Rusty Diaz
Tagumpay!! Tagumpay ang plano ko. Buti na lang at pumayag sila Brea na sumama sa mall. Plano ko kasi talaga na ipakita kay Brea na may ibang babae si Meynard. Alam ko kasi na everyday ang date niya. Buti na lang at Saturday ngayon kaya namang sigurado akong nandito sila sa Mall ng Girlfriend of the Day niya. Hindi nga ako nagkamali. Kaso may problema. Galit yata sa akin si Brea. Sinundan ko siya kanina ng magwalk-out siya kaya naman nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya. Buti na lang at may nakaharang na kotse sa likod ng kotse niya kaya naman naabutan ko pa siya.
"Alam mo ba to?"walang ganang tanong ulit niya. Akala ko ba tapos na siya sa tanong na yan. Sasagutin ko na nga dahil alam ko na may pagkamakulit tong babaeng to.
"Oo, planado lahat." sagot ko. Magaling ba akong magplano? Pwede na ba akong maging Break-up Planner.
"Kailan pa?" mangiyak-ngiyak na tanong niya.Iiyak na naman ba siya. Malamang Rusty. Anong iniexpect mo tumawa siya kasi niloko siya?Kasalanan ko pa yata kung bakit siya umiiyak.
"Last week lang. Noong Saturday." sagot ko. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil ayaw kung makita ang malulungkot niyang mga mata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya. Mas maganda kasi kung ikaw mismo ang makakita ng kagaguhan ni Meynard. Kapag sinabi ko kasi baka hindi ka maniwala sa akin. Kaya mas mabuti ng makita mismo ng dalawang mata niya para matibay ang ibedensya.
"Ayaw kitang masaktan." sagot ko. Potek!! Gasgas na yata yang linyang yan. Alam ko na ang isasagot niya.
"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon." sagot niya habang umiiyak. Sabi sa inyo diba. Alam ko din naman na ayan din ang nasa isip niyo.
"Sorry. Hindi ko sinasadya." sagot ko. Sinadya ko nga pala talaga pero hindi ko sinasadya na masaktan siya.
"Pwede bang ihatid mo na lang ako." sagot niya sabay sandal sa bintana. Sana ako na lang yung bintana para sa akin siya ngayon nakasandal.
"Okay." sagot ko sabay andar ng kotse.
Habang nasa byahe kami, tahimik lang siyang umiiyak habang nakasandal ang ulo sa may bintana. Hanggang makarating kami sa bahay nila umiiyak pa rin siya. Matagal na nga kaming nakahinto sa tapat ng bahay nila pero hindi pa rin siya bumababa.
"Kung kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako." basag ko sa katahimikan. Baka kasi makatulog na ito dahil sa sobrang iyak.
"May mali ba sa akin?" tanong niya habang nakatingin sa akin at walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat patak ng luha niya.
"Walang mali sa iyo. Siya ang may mali dahil sinaktan niya ang isang tulad mo." sagot ko. Wala naman kasing mali sa kanya. Hindi naman kasi siya test paper kaya wala siyang mali. Joke!! Pero totoo, wala talagang mali sa kanya. Sadyang may sayad lang talaga yung Meynard na yun. Siya lang ang may sayad ah. Hindi ako kasama. Hindi porket pinsan ko siya may sayad na rin ako.
"Salamat ha." sagot niya. Salamat saan? Wala naman akong maalala na may binigay ako sa kanya kaya bakit siya nagpapasalamat.
"Para saan?" tanong ko.Sa pagpaparealize na gago si Meynard? O sa paghatid ko sayo.
"Sa pagpapa realize na ang tanga ko pala."sagot niya habang tumatawa na umiiyak. Nakakabaliw ba talaga ang matinding kalungkutan? Kaya pala marami ang nababaliw pagkatapos nang breakup nila.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Teen FictionI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.