Pahina II
Start:
"Ate, pengeng sabaw," sabi ng isang costumer nang mailapag ko itong order ng isa.
Agad ko itong tinignan at nilapitan habang hawak pa rin ang tray na pinaglagyan ko kanina ng ulam. "Aba naman, manong. Halos malunod na ho bituka niyo kakahingi ng sabaw eh isang tapsilog lang naman ang inorder niyo! Halos maubos na nga ho yung sabaw sa kaldero namin kakahingi niyo eh! Hindi porket free eh, malugi pa kami sa inyo!" kalmado pero matapang kong sabi.
Agad naman itong napakamot ng ulo at sinabing, "Humihingi lang ng sabaw ang dami nang sinabi." akmang aalis na siya nang magsalita ulit ako.
"Hep! Aba naman, manong! Wag dalhin ang mangkok. sa amin yan! Kung gusto niyo ng libreng sabaw dun ho kayo tumambay sa may septic tank! Che!" mataray kong sabi para pak na pak.
Pagkatapos naming magwelgahan ni manong-na-umaasa-sa-libreng-sabaw eh naglakad na ako papunta sa counter para ilapag ang tray na ginamit ko kanina.
Bago pa ako tuluyang makapasok eh hinarang na agad ako ni Aleng Sonya, ang may-ari ng tapsilogan at apartment na pinagtratrabahuhan at tinitirahan ko ngayon.
"Hoy, Andeng! Wag mo ngang ginaganun mga costumers ko! Baka gusto mong ikaw ang pagtambayin ko sa septic tank!?" nakataas ang isang gilid na labing sabi nito.
Dahan-dahan ko naman itong nilapitan at hinimas sa braso, ew dry. "Eh, Aleng Sonya. Baka naman po tayo ang malugi niyan kapag di ko pa pinaalis 'yun. Maganda pa naman kayo."
Pero ayos 'to, effective. Boplaks naman si Aleng Sonya. Charing!
"Ganun ba? Keshe nemen! Magende eke? Ehehe." nagmamagandang tanong nito. Sabi sa inyo boplaks siya. Isa siyang sperm! Char.
Alam kong malaking kasalanan ang sasabihin at gagawin ko.
Tumango ako at sinabing, "Opo Aleng Sonya, kaya ma-d-delay muna pagbayad ko ng renta kasi po ang ganda ng buhok niyo," hawak sa buhok, "tsaka, swelduhan niyo po ako kasi malapit naman na payday ko sa 7 eleven kasi ang kinis ng balat niyo. Flawless. Boneless," bulong ko pa dun sa huli kong sinabi.
Nagulat ako nang tinignan ako nito at tinaasan ng kilay.
Wrong move ata?
"Hoy, Andeng ha!" kurot sa tagiliran, "Luma na 'yang mga linya mong 'yan! naku ka!" palo sa braso, "Pero epektibo pa rin! Oo na! Basta next month Andeng ha?! Wag talkshit!" mabaho ang hiningang sinabi nito. Pero infairness ha? Tumu-talkshit si Aleng Sonya!
"Oyy, Aleng Sonya, tumu-talkshit ka na ha? Saan mo natutunan 'yan?! Improving! Bumabagets!" pang-uuto ko pa. Tutal mukha pa naman siyang bagets eh, malapit na ring magmukhang fetus.
Pero diba? Mautuhin?
BUT!
Malaking pwet, mabait si Aleng Sonya! Hindi siya kagaya nung sa mga binabasa at napapanuod ko na landlady na nagpapalayas ng mga katulad kong....maganda.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang trabaho ko sa tapsilogan ni Aleng Sonya. Hanggang 9 am lang kasi ako dun tapos uuwi na akong apartment para matulog tapos 6 pm aalis na ulit ako para sa isang part time job ko sa 7eleven.
Ganun lang daily routine ko every weekends tas Wednesday. Pumapasok kasi ako sa college every monday to friday.
Pagpasok ko sa apartment ko ay agad na bumungad sa akin ang poster ng Four Demons ang grupo ng banda kung saan kabilang si Jack Smith myloves. Ang bokalista at drummer nila.
My midnight obssesion.
-------x
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
Ficción General"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17