Pahina XXXIV

6.5K 110 9
                                    

Pahina XXXIV:

Start:

"Nay, handa na po ba yung mga dadalhing pagkain?" tanong ko kay nanay habang inaayos sa isang bag pack ang mga damit at towel ni Clifan.

"Ilalagay ko pa lang sa mga tupper wares. Kunin mo na muna yung mga ginrocery niyo ni Jack na junk foods sa kwarto niyo," ani nito bago dumiretsong kusina.

Magbe-beach kasi kami. May beach kasi rito na medyo malayo saamin. Sa San Fabian beach. Medyo malayo dahil Mangaldan ang exact location namin.

Akmang pupunta na ako ng kwarto at iwan ang inaayos ko ng pumasok si Jack na galing sa labas kasama sina Miko para dalhin ang ibang gamit sa SUV ni Jack.

Pinasadahan ko ng tingin si Jack na naka-beach shorts lang na dark blue at sleeveless na gray. Naka aviators  din ito at may nakasabit sa leeg na DSLR Cannon.

"Are you done?" tanong nito habang nakatitig sa akin na naging dahilan para mapa-iwas ako ng tingin dahil sa naalala nung nakaraang araw. Namumula tuloy pisngi ko .

"K-kunin ko lang yung junkfoods sa kwarto." nautal na ani ko.

"Ako nalang. Ayusin mo na lang ang gamig ni Clif.." nakangising aniya bago pumasok ng kwarto at kunin ang tatlong malalaking grocery bags

Sakto rin ang paglabas ni Nanay dala ang paper bags kung saan nakalagay ang mga dadalhing ulam at kanin pati na rin ang mga desserts.

Akamg tutulungan ko na si Nanay ng magsisigaw si Kuya Sandro habang tumatakbo papasok.

"Andrea!" tawag ni kuya sa akin.

Kunot-noo ko naman itong tinignan. Pati si Nanay ay nagtatakang nakatingin kay kuya na katulad ni Jack ay naka-beach shorts na rin ito pero naka tee.

Huminga ito ng malalim. "Sina-----" naputol ang sasabihin ni kuya ng may magsisigaw galing sa labas ng bahay na nagpamilog sa mata at bibig ko.

"ANDEEEEEEENG!!"

"ACKK! BRUHA! LUMABAS KA DIYAAAAN!"

Agad akong napatakbo sa labas habang namamasa ang mga mata sa nagbabadyang luha dahil sa saya! Kitang-kita ko kung paano kumapit si Lesy kay Jack na kunot-noong nakaupo sa hood ng kotse habang si Kikay naman ay namimilog din ang mga matang palipat-lipat sa aming dalawa ni Jack.

"Andeeeeyyyng!" matinis ang boses na sigaw ni Lesy na imbes na yumakap sa akin ay si Jack ang sobra pa niyang niyakap.

Hindi ko alam kong mate-tears of joy ako o tears of anger!

Agad akong lumapit sa kanila. Agad akong niyakap ni Kikay bago ako bumaling kay Lesy.

"Huy, libag!" taas ang isang kilay na sambit ko.

"Andeyng naman!" anito bago ngumuso.

Hindi ko pinansin ang inakto niya at agad na inilayo si Jack sa kanya bago itago siya sa likuran ko!

"Libag naman! Ngayon na nga lang nagpakita libag este nilandi mo agad ang myloves ko?" bahagya ko pang narinig ang pigil na tawa ni Jack bago tumikhim.

"Andeyng naman! Ngayon ka na nga lang namin makikita at balak na isorpresa tapos kami pala masusurprise? Aaack! Bakit nandito si Jack?!" parang hindi makapaniwalang sambit nito kaya napakagat labi na lamang ako.

"Bwesit ka, Andeng! Ginayuma mo ba siya habang wala kami?" bulong ni Kikay.

Akmang sasagot na ako ng biglang sumulpot si Clifan. Nagtataka naman nilang binalingan ito.

"Mama! Hindi ko ba dadalhin mga toys ko?" tanong nito bago bumaling kay Jack na agad siyang binuhat, "Ikaw bahala, anak.." si Jack na ang sumagot.

"ANAK!?" agad akong napapikit dahil sa lakas na sigaw nila Lesy at Kikay na laglag at pangang nakatingin sa mag-ama ko.

"A-andeng....p-paki-explain..." tulalang ani ni Kikay.

"Labyo.." dugtong ni Lesy.

Halos mayanig ang buong pagkatao ko dahil sa panay na pagyugyog sa akin nila Lesy at Kikay ng maikwento ko sa kanila lahat.

Bigla silang mangingisay, magsisigaw at tutulala na parang pinoproseso ang lahat ng kinwento ko.

"So, san punta niyo?" tanong nga nakabawing si Kikay ng makita ang mga bags namin na dadalhin sa beach.

"San Fabian beach.." sagot ko.

Agad akong napakagat labi ng magliwanag ang mukha ng dalawa.

"Sama kami!" sigaw nilang dalawa.

Kasama namin ni Jack dito sa SUV niya sina nanay at Miko habang si Kuya Sandro naman at Clifan ay nasa kotse ni Lesy. Gusto raw kasi nilang makasama si Clifan habang si Kuya naman ay naging driver nila.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na byahe dahil nag stop over pa kami ng ilang beses ay nakarating na rin kami sa wakas.

Nang buksan ko ang bintana ng kotse habang umaandar pa rin ito para makahanap ng cottage ng mapansing iilan lang ang tao. July na kasi ngayon at tag-ulan na kaya kaunti na lang nagb-beach.

Mabuti narin iyon para hindi dumugin si Jack.

--------------------x
Nagbalik na sina Kikay at Libag----este Lesy. Ghahaha.

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon