Pahina XXXVII

5K 93 0
                                    

Pahina XXXVII:

Start:

Nandito lang kami sa harap ng bahay kasama sila Jack.

Nag-uusap silang dalawa ni kuya Sandro tungkol sa itatayo ulit nila kuya na bake shop.

"Meryenda muna kayo, iho." sambit ni nanay sabay lapag dun sa bananacue sa lamesa na pinagigitnaan namin. Pumasok ulit si nanay dahil may aayusin pa raw siya sa kwarto niya.

"Umalis na sila Kikay?" tanong ni Kuya Sandro. Sandali ring nag-stay sila Kikay at Lesy dito. Doon sila natulog sa kwarto nila kuya kaya't ilang araw din sa sala sila kuya at Miko.

"Oo, kanina lang. Hihintayin ka pa sana kaya lang ayaw raw nilang gabihan sa byahe. Ilang oras din ang byahe patungo maynila." sagot ko bago kumuha ng kunin ang saging na iniabot ni Jack.

"Ganun ba? Galing ba saan ang dalawang iyon?" tanong ni kuya.

"Galing America si Lesy habang si Kikay naman nagtatrabaho na bilang manager sa bangko doon lang din sa Q.C." sagot ko. Hindi ko maiwasang mainggit sa dalawa. Mabuti sila at may trabaho na. Ano kaya ako ngayon kung hindi nangyari yung noon?

Habang kinakain ang bananacue ay patuloy lang sa pag-uusap ang dalawa.

Agad namang nag-antig ang tenga ko ng magsalita si Kuya.


"Last day mo na 'to rito bayaw. Sasama ba sila Andeng sayo?" takang tanong ni Kuya na nagpatikhim kay Jack at nagpakunot sa noo ko.

"L-last day?" takang tanong ko bago balingan si Jack na nakakagat labi ngayon.

"A-andrea.." kabadong sambit ni Jack.

"Ay, hin----pasensya na bayaw!" biglang paumanhin ni kuya ng marealize sigurong wala akong alam.

Ilang araw na rin ang lumipas ng magpunta kami sa beach pero hindi ko alam na last day na pala nito at babalik na ng maynila bukas.

Bigla ko na lamang naramdaman ang pamimigat ng paghinga ko na parang may nakalambitin dito na kung ano. Natatakot ako na baka umalis si Jack at hindi na kami balikan pa...iba ang buhay niya sa Maynila..baka makahanap siya ng iba lalo na at hindi pa kami kasal. At hindi ko alam kung balak niya ba akong pakasalan.

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa naisip. Posible kaya?

Sa bigat na nararamdaman ay agad akong tumayo at magdesisyong pumasok ng kwarto. Narinig ko pa ang pahingi ni kuya ng sorry at ang pagpaalam ni Jack na agad na sumunod sa akin. Ito siguro ang rason kung bakit may kausap sa telepono si Jack ng madalas.

Pagkapasok ng kwarto ay agad akong umupo sa kama. Wala rito si Clifan dahil may bagong kalaro malapit sa amin na bagong lipat lamang.

"Andrea..." mabigat ang paghingang ani ni Jack.

Hindi ko nilingon ito at nanatili lang na naka-upo.

"I'm so----"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malamig kong tanong dito.

"Look, listen----"

"Balak mo bang umalis at iwan kami ni Clifan ng hindi ko alam?" halos mapiyok ako sa sariling tanong.

Narinig ko ang pagdapo ng kamay nito sa aparador bago pasadahan ng marahas ang buhok.

"F-fvck! No Andrea! Bakit mo naisip yan?" parang hindi makapaniwalang tanong nito.

"B-babawi ka ba sa ginawa kong pag-iwan sa iyo noon?" biglang bulalas ko na nagpatulo sa luha ko at nagpalapit sa kanya sa kinauupuan ko.

"Of course not! Bakit ko gagawin yun? What are you talking about?!" naghehesteryang sambit nito.

Ramdam ko ang pagtulo ng masasaganang luha sa mga mata ko bago ko iwasan ng nanunubig na mata nito.

Hindi ko alam pero nanghihina ako..natatakot ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko malalayo ulit ako kay Jack.

Naisip ko na naman yung nangyari noon.

"Listen, i'm going back to manil-----"

Hindi naituloy ni Jack ang sasabihin ng itulak ko ang dibdib nito.

Nakita ko ang pag-awang ng labi nito habang nakatitig sa mga mata ko.

Nakipaglabanan ako ng tingin. Ramdam ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko bago sabihin ang mga katagang alam kong pagsisisihan ko.

"Umalis kana, Jack..."

-------------------------x
Edi shing! Hahaha. Malapit na ang wakas! Abangan na lamang!

-Madam

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon