Pahina XX

5.6K 131 1
                                    

  Start:

"Sige na, nak. Magbihis ka na. Naghihintay na ang Tito Sandro mo." sabi ko sa anak kong kakatapos lang pinaliguan at nakatapis lang ng twalya.

Isang linggo na rin ang lumipas ng mangyari yung tampo sa akin ni Clifan. Linggo ngayon kaya gusto ko sanang ipasyal si Clifan dahil kakakuha ko lang din sa sweldo ko kahapon.

"Opo mama" masayang ani nito bago nagtatakbo papunta sa kwarto.

"Wag magtatakbo, nak!" sigaw habang nagsusuklay ng buhok.

Pagkatapos mag suklay ay pumasok ako sa kwarto at nakitang nagdadamit na si Clifan.

Imbes na pumunta sa kanya ay dumiretso ako papunta sa may drawer box para kunin yung baby powder sa ibabaw.

Nakita ko ang pagyuko ni Clifan para kunin ang sapatos sa ilalim ng kama. Napapangiti ako habang nakatingin sa bawat kilos ng anak ko.

Batang bata pa pero alam ng gumawa ng maraming bagay. Responsable at sobra pang magalang.

Mag-aanim na taon pa lang pero ang laki ng bata. Mana talaga kay Jack ang laki ng katawan, jusko.

"Ako na magsusuot sayo niyan nak. Lapit ka rito, lagyan ko ng pulbos likod ko." ani ko na agad naman niyang sinunod.

Sa suot nitong sweat shirt na iniregalo sa kanya ni Mandy at maong short ay umaapaw ang kulay ng balat niya. Sobrang puti at halos walang makitang gasgas ang katawan o kagat ng lamok.

Sobra ang pag-aalaga ko sa anak ko. Matisod lang ito ay natatakot na ako. Masugatan lang ng maliit ay grabe na ang kaba ako. Lalo na kapag nilalagnat habang naiiyak halos idasal ko sa lahat ng santo na sa akin nalang ilipat ang sakit niya. Mahirapan na ako't lahat wag lang siya.

Bago ko siya pulbusan ay humarap sa akin ito ang hinalikan uli ako sa labi.

"Salamat, Mama.." nangingiting ani niya

Agad ko naman itong kinandong bago hinalikan sa sentido

"Sweet naman ng baby Clifan ko.." masuyong sabi ko.

Pagkatapos niyang isuot ang kanyang sapatos ay agad na kaming lumabas para pumuntang jeep. Magsisimba muna kami bago dumiretso sa isang mall para maggrocery at ibilhan na rin ng damit ang anak ko.

Pagkatapos naming magsimba nila kuya Sandro ay dumiretso na kami sa hindi kalakihang mall dito sa may bayan.

Nang nasa may mall na kami ay agad na nagpabuhat si Clifan kay kuya Sandro dahil pagod na raw ito.

Habang nagbabayad na sa may counter ay namataan ko si Kuya na papalapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot ng makita ang kaba sa mukha nito.

"A-andeng..andito si Clifan?" pilit na pinapakalma ang sariling tanong nito na nagpalakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Kanina ang ay nagpaalam sina kuya na pupunta muna sila sa men's room.

"K-kuya. Wala..." kinakabahang ani ko bago buhatin ang pinamili ko na agad din namang kinuha ni kuya para iwan muna sa taga bantay ng gamit.

"A-akala ko pumunta sayo.. akala ko kasama mo. Paglabas ko ng cr wala na siya eh," kabadong paliwanag ni kuya.

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga pisngi ko dahil sa luha

."K-kuya baka mawala ang anak ko. Andami pa namang tao ngayon.." ani ko sa nanginginig na boses.

Diyos ko. Hindi sana malagay sa kapahamakan ang anak ko, taimtim kong dasal.

Ilang beses na kaming nagtanong tanong sa iba pero wala raw silang nakita hanggang sa makarating kami ni kuya sa second floor ng mall at halos manlumo ako ng makitang sobrang daming tao at nag-iingayan sa may center mall. Mukhang may mall show pa. Baka mabunggo ang anak ko at maipit sa maraming tao.

Akmang lalapit at magtatanong ako sa mga tao doon ng marinig ko ang boses ni Clifan sa mic na galing sa stage na pinapalibutan ngayon. Halos hindi ko pa makita dahil sa dami ng tao.

"Nawawala po ako. Hindi ko mahanap ang mama ko.." basag ang boses na ani ng anak ko.

"Tabi! A-anak ko yang nasa stage!" ani ko habang naririnig ang hikbi ni Clifan

Hinahawi ko naman ang bawat taong nadadaanan ko habang naliligo sa sariling luha

"Clifan!" sigaw ko ng makita ko siya dahil sa saya ngunit agad ding nawala iyon ng makita kong sino ang may buhat sa anak ko na mariing nakatingin sa akin.

Sa sobrang kaba ay agad akong lumapit sa may stage at kinuha ang anak ko sa kanya habang hindi makatingin sa mga mata niyang titig na titig sa akin noon.

"Mama!" sigaw pa ni Clifan bago yumakap sa akin. Ramdam ko ang titig sa amin ng mga tao sa paligid. Shit.

Bababa na sana ako ng marinig ko ang sinabi ng lalaking sobrang nagpalakas ng tibok ng puso ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko

"Andrea..." mahinang bulong ni Jack na nagpataas ng balahibo sa buong katawan ko.

------------x  

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon