Pahina XXXVIII

4.9K 137 3
                                    

Pahina XXXVIII:

Start:

Nakatulala akong nakatingin sa bukid dito sa likod bahay.

Dinig ko mula rito ang iyak ni Clifan sa loob ng bahay. Agad akong napapikit kasabay ng pagtulo ng luha dahil sa sakit na naramdaman.

Ilang araw ng ganyan si Clifan. Laging naiyak simula nung nalaman nitong pinaalis ko ang papa niya.

Mula nung pinaalis ko si Jack na siyang pinagsisisihan ko ngayon.

Ngayon ko lang narealize na talagang hindi ko kayang malayo ulit sa akin si Jack. Sa paghikbi ko ng tahimik tuwing gabi at sa pag-iyak ni Clifan.

Nakakapanghina. Kita ko nung araw na yun kung paano naging malungkot si Jack sa sinabi ko.

Nang hindi na marinig ang iyak ni Clifan ay nagdesisyon na akong pumasok. Agad akong nahabag ng makita si Clifan na mugto ang matang natutulog sa kandungan ni Nanay.

Alam kong sa halos isang buwan nang nandito si Jack ay sobra ng napamahal si Clifan dito. At masakit sa aking makitang ganyan si Clifan. Nagsisisi akong hindi ko muna pinakinggan ang paliwanag ni Jack nung araw na magdesisyon akong paalisin siya.

"Akin na, nay." mahinang sabi ko kay nanay bago kunin si Clifan.

Akmang maglalakad na ako papasok ng kwarto ng marinig ang pangalan ni Jack sa nakabukas na telebisyon.

"Leader sa Four Demons sa si Jack Smith sinabing aalis na ng banda dahil sa isang babae. Alamin natin ang buong kwento, Jaya." sabi ng reporter sa TV bago ipakita sina Jack at buong FD kasama si Manager Trina na naka-upo habang kinaka-usap ng isang reporter.

Agad na kumalabog ang dibdib ko ng makita ang mukha ni Jack sa telebisyon!

"Totoo ba na ang rason ng pag-alis mo sa banda ay dahil sa isang babae? Ito ba ang usap-usapang asawa mo daw?" tanong ng babae sa seryosong si Jack.

Halos hindi ko naintindihan ang sinabi ng reporter dahil ang pumasok lang sa isip ko ay ang sinabi nito aalis na si Jack sa banda dahil sa isang babae.

Hindi ko maiwasang umasa at isiping ako ang tinutukoy ng mga ito.

Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko bago halikan ang ulo ni Clifan.

Agad kong kinabahan ng magsalita si Jack at halos manghina ako ng sinabi nito.

"No. Hindi yan totoo.." seryosong sagot nito na nagpasikip sa dibdib ko.

Nakita ako ang malungkot na pagbaling sa akin ni Nanay.

Tumalikod na lamang ako at akmang papasok na sa kwarto. Tumulo rin ang luha sa mga mata ng mapatigil ako ng sinabi ni Jack na, "Hindi lang dahil sa babae. Sa totoo lang ay dalawa sila. Aalis ako dahil gusto kong mabuhay ng simple kasama ang anak at asawa ko..." aniya na nagpalakas ng pintig ng puso ko.

Tangina ka myloves! Walang ganyanan!

"Aalis ako para bumawi sa nasayang na oras na hindi sila kasama. Sa katunayan ay binalak ko ng ng umalis sa banda five years ako.." pag-amin nito na nagpaawang sa bibig ko.

"Hindi ko lang itinuloy dahil gusto kong mahanap siya....kaya panay ang mall tour namin para lang matagpuan ang babaeng pinakamamahal ko. At sa wakas na nahanap ko na sila ilang linggo na ang nakararaan. 'Sila' dahil nahanap ko siya kasama ang anak namin..." narinig ko ang pagpiyok ng boses nito at pagpunas sa mata. Tinapik siya sa balikat nila Jay at Drew. Niyakap din siya ni Manager Trina.

"Sorry sa lahat ng fans ko dahil nagtago ako ng sikreto sa inyo. I'm sorry, guys. And Andrea..." aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko kaya napakagat ako sa labi.

"Hindi kita sinama dahil baka hindi ko kayo maasikaso dito dahil busy ako sa pag-aayos ng mga bagay para makasama na kayo." puno ng senseridad na aniya. Hindi nakaligtas sa akin ang reporter na kilig na kilig at nangingiti at halos malubog ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi ni Jack!

"Wait for me there, myloves. Papakasalan pa kita. I miss you and our Son. I miss your embrace and kisses. I miss your body and everything about you.." bago ito ngumiti na makalaglag panty!

Potek ka, Jack! Ang halay mo pati sa TV!

Narinig ko ang tawa ni nanay ngunit hindi ko na lamang pinansin dahil sa lakas ng tibok ng puso ko at sayang nararamdaman ko.

Miss na rin kita, Jack..

------------------------x
FEEDBACKS! MALAPIT NA ANG ENDING! ABANGAN GUYS! ADD NIYO KO PARA UPDATED KAYO KINA ANDENG! :*

FOLLOW ME ON WATTPAD: @NICOLEMACAMWATTY

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon