Chapter 7

20 4 0
                                    

Laurence Grey

Nandito ako ngayon sa bahay nila Athena. Bahay niya lang pala kasi siya lang mag-isa. Hinatid ko siya dahil sa nangyari sa kanya. Naglakad nga kami eh kaya naiwan yung kotse ko sa school. Ipapakuha na lang siguro sa driver namin. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang sumakay sa kotse.  Mukha naman siyang mayaman eh kaya sigurado akong alam niya kung paano sumakay sa kotse.

"Bakit ba kasi naglaro ka ng volleyball eh may hika ka?" sermon ko sa kanya habang nakaupo kami sa harap ng gate nila. May balak ba siyang magpakamatay?

"Eh minsan lang naman ako atakihin eh. Hindi ko naman alam na aatakihin ako eh. At saka okay na naman ako eh." sagot niya. Aba nag dahilan pa siya ah. Hindi din kasi niya alam kung kailan siya mamamatay. Paano na lang kung oras na pala niya kanina. Bakit masyado akong concern sa kanya? Syempre mamahalin ko pa siya eh. Ano ba yan ang corny ko naman.

"Halos mamatay ka nga sa kakahabol ng hininga mo kanina." sagot ko.

"Pasok nga muna tayo." yaya niya. Buti at naisipan niyang yayain ako sa loob.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko sabay upo sa sofa. Halata mo kasing tahimik masyado yung bahay niya. 

"Wala akong kasama eh." sagot niya. Aba pilosopo talaga. Syempre kapag mag-isa mo lang wala ka talagang kasama. 

"Wala ka bang maid?" tanong ko. 

"Meron. Pero tuwing weekends lang siya lang siya pumunta dito." sagot niya.

"Ahy, ganun ba." sagot ko. "Wala ka bang kapatid?" tanong ko.

"Meron. Kaso nasa malayo sila kasama sila kuya at ang papa ko." sagot niya.

"Ahy. Eh bakit hindi ka nila kasama?" tanong ko. 

"Hindi kasi pwede eh. Hindi ko pa kasi oras." sagot niya. Sa totoo lang hindi ko nagets yung sinabi niya.

"Pwede ka ba bukas?" tanong ko. Sana pwede siya

"Oo bakit?" tanong niya. Yessssss!!!! 

"Pasyal naman tayo."sagot ko. Sana pumayag siya.

"Sige ba basta libre mo at maglalakad tayo."sagot niya. Bakit ba ang hilig niyang maglakad. 

"Sumakay na lang tayo." sagot ko. May kotse naman kasi ako eh.

"Ayaw ko." sagot niya.

"Sige na kasi. Sumakay na lang tayo."  pilit ko. Ang sakit kaya sa paa. Akala mo naman may alay lakad.

"Mamasyal ka mag-isa mo." sagot niya.

"Sabi ko nga maglalakad tayo." sagot ko. Syempre para pumayag siya. 

"Oh siya. Lumayas ka na at gumagabi na." taboy niya sa akin. Pwede naman akong matulog dito eh. 

"Sige na nga. Bukas ah sunduin kita." sagot ko. Baka mamaya sipain pa ako nito palabas ng pamamahay niya.

"Hindi na kita ihahatid. Alam mo naman na siguro ang daan pauwi sa inyo." sagot niya. Syempre anong akala nito sa akin 2 years old pa.

"Opo." sagot ko sabay labas.

Athena Azumi Alameda

Hay naku nakakapagod ang araw na ito. Pagkaalis ni Laurence kumain na ako. May lakad nga pala kami ni Laurence bukas.

"Hello Selene. Gutom ka na ba?" tanong ko sa aso ko. Asa naman ako na sasagot ito. Baka mamaya bigla itong magsalita.

Pinakain ko na si Selene at pinaliguan. Pagkatapos ay ginawa ko na nga ang mga assignment ko. Hay naku nakakapagod naman mag-aral. Bakit kasi kailangan pang mag-aral.  

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon