang palihim na tumitingin sa akin.
"H-hindi ah." tanggi niya sabay iwas ng tingin. Hay naku!!Tatanggi pa talaga siya eh halata naman sa kinikilos niya
"Kung dahil sa nangyari kanina wag mo ng isipin yun." sagot ko sa kanya.
"Ah. Nakakahiya kasi yung ginawa ko." sagot niya sa akin.
"Ano ka ba wala yun." sagot ko sa kanya. Agad namang lumiwanag ang mukha niya at nagsimula na rin siyang dumaldal. Maya-maya ay dumating na rin si Steve na mukhang pagod na pagod.
"Oh Brea ikaw ba yan? Ang sexy ah." puri ni Steve kay Brea.
"Thank you. Pwede na ba akong mag-apply na dancer?" tanong niya kay Steve sabay sayaw ng sexy dance. Napalunok ako ng tatlong beses sa ginawa niya. Fuck!! She's hot. Tinignan ko ang itsura nung dalawa at mukhang silang natuklaw na ahas dahil sa sobrang gulat.
"Tumigil ka nga diyan. Hindi mo bagay." sagot ko sabay hila sa kanya para umupo.
"Bakit naiinlove ka?" tukso niya sa akin. Mukhang tinamaan na siya sa ininom niya kanina. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Uminom na nga lang tayo." yaya ni Steve sabay bukas ng Jack Daniels.
"Oh nasaan na si Gian?" tanong ni Steve.
"Mukhang mainit ang ulo eh. Siguro umuwi na yun." sagot ni Kurt.
"Ah ganun ba. Ano na naman kayang problema ng gagong yun." sagot ni Steve habang nakahawak sa baba niya. Akala mo naman ang lalim ng iniisip niya.
Masaya kaming nagkwekwentuhan ng biglang may lumapit si Meynard sa table namin. Tinignan ko ang reaksyon ni Brea at nakatitig lang siya sa mukha ni Meynard. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil blangko lang ang mukha niya.
"Hey cutie pie. Anong ginagawa mo dito. Don't tell me hahabulin mo pa rin ako. Gusto mo bang makipagbalikan sa akin. Sorry wala na kasing bakante eh. Kung gus---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binuhusan siya ni Brea ng alak sa mukha. Ang kapal talaga ng mukha ng gagong to at nagawa niya pang magpakita kay Brea matapos niya siyang lokohin.
"Hindi kita hahabulin dahil una sa lahat may dangal ako. Pangalawa, maganda ako at higit sa lahat, hindi ako aso." sagot niya sabay takbo paalis. Sinundan ko siya at baka kung ano pang mangyari sa kanya. Bago ako umalis binigyan ko muna ng masamang tingin si Meynard. Tumakbo na ako palabas para maabutan ko si Brea. Pagdating ko sa labas nadatnan ko siyang nakaupo sa may bench.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.