Brea Honey Elezares
Maaga akong pumasok ngayon dahil may kailangan akong gawin sa library. Hindi ko pa kasi tapos yung debate namin ni Rusty. First period pa man din yun. Napansin ko lang na parang magmula ng pumasok kami dito sa Chamberlain Academy nagagawa kung pumasok ng maaga samantalang sa dati naming mga schools lagi akong late pumasok.
Speaking of late. Bakit wala pa yung lalaking yun. Ang usapan kasi namin 7 dapat nandito na kami, eh 7:30 na wala pa siya.
Naku malilintikan talaga sa akin yung lalaking yun.
Humanda siya, tatadtarin ko siya ng halik..chooss!! Wag ka ngang malandi Brea..
Okay lang maglandi wala naman si Athena kaya hindi ako mababatukan. Speaking of Athena kamusta na kaya yung sugat niya?
"Good morning bhe!! Kanina ka pa?" biglang sulpot ni Rusty habang nakangiti ng pagkatamis tamis.
Ano ba naman tong lalaking to bigla biglang sumusulpot parang kabute na tumubo sa tae ng kalabaw.HAHAHAHA!!
"Ay hindi kadarating ko lang. Actually nauna ka pa nga eh. Hindi kasi ako gumising ng maaga kaya hindi ako naligo ng malamig na tubig at saka nakapagbreakfast naman ako. Nakakahiya naman kasing paghintayin ka ng matagal." sarkastiko kong sagot.
Sana naman nagets niya para naman makonsensya siya.
Kahit na napakatamis ng ngiti niya hindi ko pa rin dapat kalimutan na pinaghintay niya ako. Ako yung babae tapos ako pa yung maghihintay.
Sabagay iba na panahon ngayon. Babae na rin kasi ang nangliligaw. HAHAHAHA!!!
"Ganun ba! Akala ko pa naman late na ako. Mas nauna pa pala ako kaysa sayo." sagot niya.
Anak ng.. ang slow nito. Natuturn-on pa man din ako sa lalaking mabilis makagets ng sarcasm.
"Wag kang mag-alala hindi ka late. Kasi super duper late ka. Kanina pa ako ditong 7:00 tapos ngayon ka lang darating. Alam mo bang gumising ako ng maaga at tiniis kung maligo ng malamig na tubig tapos hindi ako nakapagbreakfast para lang maka-abot ako ng 7 tapos pagdating ko dito wala akong dinatnan na kaluluwa mo." iritang sagot ko sa kanya.
Naiinis na talaga ako kasi iniexpect ko na magegets niya yung sinabi ko tapos yayayain niya akong kumain sa may cafeteria.
Yan kasi assuming ka. Kaya ka nasasaktan eh.
"Akala ko ba mas nauna ako kaysa sayo? Tapos sinasabi mong late ako ng thirty minutes?" takang tanong niya.
Grrrrrr.. Kung hindi ka lang cute kanina pa kita sinapatos.
"Ewan ko sayo." mataray na sagot ko sabay talikod.
Syempre kunwari galit para suyuin niya ako.
"Galit ka ba bhe?" malambing na tanong niya habang pinapaharap ako.
Oh my gosh!!! Kinikilig ako . Pigilan niyo ako at baka makalimutan ko na galit ako sa kanya at mahalikan ko ng wala sa oras.
"Bahala ka nga dyan." Mataray na sagot ko sabay alis. Pagkatalikod ko sumilay ang isang ngiti na kanina pa gustong lumabas. OMG ang cute niya talaga. Buti nga nakapagpigil pa ako kanina eh.
Pagkapasok ko sa room namin kaunti pa lang yung tao kaya nagsoundtrip muna ako. Tapos ko na naman yung debate namin eh.
Maya-maya dumating si Athena na patagilid ang hati ng buhok niya.
Anong trip nito. Suminghot na naman ba ito ng acetone?
"Hoy! Anong nakain mo at naisipan mong maghati nang buhok patagilid?" tanong ko pagkaupo niya.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Novela JuvenilI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.