Pahina XXV:
Start:
"Anak, wag ka ng makelam. Manuod kana sa loob. Basa na yang damit mo." ani ko kay Clifan na naghuhugas din ng damit habang naglalaba ako.
"Wala namang magandang palabas mama" ani ni Clifan.
"Kahit na, Clifan. Mababad sa tubig kayng katawan mo." bilin ko rito.
Imbes na pakinggan ako ay patuloy lang ito sa pagbabad ng damit nay may downy na.
Kinusot ko balang yung ibang damit habang hinihintay si Kuya na nagiigin sa may poso sa likod bahay.
"Mama.." sambit ng anak ko.
"Oh?" tanong ko habang nakapukos ang atensyon sa nilalabhan.
"Bakit palaging may kotse sa harap ng bahay, mama?" takang tanong nito kaya agad akong napatingin dun sa palaging kinaruruonan ng kotse.
Napakunot noo din ako sa pagtataka.
"Hindi ko aalam nak. Baka dun sa may tabing bahay. Manliligaw o ano." nasabi ko nalang.
"Ganun ba yun?" sabi nalang ng anak ko.
Iniwas ko narin ang isipan doon.
Pagkatapos kong maglaba ay agad ko ng isinampay ito.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawu nong sasakyan habang nagsasampay ng damit.
Mag-iisamg linggo na yan. Paggising namin ng umaga meron na yan. Pag hating gabi naman at sisilipin ko ay waka na.
Pero panguwi ko galing trabaho eh waka naman jan. Pero pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos kong magbihis ay anjan nanaman.
Minsan ay hindi ko maiwasang magtaka at kabahan. Jusmiyo! Paano.nalang kung murder yan! Susme! Hindi pa ako handang mamatay bukod sa ayokong mahiwalay kay Clifan ay wala akong maipainom na kape at pambili ng kabaong tulad ni Jell.
Nang matapos sa pagsampay ay agad ako pumasok ng bahay para magbihis ng damit. Nadatnan ko rin su kuya at Clifan na nanunuod ng TV.
"Anak, mag hilamos kana. May aalas syete na" bilin ko dito. Ano na tin kasing oras ng maglaba ako.
"Opo!" sagot nito at agad ba dumiretsong banyo habang ako naman ay nagbihis ng pantulog bago lumabas ng kwarto.
"Kuya. Asan sila nanay?" tanong ko.
"Tulog na. Sina Miko naman baka mamaya pa uuwi. Tulog narin ako.." inaantok na sambit ni kuya bago patatin ang TV. Alas otso narin kasi.
Pumasok muna ako ng kwarto para tignan su Clifan na nagbibihis na ngayon.
"Anak. Matulog kana, isasara lang ni mama ang pinto.." bilin ko rito.
Bahagya lang itong tumango kaya pumunta ako ng kusina para isara yung pinto doon at patayin ang ilaw.
Lumabas din muna ako para patayin yung ilaw.
Inaantok na pumasok ako ng bahay. Ramdam ko rin ang bigat ng katawan ko dahil sa paglalaba.
Napipikit ang mga matang hinawakan ko ang sedura ng pinto para isara ang pinto.
Akmang maglalakad na ako pabalik ng kwarto namin ni Clifan ng may kumatok galing sa pinto.
Sa pag-aakalang si Miko iyon ay agad akong lumapit sa pintuan para pihitin ito at buksan.
At halos malaglag ang panga ko at matumba sa kinatatayuan ko sa bumungad saakin.
Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng paghinga ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
"J-jack-----"
Naputol ang sasabihin ko ng walang pasabi ako nitong siniil ng halik sa labi na nagpalaki sa mata ko.
------------x
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
General Fiction"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17