Kurt Dalton
Kakatapos lang ng midterm exam namin kaya naman balik na rin sa dati ang mga estudyante. Kanya kanyang mundo na rin sila. Marami na nga hindi na pumasok dahil sabi daw nila rest day daw nila. Ano yun employee sila.. Hahahaha!! Kakatapos lang ng klase namin ng umaga kaya naman nandito kami ngayon sa cafeteria at naglulunch.
"So are you ready for tonight?" tanong ko kay Aluchi. Napansin ko kasi na ang tahimik nila at mukhang wala ni isa sa kanila ang may balak na magsalita. Kaya naman ako na ang nagvolunteer na mag-start ng conversation. Si Steve busy sa carbonara niya. Si Gian hindi tinutopak kaya tahimik lang na kumakain. Si Athena busy sa phone niya. Yung dalawa naman mukhang may LQ. Si Aluchi ko naman nakikigaya lang sa kanila. Kung alam ko lang kating-kati na siyang magdaldal at magmaldita.
"What are you talking about?" inis na tanong niya.
Gustong-gusto ko talaga kapag naiinis ko siya. Mukha kasi siyang galit na dragon na handang magbuga ng apoy kahit anong oras.
"About our date." sagot ko sa kanya. Yung galit niyang mukha kanina mas lalo pang dumoble. Pero kahit mukha na siyang galit na dragon cute pa rin siya. Gusto ko nga siyang kidnapin at gawing keychain.. Hahaha!!
Ano daw?? Parang ang baklang pakinggan. Haha!!
"DATE?? No I'm not going out with you." mataray na sagot niya. Ayan na, malapit na siyang magbuga ng apoy. Inemphasis niya talaga yung DATE dahil galit na galit talaga siya. Haha!!
"Whether you like it or not WE WILL HAVE A DATE." sagot ko sa kanya. Nilakas ka talaga yung WE WILL HAVE A DATE para marinig ng buong campus. Haha!! Tulad nga ng inaasahan ko tumungin ang lahat ng nasa canteen sa part namin. ATTENTION SEEKER LANG!! Haha!!
"Whatever." sigaw niya sabay alis. Pikon talaga kahit kailan.
"Hey Aluchi!! Where are you going?" tanong ko sa kanya. Hindi man ang siya lumingon at dire-diretso lang sa paglalakad.
"Hey Rusty baka magtae ka diyan ha. Dahan-dahan lang." pansin ko kay Rusty at baka sakaling kausapin niya ako. Pero tulad ng inaasahan ko wala akong nakuha kahit isang tingin man lang. Concern lang naman ako sa kanya. Paano kasi kung ano-ano ang kinakain. May yogurt, hamburger,ice cream, milk tea, at buko shake. Naglilihi ba tong lalaking to.
"Guys. Wala ba talaga kayong balak magsalita?" tanong ko sa kanila. Hindi kasi ako sanay na ganito sila.
Ano to library?? SILENCE PLEASE!!
"Wala naman tayong dapat pag-usapan. At saka kumakain tayo kaya dapat hindi tayo nagdadaldalan. Hindi mo ba alam yung Good Manners and Right Conduct na sinasabi nila??" sagot ni Steve. Makapagsalita naman tong lalaking to eh dati naman siya pa yung unang nagdadaldal.
"Wow ha!! Nagsalita ang may manners. Ang sabihin mo naubusan ka ng kwento." sagot ko sa kanya.
"Next week na pala yung foundation day natin." sagot niya. Aba change topic agad ganun.
"Oo nga. Sa friday na pala yun." sagot ko na lang. Makakabawi rin ako sayo pagdating ng araw. Pwede na rin siyang patiyagaan kausapin kaysa naman wala akong makausap.
"Oo. So ibig sabihin wala tayong klase ng isang linggo." masayang sagot niya. Kapag walang klase talaga ang usapan nabubuhay ang dugo niya.
"Anong nangyayari tuwing foundation day?" tanong ni Athena. Hay naku! Foundation day lang pala ang makakapag-imik sa kanila. Edi sana kanina ko pa inopen. Haha!!
"Maraming activities ang ginaganap at ang pinakaexciting sa lahat ay ang Battle for Gender." sagot ni Steve.
"Battle for Gender??" tanong niya. Oo nga pala kakatransfer pa lang nila kaya hindi pa nila alam.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Ficção AdolescenteI love you, but I hate you. I miss you, but I'm better off without you. I want you out of my life,but I never want to let you go.