Pahina XXIX

5.6K 136 6
                                    

Pahina XXIX:

Start:

Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa mga sinabi ni Jack. Basta ang alam ko lang ay napako ako sa kinatatayuan ko mismo habang nakahilig ang noo ni Jack sa balikat ko.

Parang tinatambol ang puso ko habang pinoproseso lahat ng sinabi niya. Ayokong maniwala pero alam ko sa sarili ko na umaasa ako na totoo iyon. Dahil gaya ng sinabi ko ay mahal ko pa rin ito. Hindi pa rin nababawasan ang nararamdaman ko sa kanya kahit ilang taon na ang nagdaan.


"J-jack." utal na sambit ko at akmang itutulak siya palayo ng higpitan pa lalo nito ang pagpulupot sa bewang ko.

"Don't push me, Andrea. Patas na tayo ngayon. Kung ako ipinulupot tong kamay sa bewang mo baka gusto mong ipaalala ko sayo kung paano mo ipulupot ang paa mo sa bewang ko.." ramdam ko ang pagngsi nito habang sinasabi ang mga iyon na nagpataas ng balahibo sa katawan ko.

"A-ang bastos mo," nag-iinit ang pisnge'ng sambit ko ng maalala ang ginawa sa kanya noon.

Susme, Andeng! Ang halay mo na naman!

"Seriously, Andrea..I'm sorry. I'm sorry dahil hindi ko kayo nasubaybayan ni Clifan. Sorry kung hindi kita hinanap agad. Sorry sa pagtrato ko sayo noon. But, believe me baby. Ginawa ko lang yun dahil alam ko sa sarili ko na gusto kitang igalang. Ayokong yung desisyon mong ibigay sa akin ang pagkatao mo kaya nagpahard to get ako sayo. Fuck, baby. I'm inlove with you with that time! Pinipilit kong umiwas sayo tapos ikaw naman itong lapit ng lapit at nagbulontaryo pang ibigay ang sarili mo.." nahihirapang paliwanag nito na nagpasikit sa dibdib ko.

Malaya ko na ring pinakawalan ang mga masasaganang luha sa mga mata ko dahil parang hinahaplos ang puso ko.

"Fuck, Andrea. Hindi ako Santo para tanggihan ka lalo na ng gabing iyon. Dahil agad akong nag anyong Demonyong nag-init ng todo ng maramdaman ko ang labi mo sa labi ko.." hingal na sambit nito na nagpa init sa pisngi ko.

Ang halay ni Jack!

"Nagsisisi akong hindi kita agad hinanap ng araw na yun pero maniwala ka. Halos mabaliw ako ng magising ako ng wala ka sa tabi ko...binaliw mo ako Andrea.." pag-amin nito bago ako lalong idiin sa katawan niya na nagpainit na naman sa mukha ko.


"Sorry..." nasabi ko na lang. Sa mga sinabi niya ay parang nabuhusan ako ng reyalisasyon.

Ako, ako ng may kasalanan ng lahat. Ako dapat ang humingi ng tawad. Wala siyang ginawang masama. Ipinapalayo na niya ako noon ngunit pilit pa rin ako lumalapit sakanya. Ako ang dahilan kong bakit hindi natupad ang pangarap kong makapagtapos. Hindi rin kasalanan ni Jack kong natalo ang mayor sa halalan at matanggalan ng skolar. Ako ang may kasalanan hindi si Jack.


Sa kaisipang iyon ay agad akong napayakap kay Jack na nagpatigil sa kanya dahil sa gulat.


Papatawarin ko si Jack. Alang-alang kay  Clifan. Tatanggapin ko si Jack para kay Clifan. Alam ko rin na gagawin ko ang mga iyan dahil sa mahal ko pa rin siya hangang ngayon.

"Sorry..." hinging tawad ko bago magpakawala ng mahinang hikbi.

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko na nagpagaan ng loob ko.


"Sssh. No, baby. Ako dapat ang magsabi niyan sayo...lalo na sa anak natin," anak namin. Parang hinaplos ang puso ko ng marinig ang sinabi nito. Kung sabihin nito ang mga katagang 'anak natin' ay parang pinagmamalaki niya ito.


"Kamukhang-kamukha mo si  Clifan, Jack.." mangiyak-ngiyak na sambit ko ng bumitaw ito s pagkakayakap ang sakupin ag dalawang pisgi ko.

Bahagya kong tinitigan ito ng mag-iwas ito ng tingin at parang namumula.

Kagat ang labing tumingin ito saakin habng pinipigilan ang pag ngiti.

"Mas gwapo siya sakin." nakangiti ng sambit nito.

Akmang tatango na ako ng magsalita ulit ito.


"Sino yung lalakeng nakatira dito? Manliligaw mo ba?" kung kanina ay parang kumikislap ang mga mata nito sa saya ay parang nagdidilim na ngayon dahil sa galit.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito, "ha?"

Bahagya nitong inalis ang pagsalikop sa pisngi ko bago nameywang sa harapan ko na parang isang Diyos. Jusme! Bakit ganito ka-hot tong magalit? Parang model ng magazine!


"Tsaka sinong damit tong suot ko? Sa kanya ba?" taas ang isang sulok ng labing sambit nito na nagpalaglag ng panga ko!

Si Kuya Sandro ba ang tinutukoy nito?!


Hindi ko alam kong matatawa ako o ano.

Kita ko ang pag-igting ng mga panga nito.

Akmang sasagot na ako ng, "Ande-----" naputol ang sasabihin ni kuya ng makita ni Jack dito sa kwarto.

Kunot noo si kuyang palipat lipat ang tingin sa amin.

"Siya ba yung sinasabi ni nanay, Andeng?"

"Ito ba ang pinagpalit mo sa akin, Andrea?"

Agad akong napaface palm ng sabay nila itong sinabi at magtitigan ng masama.

Salubong ang kilay na hinarap ko si Kuya. Nabanggit na siguro sa kanya ni Nanay ang tungkol kay Jack.

"Oo. Si Jack. Ama ni Clifan.." pakilala ko nakita ko sa sulok ng mata ko kong paano maningkit ang mga mata ni Jack sa sinabi na parang nagtataka sa sinabi ko.

"Hindi kita pinagpalit, Jack. Wag tanga. Kuya Sandro ko siya.." pakilala ko kay Kuya na nagpalaglag sa panga ni Jack.

"W-w-what? All this time! Pinagse----ugh! Fuck!" frustrated na sambit nito na nagpakunot sa noo ko.

"Kain na tayo...Andrea at uh Pre.." alanganing sambit ni Kuya bago lumabas.


"Tara na. Ipapakilala kita sa anak mo.." sambit ko bago higitin ng kamay nito. Napahinto pa ako ng huminto ito

Tinitigan niya muna ako bago sabihing, "Natin, Andrea. Anak natin..." maawtoridad na ani niya.


---------------x
Oh yan! Bati na sila! Guys, nanaman. Alam kong hindi ito tulad ng ibang kwento na matagal pa bago mag bati o ano. Hindi ko gusto yung iisa lang ang isyu at problema. Hindi porket nagbati na sila ay malapit nag mag ending. Dahil narin sa gusto ng marami ay baka habaan ko ba ito at umabit tayo ng hanggang pahina 40 or 50. Basta mahaba pa. Sa mga silent readers jan! Lumabas na kayo. Improvement naman guys! Effort lang sa pagcomment satisfied na ko. Jusme.

-Madam

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon