Start:
Agad kong nilapitan si Clifan na nakatalikod ng pagkakahiga sa gawi ko ngayon nang umalis si Kuya Sandro.
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatingin sa likod ng anak ko na bahagyang yumuyugyog dahil sa mahinang paghikbi.
"A-anak..." kinakabahan kong tawag nang umupo ako sa gilid ng kama na may manipis na kotson.
Imbes na sagutin ako ay nanatili lang itong nakatalikod at humuhikbi.
Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay napahiga ako sa kama bago yakapin si Clifan habang ang sentido ko ay nakapatong sa sentido niya at nakayakap ang braso ko sa katawan niya.
"S-sorry na, nak..." agad na napaluhang paumanhin ko. "Sorry, baby..." ulit ko pa.
Medyo napausog ako ng bahagya itong humarap sa akin na may magang luha sa mata.
"Mama.." anito habang naluluha at napalabi pa.
Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Sorry, Clifan. Hindi sinasadya ni mama na sigawan ka." ani ko bago ilapat ang labi ko sa noo nito.
Napaupo rin ako ng umupo ito. Bahagya ko pang itinungo ang ulo ko para magpantay ang paningin namin.
Para namang may humaplos sa puso ko nang sakupin nito ang magkabilang pisngi kong puno ng luha gamit ang maliit nitong kamay.
Narandaman ko rin ang pagpunas ng maliliit na daliri nito sa luha kong kasalukuyang nag-uunahang umaagos ngayon bago ako halikan ng mabilis sa labi.
"S-sorry mama kung bad si Clifan." paumanhin nito bago tumungo.
Agad naman akong napangiti, "Good boy kaya ang Clifan ko! Makulit lang!" paglalambing ko bago kilitiin ang tagiliran nito na nagpatawa sa kanya.
"M-mama!" natutuwang ani nito.
Para pang bumagal ang oras habang nakatingin sa tumatawang si Clifan. Habang lumalaki ay nagiging mas kamukha nito si Jack.
Kamukhang-kamukha niya ang ama niya.
Ang lalaking sobra kong minahal at kinabaliwan noon. Naging dahilan kung bakit ako naging desperada at nasaktan at the same time, ang naging rason kung bakit nakasama ko ngayon si Clifan.
Habang iniisip ang mga bahay na yan ay napangiti ako ng mapait.
Hindi ko alam kung bakit pero simula nung ipinanganak ko si Clifan ay bihira ko ng napapanaginipan ang kadalasan kong napapananginipan noon tungkol sa amin ni Jack.
Agad akong namula nang sumagi sa isip ko yung gabi na inangkin ako ni Jack.
Aaminin kong hiniling kong hindi na siya makita dahil sa hiyang nararamdaman at takot na baka kunin nito sa Clifan o kaya'y ipagtabuyan.
Pero halos hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng pagka-miss sa kanya simula noong nakita ko siya sa TV habang kumakanta.
Kamusta na kaya si Jack? May asawa't anak na kaya siya?
Sa kaisipang yan ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa sakit.
-----------x
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
General Fiction"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17