Pahina VIII
Start:
Tapos na ang mall show nila at ngayon nga nakapila na kami dito sa gilid ng stage kung saan nakalocate ang album signing ng mga FD. Maraming nakapila at talagang siksikan. Mabuti na lang at limang tao na lang susunod na ako.
Kinakabahan ako, pero siguro naman hindi na ako matandaan ni Jack. Baka hindi na niya natandaan na nahawakan ko ang 'ano' niya.
Nakakahiya pero shitness overload. Naramdaman kong malaki yun!
Di ko talaga inaasahan yun.
Naku!
Malapit na ako,
Nang ako na ang sumunod ay napansin kong nakatungo pa si Jack myloves
"J-jack," nauutal kong tawag sa atensyon niya.
"Where?" tanong patukoy dun sa CD na pinipirmahan nila.
"A-ah. Oo!" sagot ko at agad na hinalungkat ang shoulder bag ko para kunin ang CD ko.
Nang mailabas ko to ay agad kong iniharap sa kanya para kuhanin niya. Ngunit nagtaka ako ng makarinig ako ng samu't-saring bulungan at mahihinang tawanan.
"I-ito." ani ko na lang at agad na ibinaling ang atensyon kay Jack na taimtim na nakatingin sa akin na para bang inaalala niya kung saan niya ako nakita.
"Yak, pirated and CD ni Ateng!"
"Ang poor naman."
"Hindi na nahiya, lakas ng loob ipapirma ang pirated na CD?"
Sari-saring bulungan at doon ko lang narealize kung ano ang tinutukoy nila.
At lalo akong nakaramdam ng hiya ng magsalita si Drew na katabi ni Jack.
"Siya yung babaeng nakahawak sayo, right?" anito habang nakangisi.
Nakita ko rin ang bahagyang pagngisi ni Jack myloves, "Miss touchy." anito na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Shit!
Agad akong nakaramdam ng hiya at akmang tatalikod na nang hawakan ni Jack ang wrist ko at agad na pinirmahan ang CD na hawak ko.
"You're really a fan of us." ngisi nito.
Agad napalaki ang mata ko ng marealize ko ang sinabi niya.
"M-mister hikain?" biglang bigkas ko.
"Mister-what?" kunot-noong tanong nito hindi pa nakaligtas sa akin ang pagtawa ng mahina ni Drew. Sheeeeeeeeeet!
"W-wala," deny ko at tatalikod na sana ng marinig ko ang usapan ng dalawa.
"So, you're staying here until next week?" tanong ni Drew kay Jack.
"Yeah, gagamitin ko yung condo ni Jassy." patukoy nito sa kapatid niya.
Pero, wait? Ano daw? Mage-stay siya rito ng 1 week?
Agad na sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ko bago tuluyang umalis. Nakapag-desisyon na ako.
Kailangan kong makasiping si Jack hangga't hindi pa siya bumabalik sa Makati.
Hintayin mo lang Jack...
Mapapasakin ka rin.
--------x
> "
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
General Fiction"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17