Pahina XIV

6K 120 3
                                    

Pahina XIV


Start:

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko ngunit wala akong makapa na pagsisisi.

Kung may pagsisihan man ako yun ay ang hindi ko muna tinupad ang pangarap sa akin ni Inay.

Pero wala na eh. Nangyari na.

Buntis na ako.

May laman na ang sinapupunan ko. At ang laman noon ang ang magiging anak ko na galing sa dugo naming dalawa ni Jack.

Ito yung pangarap ko noon eh. Pero bakit hindi ako naging lubusang masaya ng matupad ko ito? Dahil ba sa hindi ko natupad ang pangarap sa akin ni Inay o dahil alam kong hindi ko siya makakasamang palakihin ang anak naming dalawa?

Pinipigilan ang luha ng makasakay ako dito sa bus habang hawak ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

Uuwi na ako sa amin dahil wala na rin lang akong matutuluyan sa Maynila. Hindi rin alam ni Nanay na wala na akong scholar.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kapatid ko lalo na si Inay na ganito ang sitwasyon.

Umalis ako nang may kumpyansa sa sarili at nangakong pagbalik ay iaahon ko sila sa hirap pero anong nangyari? Uuwi lang din ako ng wala kahit na anong maipagmamalaki at ang isa pa roon ay nagpabuntis pa ako sa isang lalaking alam kong hindi mapapasakin.

Diyos ko po. Bakit ngayon pang nagproseso sa akin lahat? Bakit ngayon ko lang napagtanto ang mga makasariling ginawa ko?

Ito na ba ang karma ko sa pagpipilit kay Jack at pagiging desperada sa makasarili kong pangarap?

Kung maibabalik ko lang ang kahapon.

Sana....sana hindi ko na lang siya nakilala at pinaghahabol noon.

Sana hindi na lang kita nakilala, Jack.

Pero hindi ko pinagsisihan ang nasa sinapupunan ko ngayon.

Napahawak ako sa tiyan ko nang magsimula ng umandar ang bus.

"I'm sorry anak. Pero pangako, aalagaan at mamahalin kita. Higit pa sa sarili ko." pangako ko rito.

-----x

What can you say?

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon