Pahina XXX:
Jack (POV)
Magkahawak kamay kaming lumabas ni Andrea ng kwarto nila.
Paglabas namin ay agad naming nabungaran ang kanilang maliit na hapag kainan. Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw ko si Clifan na nakatalikod sa gawi ko habang kumakain at nagkukwento.
Nakita ko ang pagsulyap sa akin ng Mama ni Andrea na agad ding bumaling sa nagdadaldal na si Clifan.
"Opo, lola! Nakatabi ko si Idol Jack sa pagtulog! Yung kumanta nung hanggang kailan!" masayang mungkahi ng anak ko.
Dama ko ang labis na pamimilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako ng malamig dahil sa kabang nararamdaman ko.
Nakita ko ang Mama ni Andrea na nakangiting tinatanguan ang anak ko.
Parang hinahaplos ang puso ko habang nakatingin sa bawat galaw ng anak namin ni Andrea.
Halata ang maayos na pagpapalaki nila kay Clifan. Mula sa pagiging magalang at pagiging dependent sa isang bagay. Gaya na lang ngayon, kung sa ibang bata siguro ay nagpapasubo palang ang mga kaedaran niya pero siya, kita na kung paano siya sanay kumilos ng maayos at mag-isa.
"Clifan.." tawag ni Andrea sa atensyon ni Clifan.
Agad namang napabaling si Clifan sa kinaroroonan namin na lalong nagpakaba sa akin. Nang makita ako nito ay agad na namilog ang mata niya bago ako itinuro.
"Siya yun, lola! Si Idol!" He happily said. Idol...it must be Daddy, Clifan..
Parang sumikip ang paghinga ko dahil sa kaalamang wala man lang itong kaide-ideya na ang Idol na tinatawag niya ay ang Ama niya.
Binalingan ko si Andrea na namumula ang mga mata habang hawak ko pa rin ang kamay niya.
Nahagip rin ng mata ko ang tahimik na kuya nito na nakaupo lang at pinapanuod kung gaano kasaya si Clifan.
They really love our son. I can see that it in their eyes.
Bahagya akong hinigit ni Andrea paalapit kay Clifan.
Para lang akong tuod na humahakbang papalapit sa anak namin.
Bahagyang lumuhod si Andrea upang makapantay si Clifan na nakaupo sa isang monoblock.
Kita ko kong paano umagos ang masasaganang luha sa mga pisngi ni Andrea.
At halos maantig ang puso ko nang ipwesto ni Andrea ang isang palad niya sa hita ni Clifan habang ang anak naman namin ay nakalabing pinapahid ang luha nito habang sakop ang magkabilang pisngi.
"M-mama..bakit ka umiiyak?" naluluhang sambit ng anak ko.
"C-clifan...may sasabihin si mama.." kagat ang ibabang labing sabi ni Andrea.
Tumango lang si Clifan bago halikan ang noo ni Andrea na tuluyan ng nagpaantig sa damdamin ko.
"Si Idol Jack..." matamang ani nito bago bumaling sa akin kaya agad ding napabaling sa akin si Clifan.
"Siya ang Papa mo.." aniya kasabay ng malakas niyang paghikbi at ipatong ang noo sa hita ng anak namin.
Naramdaman ko pag-iinit ng mata ko dahil sa imaheng nakikita.
"Akala ko ba wala akong papa?" umiiyak na tanong ni Clifan na nagpahina sa akin.
Dahil sa sinabi nito ay agad ko ring iniluhod ang isang tuhod upang makapantay si Clifan bago umusog si Andrea at haplusin ang aking likuran.
"H-hey, Young man.." sambit ko bago kinagat ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag iyak ngunit naramdaman ko pa rin ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mata ko.
"Ikaw po ang papa ko?" nakalabing tanong nito na tinanguan ko lamang dahil wala akong makalap na sagot.
"Yes, I am.." tumango-tango pa ako.
"I-I am..." pag uulit ko bago ko maramdaman ang pagpulupot ang maliit nitong braso sa leeg ko.
"Papa kita.." aniya bago humikbi sa may balikat ko.
"Oo, anak.." sambit ko bago tumayo habang buhat pa rin siya.
Inalalayan ko rin si Andrea na tumayo bago siya hapitin sa bewang at halikan sa sentido habang nara harapan ng pamilya nito na saksi sa kasiyahang nararamdaman ko dahil sa wakas. Matutupad na ang pangarap ko.
Ang sarap lang sa pakiramdam. Nakakagaan ng loob. Para akong nakalabas sa isang madilim na eskinita at nasilayan ang totoong liwanag.
Gusto ko ang pakiramdam na ito. Sa katunayan ay inasahan ko na ito. Alam ko na magkakaroon nito noong mga oras na ibinigay sa akin ni Andrea ang lahat at nong araw na pumayag akong gawin sa kanya iyon.
Inasahan ko na 'to...
Inasahan ko ng magkaroon ng isang ganitong pamilya at pinapangako kong mabubuo na kami sa pagkakataong ito.
Bilang isang pamilya.
--------------------x
Hapihapi naaa! Ghahahaha! O siya! Long commenta para sa mga susunod na pahina. Kapag maiikli yan naku kayo! Walang update lalo na dahil ubos na chaps sa drafts ko. Kaya dapat i-inspire niyo ko para makabuo ang ang utak ko. Hahahaha. YUNG IBANG LINYA NI JACK SA IBANG CHAPS YUNG MGA TOTOONG READERS LANG ANG NAKAKAGETS! HAHA. SINONG NAKAGETS AT NAKARELATE? COMMENT KA KUNG LOYAL KA! CHOS!K BYE GANDA Q.
-Madam
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
General Fiction"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17