Chapter 28

5 2 0
                                    

Athena Azumi Alameda

Hindi ako pumasok ng maaga ngayon dahil alam ko na ngayon yung counting of votes kaya sigurado ako na nasa gymnasium lahat ng estudyante kaya walang klase. Pagkadating ko sa gymnassium nag-umpisa na ang bilangan at nagulat ako ng makita na halos pantay ang score ni Joshua at Reneil. Ineexpect ko kasi na lamang si Joshua. Kahit kailan talaga napakakitid ng utak ng mga estudyante. Kahit naman manalo si Reneil akala ba nila matutupad yung mga sinabi niya nung rally? For sure hindi papayagan ng administration yun dahil una sa lahat isa lang yung malaking kalokohan na gawa ni Calocohan. Inilibot ko ang paningin ko sa gymnasium para hanapin sila Brea at Aluchi. Agad ko naman silang nakita dahil kumaway si Brea sa akin. As expected kasama na naman nila sila Gian kaya naman pumunta ako sa harapan para doon umupo. As expected bakante na naman ang first hanggang third row.

"President: Joshua Manansala
Vice President: Abby Park
Secretary: Laila Anselmo
Treasurer: Sabina Alcantara
Auditor: Ryle Rosario
Bus. Mngr.: Kyle Jang
P.R.O: Albert Martinez" basa ni Ally, and Vice President ng Council ngayon.

"President: Reneil Calocohan
Vice President: Hailey Santiago
Secretary:Invalid
Treasurer: Invalid
Blah...blah...blah...blah.." daldal ni Ally. Hanggang ngayon salitan lang ang pangalan ni Reneil at Joshua. Maliban sa pangalan ni Joshua at Reneil at ng iba pang candidate, puro Invalid ang naririrnig ko. Seriously,college students hindi pa alam bumuto? At saka bakit wala akong naririnig na pangalang Wisely at Straight. HAHAHAHAHA!!!!

"Sino kaya ang mananalo. Grabe dikit na dikit yung laban." rinig kung bulong ng isang estudyante sa likuran.

"Oo nga eh. Balita ko malaki ang ginastos ni Reneil" sagot naman nung isa. Alam ko na masama ang mag-eavesdrop pero mukhang interesting ang pinag-uusapan nila.

"Nakatanggap ka rin ba?" tanong nung isa. So, nanuhol pa talaga siya para lang manalo.

"Oo. Nakatanggap ako ng 1000. Eh ikaw magkanong natanggap mo?" sagot naman niya. Ganun ba talaga kadesperadong manalo si Reneil. Akala ko pa naman trip niya lang tumakbong Presidente.

"Isang libo rin." sagot niya. Wow ha ang yaman niya pinamimigay niya lang ang pera niya basta-basta. Dinonate na lang niya sana sa bahay ampunan nakatulong pa siya.

Tumingin ulit ako sa board at nakita na tie silang dalawa at iisa na lang ang balota na hindi pa nababasa. So ibig sabihin kung sinong ang nakasulat dun ay siyang panalo. Agad na natahimik ang lahat ng estudyante na akala mo ay hinihintay na mabanggit ang pangalan sa mga nakapasa sa finals.

"Ang babangitin kung pangalan ang siyang tatanghaling panalo." announce ni Ally. Lakas maka-Miss Universe. Baka mamaya may Ma-Columbia zone sa kanila.

"Our newly elected President is  no other than....(*drum rolls*)" ano ba naman yan may pabitin-bitin pang nalalaman akala mo naman National Election yung naganap.

"Ooppss!!Bakit hindi natin gawing exciting." biglang singit naman nung kasalukuyang President. Ano to game show? Bigla naman napabuntong hininga yung mga estudyante.

"Uunahin muna naming basahin yung P.R.O hanggang sa President." sagot niya. May nalalaman pa silang kung ano-ano.

"P.R.O: Albert Martinez
Bus.Mngr.: Kyle Jang
Auditor: Ryle Rosario
Treasurer: Sabina Alcantara
Secretary: Laila Anselmo
Vice President: Hailey Santiago
President:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Joshua Manansala." announce ni Ally. Agad namang naghiyawan ang mga estudyante. Hay!! Buti na lang at nanalo si Joshua. Pagkatapos ng final tally umalis na ako at dumiretso sa room para matulog. Hindi pa man din ako nakakapikit nagsidatingan na yung mga classmate ko kaya hindi na rin ako nakatulog dahil sa ingay nila.
"Hoy Athena bakit hindi ka nakitabi sa amin kanina?" tanong ni Brea.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon