Pahina XI
Start:
Ilang minuto pa akong natulala dito sa may elevator habang pinoproseso ang nangyari nang magdesisyon akong sundan si Jack.
Akmang papasok na siya doon sa isang room na malapit lang sa kwarto ni Lessy ay tinakbo ko ito at hinawakan sa balikat.
Halata naman sa mukha nito ang pagkairita nang lingunin niya ako.
"J-j-jack.." banggit ko sa pangalan niya
"Ano pang kailangan mo?" parang nabubury nitong tanong.
"A-ano.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
"What?" naiiritang tanong niya.
"G-gusto kita." sagot ko habang kinakabahan.
"So, my instinct is right?" nakangising tanong nito.
Napatungo na lang ako nang makaramdam ako ng hiya. Ngayon ko lang talaga nagawa 'to sa buong buhay ko. Ang maghabol sa isang lalaki.
Kadalasan kasi ay ako ang hinahabol. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero maganda ako. May lahi kasing espanyol ang ama ko. Naging mahirap lang kami dahil itinakwil siya ng lola namin dahil nag-asawa ito ng isang mahirap.
Gwapo ang tatay ko kaya namana ko ito sa kanya pati na rin kay nanay. May balingkinitan akong katawan at may laman ang dibdib. Maputi rin ako at may matangos na itong at mahahabang pilik mata. May kakapalan rin ang kilay ko na natural ang pagkaperpekto ng hugis at may natural na kulay kayumangging buhok na may kahabaan at kaunting kulot sa dulo.
Marami ngang hindi naniniwalang mahirap lang ako dahil maganda ako. Hindi talaga ako nagbubuhat ng sariling bangko. Promise. (Sarcasm)
"So ano pang kailangan mo?" tanong ulit ni Jack.
Kinakabahan man pero ito na 'to! Wala ng atrasan to! It's now or never!
"Gusto kong maangkin mo, Jack." tigtig sa matang sabi ko.
Kaagad na bumalot ang gulat sa mukha nito.
"W-what are you saying? Are you crazy?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Make love to me, Jack Smith." Buo ang desisyong sagot ko.
"No." mariing sabi nito bago tuluyang pumasok sa loob.
Naku naman!
"Hayaan mo, Andeng. May apat na araw pa." pangungumbinsi ko sa sarili.
Mission failed.
------x
Violent reaction? Haha. Ang susunod na pahina ay SPG. Kailangan mo muna akong i-follow para mabasa ito. Unfollow niyo nalang ako kung gusto ko niyo kapag tapos na.
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
Fiksi Umum"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17